10

1K 46 2
                                    

No update for tommorow, sorry.

Chapter 10

"Saan naman kaya siya pupunta?" Tanong ko.

"Why are you asking, though?" Sabi ng kasama ko. Bigla na lamang siyang sumungit sa'kin.

"W-wala lang," Sabi ko.

"Let's go home," Sabi niya.

"B-bakit? Gusto ko pang magtingin-tingin dito.." Sabi ko tyaka nagtingin-tingin sa paligid.

Gabi na at ang sarap ng simoy ng hangin, iba't-ibang kulay pa ng lights ang nakikita ko.

"Ok..ok.. Saan mo pa ba gusto?" Tamad na sabi ni Sir Russel. Mukhang ayaw niya na.

"Huwag na lang pala.. Sige, balik na tayo." Sabi ko at nananatiling nakangiti.

Pinaningkitan niya ako ng mata. Ibang-iba talaga ang karisma ng isang 'to. Hinahangin ang buhok niya kaya nagugulo Ito pero sobrang guwapo niya pa'din.

"Let's go at the center of this park," Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. Siya ang pinakaunang lalaking nagpatibok ng puso ko. Siya rin ang kaunahang humawak sa kamay ko.

Parang nag-slow motion sa'kin ang lahat. Ano na? Ano ba 'tong nararamdaman ko!?

Nang nasa center na kami nang park ay binitawan niya na ang kamay ko. Halos lumuwa ang mata ko sa ganda ng lugar na ito. May maliit na fountain at punong puno i'yon ng iba't-ibang kulay na ilaw.

Ang dami ding mga tao na nakatingin.

"Bakit masyadong maraming tao?" Tanong ko.

"Every last day of a month, they are having a fireworks party at exactly 12:00 AM." Sabi ni Sir Russel.

Wow, ang cool pala rito. Ang galing. Ngayon ko lang nalaman ang lahat ng mga ito.

"Sir, bili na po kayo ng couple head band ni Ma'am," Napatingin kami sa batang nagsalita. May mga headband s'yang tinitinda. Umiilaw Ang mga headband. Ang ganda.

"Hindi kami bibili," Walang ganang sabi ni Russel. Hindi na siya naawa sa bata. Nalungkot tuloy ang bata.

"Ako, bibili ako.." Sabi ko. Binayaran ko siya tyaka kinuha ang headband. Ang cute ng headband.

"Don't tell me you make me wear that thing?" Tanong niya.

Ang galing nahulaan niya.

"Oo, suotin mo 'to, para parehas tayo. Ang cute oh!" Sabi ko. Sinuot ko na ang isang haidband. Ang cute talaga.

"Ayoko," Sabi ni Sir Russel.

Ang kj niya.

"Sige na, ang cute oh! Tignan mo," Sabi ko tyaka pinakita ang headband na suot ko. Ang cute kasi umiilaw-ilaw pa.

"F-fine," Sabi niya t'yaka kinuha sa akin ang head band.

Inilagay niya ito sa ulo niya ng basta basta na lang. Head band na lang ay hindi siya marunong?

"Hindi maayos, ako na..." Sabi ko. Inintay ko s'yang yumuko. Halos mabulag ako sa pagyuko niya palapit sa'kin.

Halos magwala ang puso ko. Ano ba 'to? Ano ba ito. Para na akong mahihimatay.

"Faster," Sabi niya. Naamoy ko na ang mint niyang hininga. Sobrang lapit na'min sa isa't-isa.

Madali kong sinuot ang head band sa kanya, tyaka ako bumalik sa pwesto ko na katabi niya.

Ang gwapo at ang cute niya. Sa totoo lang, he's the most beautiful man I've ever seen.

"Anong oras na kaya?" Tanong ko sa sarili. Pilit na pinapakalma ang pasaway kong puso.

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon