29

861 46 3
                                    

FOLLOW ME FOR NEXT UPDATE!!!

Chapter 29

"B-bakit m-mo..ginawa 'yun?”

"Because I fuckin' like you. I really do." Aniya tyaka ako hinalikan sa noo.

"Hindi Sir, Russel. Mali 'to.." Maling-mali na ibigin niya 'ko.

Sinabihan na ako ng Ama niya na layuan ko siya, kailangan kong sundin 'yun.

"Why?" Naguguluhan niyang tanong sa’kin.

"Basta, Russel. Umalis kana. Huwag ka nang magpakita sa’kin, please..." Halos pagtulakan ko na siya para lang umalis siya.

"Why are you making me leave?" Napatigil ako sa pagtulak ko sa kanya nang magsalita siya na napakaseryoso.

"K-kasi.."

"Kasi isa kang prinsipe! Hindi ka pwedeng mahulog sa isang katulad ko! Hindi pwede! Kaya pwede ba Russel! Umalis kana!" Sigaw ko.

Hindi pwede 'to! Ugh! Bakit ba 'to nangyayari!?

"Prinsipe man ako o hindi bakit mo 'ko pinapaalis!?" Asik niya.

'Kasi 'yan ang utos ng Ama mo!'

Gusto ko man sabihin 'yun ay hindi ko na lang sinabi. Hindi ko na dapat banggitin 'yun, baka kung ano pang gawin ni Russel. Ayoko nang palalain pa. Ugh! Ano ba 'to!? Bakit ganito!?

"Umalis kana—"

"Jisel!?" Napatingin ako sa pinto ng may tumakbo papalapit sa akin at hipuin ang ulo ko.

"How are you? What happened to her, Russel!? What did you do!?" Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Ace si Russel sa kwelyo nito.

"Wala akong ginawa." Tamad na sabi ni Russel.

"Jisel! Sabihin mo sa’kin. Anong ginawa niya sa’yo? Anong nangyari!? Bakit ka nagkaroon niyan!?" Nag-aalalang sabi ni Ace.

Ugh; Isa pa si Ace. Ginugulo nila akong dalawa! Gusto ko lang magpahinga! Bakit naman ganito!?

Nanlaki ang mata ko nang sapakin ni Ace si Russel na naging sanhi ng pagbagsak ni Russel sa sahig. Agad na tumayo si Russel at sinuntok din si Ace. Ngayon nama’y nasa sahig na si Ace.

Bago pa suntukin siya uli ni Russel ay pumagitna na ako. Kahit masakit pa ang kamay ko ay tumayo ako para awatin sila.

"Ano bang ginagawa n’yo! Please lang! Tumigil na kayo!" Pagmamaka-awa ko.

Pwede bang kahit sandali lang ay walang gulo na dumating sa buhay ko, lord! Pwede po ba 'yun!?

"Please. Nagmamakaawa ako. Hayaan nyo akong mag-isa sa kwartong ‘to. Umalis na kayo.." Sabi ko.

Kinagat ko ang labi ko nang sa ganun ay mapigilan ang paglaglag ng mga luha ko.

Bumalik lang ako sa kama ko nang umalis na silang dalawa.

Bakit ba puro na lang problema!? Pwede ba munang magpahinga kahit isang araw lang!? Kahit isang araw lang!?

Noong mga nakaraang araw..gulo. Gulo dito, gulo don ang mga naranasan ko.

Simula nung baguhin ni Madam Third ang itsura ko sumunod-sunod na ang problema ko. Palaging may gulo.. Andaming nangyari..

Baka siguro kailangan ko nang bumalik sa dati. 'Yung hindi ganito! Gusto ko na 'yung sa noon na walang pumapansin sa’kin, na 'yung ibang tao ay wala palagi sa’kin ang atensyon. Gusto ko na nun! Namimiss ko na ang dating jisel na 'yun..

I shouldn't change...

"Teka, ano 'yan? Bakit 'yan!? Bakit may ganyan!?" Sandali kung tinapunan ng tingin si Madam Third bago bumalik sa pagtatrabaho.

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon