Chapter 52
"She's fine." Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin 'yun ni Russel.
Nasa harap kami ng pinto kung saan ang room ni Lars. She's still sleeping kaya 'di ako makapasok. Baka siguro mamaya ay gigising na siya.
Si Lola ay umuwi na muna sa bahay nila ni Mama, pati ang maliit na kapatid ko. Gusto ko silang dalawin pero siguro sa susunod na lang, maraming nangyari. Mahirap ang kumilos na lang bigla.
"Namatay silang dalawa?" Tanong ko kay Russel. Nasa kwarto niya ako, sa hospital. Medyo malakas na 'ko kaya si Russel ang pinagpahinga ko.
"Yeah. They both die. Sila ang gumawa ng ikakamatay nila." Sabi niya sa 'kin.
Nang gabing 'yon sinabi nila na kapwa namatay daw ang mag-ina. Nakahinga ako ng maluwag, dahil sa kanila muntik na akong mawalan ng mahal sa buhay.
"Russel.. thank you for saving me.. thank you.." Sabi ko sa kanya.
Pinahiga ko muna sa kama ng makapagpahinga siya, kanina pa siya galaw ng galaw. Parang hindi tinamaan ng bala. Tinapik niya ang kama para sabihing umupo ako dun.
Nang maka-upo ako ay agad niyang hinilig ang ulo sa balikat ko.
"Para sa 'yo, gagawin ko lahat," Rinig kung bulong niya.
"I love you.." Bigla ay Sabi niya. Agad na nag-init ang pisngi ko, pagkatapos kasi niyang sabihing 'yun ay hinalikan niya ako.
Umaatake nanaman ang kalandian niya... Opo.
"Tsk. Hindi ba't sabi ko magpahinga ka na?" Asik ko tyaka tumayo na.
Ngumuso siya na parang bata. Hindi ko mapigilang ngumiti. He's so cute..napakaguwapo...
Wala bang time na puro ugly moments ang lalaking 'to?! Parang palagi na lang siyang guwapo sa lahat, e. Tsk.
Napatingin ako sa kanya ng tumingin siya sa 'kin. No. Hindi sa 'kin sa labi ko.
Lalaking talaga 'to!
"Oh?! Ano nanaman?" Asik ko.
"I want to kissed you.." Bigla ay sabi niya na parang bata.
"Ang landi landi mo." Sabi ko.
"This is not landi, it's called clingy. Tsk." Asik niya 'tapos humiga na sa kama niya habang nakanguso pa rin. Tumalikod siya sa 'kin upang sa ganun 'di niya 'ko makita.
"Russel?" Tawag ko.
Pero hindi siya lumingon sa 'kin. Dinedma niya ba 'ko dahil sa hindi ko siya binigyan ng halik? Parang bata..baby ko.
"Russel Mattheo." Tawag ko ulit.
Katulad kanina ay dinedma niya 'ko. Problema nito?
Lumapit ako sa kanya pagkatapos kinalabit siya. Nananatili parin siyang nakatingin sa side, kung saan katapat niya ang kisame.
Hindi pa rin talaga siya sumasagot eh. Ang arte, grabi.
"Russel Mattheo De Villa." Tawag ko ulit.
Anak ng...hindi pa din. Nakakainis na 'yung ginagawa niya, ah.
"Magpahinga ka na, iiwan na kita dito." Sabi ko. Pagkatapos ay lumabas na.
Pumasok na ako sa kwarto ko, naabutan ko na nandun si Ate Lina at Madam Third.
"Saan ka galing? Kanina pa kami dito!" Asik ni Madam Third.
"Lumandi 'yan." Sabi ni ate Lina.
Hindi ko sila pinansin at umupo sa kama ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...