13

953 51 5
                                    

Chapter 13

"Drawing me, then," Nagulat ako sa sinabi niya.

"K-kayo?" Tanong ko ulit.

Bakit siya?

"I wanna see your talent on drawing," Sabi niya.

"Okay.." Sabi ko.

Talaga bang id-drawing ko siya?

Tumikhim siya at umayos ng upo. Nakatingin siya ngayon sa'kin.

I can't look at him. He's handsome as fúck.

Ang perpekto ng kanyang mukha.

I sighed then started getting a pen and a paper.

Tingin ako ng tingin sa kanya, hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang kanyang mga mata. Napakaganda nito.

"Care to share, what you dream about?" Agad na tanong niya.

"Isang kasilyo, Reyna at Hari." Sabi niya.

"Wala namang ganun sa totoong buhay, e." Mapait kong sabi.

Patuloy sa pagdrawing nang kanyang perpektong mukha.

"They exist," Aniya. Napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"King and Queen exist in greece." Aniya.

I looked at him. Nag-eexist sila?

WOW LANG.

"Tapos na.." Masayang sambit ko. Ansaya lang na maganda ang gawa ko.

Artist.

"You're good, huh? Thankyou," Aniya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ang gwapo.

"I'll keep it—"

"Wow, hanep. Aga-aga n'yong maglandian." Napatingin kami sa likod ng may nagsalita.

"Lars, ikaw pala.." Sabi ko.

"Uuyy, kuya, jisel." Asar ni Lars. Mahina siyang binatukan ni Russel tyaka umalis na.

Agad akong pinaupo ni Lars.

"Ano? Nagkakamabutihan na ba kayo ni kuya?" Tanong niya. Mapakla akong ngumiti. 

Kami? Hindi ata.

"Ah, hindi ha, wait. Hanap na 'ko ni Manang." Sabi ko, tinatawag na kasi ako ni manang.

"Okay, papasok na 'ko. Ingat kay kuya.."Sabi niya tyaka mahina akong tinapik.

Si Lars talaga.

"Jisel,Hija? Tapos kana ba d'yan?" Tanong ni Manang sa'kin. Kasalukuyan akong naghuhugas, patapos nadin.

"Tapos na po, Manang." Sabi ko.

"Pwede bang ikaw na lang ang maghatid nito sa office ni Sir Russel." Inabot ni manang ang nakatray na naglalaman ng pagkain.

Anong oras na hindi pa'rin siya kumakain?

"Sige po, manang." Sabi ko.

"Sis, magdahan-dahan ka sa pagpasok sa office ni sir, baka sigawan ka." Sabi ni ate aida. Paakyat na sana ako sa hagdan.

"Sigawan?"

"Oo, palaging HB si Sir 'no, palagi nga kaming nasisigawan, kaya ingat ka." Sabi niya.

"HB?" Tanong ko.

"High blood," Umirap siya tyaka mahina akong tinapik.

"Go, gurl. Kaya mo 'yan maganda ka naman, e." Biro niya. Parang tinatakot niya ako.

Totoo naman talaga na masungit si Russel. Sana lang ay 'di ako sigawan.

"Sir?" Katok ko sa pinto. May bahagi sa'kin ang kinakabahan na baka sigawan niya din ako.

"Come in," Agad akong bumuntong-hininga.

HINDI GALIT. BAGO HA.

"Sir, meal n'yo daw po." Sabi ko. Maraming papel na nakatambak sa kanyang table. Nakasuot pa siya ng salamin na bilog, gulo-gulo din ang kanyang buhok pero nakikita pa'rin ang kanyang perpektong mukha.

"Just put it there." Turo niya sa libreng table.

Nananatili akong hindi umaalis. Hindi ba dapat ay kumain muna siya? Anong oras na.

"What? May kailangan ka pa?" Masungit n'yang tanong.

"Sir, parang mas mabuti pong kumain muna kayo.." Nahihiya man akong sabihin pero sinabi ko na. Baka bigla na lang siyang mahimatay.

Tinanggal niya ang kanyang eye glasses at pinaningkitan ako.

"Pero kung ayaw n'yo mamaya na lang po, mauna na po ako." Sabi ko.

"Fine, I'll Eat," Aniya at tumayo tyaka umupo sa libreng upuan niya sa isang mini table niya. 

Otomatikong umarko ang ngiti sa'kin. Hindi ko alam kung bakit.

"H-have you done e-eati- nevermind." Sabi niya. Hindi ko na intidhan ang sinabi n'ya.

"Mauna na po ako," Sabi ko.

"No, stay here." Aniya. Napatingin ako sa kanya.

Ang lakas ng kabog ng dib-dib ko.

"P-po?"

"Are you deaf? I said stay here. Gusto kong may kasama kumain." Aniya patuloy pa'rin sa pagkain.

Naguguluhan man ako pero nanatili na lang akong tahimik. Tyaka ako umupo sa isang upuan na katabi niya.

Walang kahit sino ang nagsalita sa'min, tanging tunog lamang nang kanyang pag nguya ang tangi kong naririnig.

"I'm done," Sabi niya tyaka tumingin sa'kin.

Kukuhain ko na sana ang tray ng tumunog ang CP ko. Hudyat na may nagtext. Hindi ko na lang pinansin. Aalis na sana ako nang magsalita si Sir Russel.

"Check your phone, I think someone texted you," Aniya. Nilapag ko ang tray tyaka kinuha sa aking bulsa ang CP.

09+++++++++

Hi!

Kumunot ang aking noo. Hi? Sino naman 'yun?

"Who texted you?" Tanong niya.

"Hindi ko kilala Sir, number lang po." Sabi ko.

Tumayo siya tyaka kinuha ang phone ko. Kinuha niya rin ang kanyang phone. Salitan niyang tinignan ang phone niya at phone ko.

Ano naman ang ginagawa niya? Tyaka sinong nag text sa'kin?

"Tss. Ace." Aniya.

"Po?" Tanong ko. Hindi ko narinig ang sinabi n'ya.

"Nevermind, don't reply on that anonymous person, ok?" Bossy n'yang sabi.

Tumango ako. Boss ko ang nagsabi n'yan ha. Aalis na sana ako hawak ang tray ng magsalita siya.

"Marunong ka palang magtext, huh?" Tanong niya.

"Nagpaturo ako kay Madam Third, Sir." Sabi ko.

"So, ikaw talaga ang nagtext n'yan sa'kin?" Tanong niya tyaka inilapag ang phone niya sa table nang sa ganun ay makita ko.

Hi, Russel. Kung manligaw ka man ay payag ako. ❤️

Umawang ang bibig ko. May heart pa sa dulo! Oh my...

"H-hindi ako 'yan.." Sabi ko.

Kaya pala nag reply siya sa akin ng ‘are you crazy or what’

"Who?"

"Si Madam, third.."

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon