06

1.1K 45 4
                                    

Chapter 6

Ano nanaman ang ginagawa n'ya dito? Nandito nanaman ba siya upang laitin ako?

Natulala siya ng makita ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakakainis siya, dapat ay hindi na siya nagpakita sa'kin. Wala man lang s'yang ginawa sa kaibigan niyang rapist!

Dapat ay nakulong na 'yun, e!

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtaas ako ng kilay.

Medyo hindi ako sanay sa ganito, pero kailangan ko 'to dahil sa ugali n'ya.

"Aray! Hoy ano ba! Masakit!" Napatingin kami sa lalaking nagrereklamo. Hawak parin ni Russel ang mga kamay nito.

"Tara na nga, alis na tayo!" Sabi ng lalaki na iniinda ang sakit ng kanyang kamay, niyaya n'ya na ang mga tropa niya.

"I'm here to say—"

"Pwede ba kung sisigawan o lalaitin mo lang ako, umalis ka na lang?" Sabi ko. Hindi ko makakalimutan ang masamang pag-uugali niya at ang pagsigaw-sigaw sa akin.

He's confused face look at me.

"Are you really my sister's friend?" Tanong niya.

"Pwede bang umalis kana?" Sabi ko at pumunta sa mga ibang customer na tinatawag ako.

"Magkakape rin ako, you're so rude to your customers," Sabi niya.

Aba, at sa'kin pa nagmula ang rude e siya nga 'yun. Umupo siya sa customer seats.

"Hinahanap ka ni Russel, anong meron?" Tanong ni Madam Third, nananatiling nagtatrabaho.

"Hindi ko alam," Sabi ko.

Ano kayang ginagawa n'ya dito? Dapat na ba akong matuwa dahil pinagtanggol n'ya ako sa mga lalaki kanina?

"Ganda mo masyado kaya hinahanap ka, Si Ace si Russel at 99 Others," Sabi ni Madam Third.

Hindi ko na siya pinansin at nilapitan si Russel na mag-oorder daw.

"Java Chip Frappuccino" Aniya na nakatingin sa menu at paminsan-minsang tumitingin sa akin.

"Ano pa pong gusto n'yo, Sir? 'Yan lang po?" Tanong ko.

Isa sa mga tinuro ni Madam ay maging mabait sa Customer kahit ang Customer ay hindi.

"I have," Aniya.

"Ano pa po?"

"G-gusto kitang maka-usap," Sabi niya, nauutal pa. Anong nakain ng lalaking ito? Napakataray niya sa'kin tapos ngayon ay gusto niya na akong kausap?

"Ayaw ho kita maka-usap," Sabi ko, tyaka iniwan na siya.

"Java Chip Frappuccino, Madam," Sabi ko kay Madam.

"Seriously, para kayong magjowa. Ikaw ang nagtatampo at siya ang sumusuyo, kanina ka pa niya tinitignan," Sabi niya.

Bumuntong hininga ako. Ano ba kasi ang gusto n'ya? Ayaw ko nga s'yang kausap. Sinigawan nya ako at ipinahiya. Nakakainis talaga.

"Here is your order, sir," Sabi ko sa kanya at ibinigay. Ibinaba niya ang katawagan niya sa CP.

"May gusto akong sabihin, pwede bang makinig ka kahit sandali?" Sabi n'ya. Halatang naiinis na ang boses n'ya.

Okay, sige. Mainis siya.

"Ayaw ko, Sir," Sabi ko tyaka tinalikuran siya.

I heard him sighed.

"I need to talk with you, just for a minute," Aniya at lumapit pa sa akin.

"Ayaw ko nga, hindi ka ba nakakaintindi?" Sabi ko.

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon