50

825 46 8
                                    

A/N: I just wanna ask..do you guys prefer happy endings or a tragic one?

Chapter 50

Nananatili lamang ang mata kung nakatingin sa kanila. Matagal na pumreso sa 'kin ang lahat ng nangyari.

Ito na.. nandito na..

Pero bakit hindi ko magawang yakapin sila? Hindi ko alam! Matagal akong nangulila, gustong-gusto ko silang yakapin pero bakit ngayon parang naduduwag ako.

"My daughter..." Nagsalita ang babae sa kanyang matigas na ingles.

"Aftí eínai tóso ómorfi (she is so beautiful)" Nagsalita siya sa ibang lenggwahe.

Nang palapit na siya ng palapit sa 'kin pabagsak na pabagsak na ang mga luha ko.

"Daughter...eísai pragmatiká ómorfi (you're really beautiful)" Lumapit sa 'kin ang babae at lalaki.

"I am your Mother.." Hinawakan niya ang kamay ko, sabay nagsalita ng matigas na english. Talagang ang accent ay nakakamangha.

Kusa ng tumulo ang luha ko ng yakapin niya 'ko.

"I didn't know... I didn't know..." Aniya sa 'kin habang nakayakap.

Lumapit ang lalaki sa 'kin na timgin ko'y ang asawa ng nakayakap sa 'kin.

Yumakap na din sa 'kin ang lalaki, tyaka ako niyakap.

I was so speechless. Hindi ako makasalita, talagang malakas ang kabog ng dib-dib ko.

"Sila ang tunay mong magulang, apo.." Ani ni Lola.

"P-paano?" 'Yun na lang ang lumabas sa bibig ko.

"It was your fault, if you told us this..we would have known her earlier!" Sumigaw ang babae kay Lola.

Mabilis akong umalis sa pagkakayap sa babae at lalaki, tyaka mabilis na lumapit kay Lola.

"Lola.. paano..bakit..bakit mo tinago sa 'kin?" Naiiyak na tanong ko kay Lola, habang nakatingin sa mga mata nito.

"Humihingi ako ng tawad sa 'yo, apo.. sa ginawa ko.. May nakakabit na parusa kung sakaling sa akin ka parin lumaki.."

Agad kung pinunasan ang luha ko. Shit?! Parusa?! Dahil lang dun kaya nila ako iniwan?!

"Paano pong nangyari na sila ang mga magulang ko?" Tanong ko habang nakaturo sa Reyna at Hari na kapwa lumuluha.

Russel was there, he's looking at me. Pinapakiramdaman niya lang ang mga nangyayari.

"Kapatid ko sa ina si Lucia, apo.. nakababatang kapatid ko..ibinigay ka niya sa 'kin nung kakalabas mo pa lang. Pinalit ka niya sa anak niya." Aniya sa 'kin.

Lahat ay naiintindihan ko na. Dahil sa walang kwentang dahilan ni Lucia, ginawa niya ang lahat para mawalay ako sa magulang ko. Napakawalang hiya..

"S-sila ba talaga ang totoo kong magulang?" Tanong ko.

"Tama ka, apo.. Nakikita mo ba ang nasa dibdib ng iyong ina." Napatingin ako sa Reyna at sa dib-dib nito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang hikaw duon na kapares ng sa 'kin.

"Sila ang magulang mo, apo.." Sabi nila.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, matinding kaba ang naramdaman ko.

Hindi ba ako nananaginip? Kung panaginip 'to, please.. huwag na kung gisingin!

"Daughter.." Yumakap silang dalawa sa 'kin.

Dahan-dahan kung itinaas ang kamay ko para tugunan ang mga yakap nila.

Napakaraming luha ang naglandas sa pisngi ko ng tuluyan ko na silang yakapin. At maniwala na totoo nga ang lahat..

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon