Long update for no long update haha! Happy Sunday!
Chapter 28
Napahawak ako sa aking dib-dib. Hala! Ano 'yun!? Bakit niya 'yun ginawa!? Mahihimatay na ata ako!
"Hija" Napahawak ako sa dibdib ko nang may magsalita.
"M-manang?" Ani ko.
"Anong ginagawa mo dito, hija? Gabi na hija, bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Manang.
"M-may ginawa lang po, pero Matutulog na din po ako. Goodnight po Manang.." Sabi ko tyaka umalis na dun.
Pagkapasok ko sa kwarto ay napasandal ako sa pinto habang hawak ang aking dib-dib.
Ano ba 'yun? Bakit niya ba ginawa 'yun? Ano bang gusto niya?
Ugh! Ang gulo!!! Wait! Kiniss niya noo ko!? Teka!? TOTOO BA!!??
OH MY GOD!!!???
Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga, agad din akong pumunta sa kusina upang ginagawa ang partikular na ginagawa ko sa t'wing umaga.
"Good morning, hija," Sabi ni Manang.
"Good morning, din po." Sabi ko.
"Kamusta tulog, anak?" Tanong niya sa akin na may nanunuyong ngiti.
"A-ayos lang po.." Sabi ko.
Bakit parang nang-aasar si Manang? Teka? Nakita nya ba 'yung kagabi? Oh no!!!!
"M-manang.. may nakita po b-ba k-kayo kagabi?.."
"Uhm, wala hija," Sabi ni Manang.
Napabuga ako ng marahas. Salamat at hindi nakita ni Manang.
"Hi best friend!" Napatalon ako sa gulat nang yakapin ako bigla ni Lars.
"Lars, huwag ka namang manggulat diyan." Sabi ko.
"Sorry, namiss kasi kita, eh!" Aniya sa akin.
Agad na napalayo siya sa’kin nang may magsalita sa likod niya.
"Magandang Umaga sa inyo." Malalim na boses ng ama niya.
"Good Morning, dad.." Kinakabahan na sabi ni Lars.
"Magandang Umaga po." Sabi namin ni Manang.
Tumayo ang mga balahibo ko nang tignan ako ni Don Neo. Napatingin na lamang ako sa sahig. Nakakatakot siya tumingin.. talagang kakabahan ka.
"Maari bang makausap kita?" Malalim ngunit magaan na sabi ng ama niya sa akin.
"O-okay l-lang po.." Sagot ko.
Bakit ako kakausapin!? May ginawa ba akong Mali!?
Sinundan ko na lamang ang likod ni Don Neo nang maglakad ito. Huminto siya nang nasa back yard na kami.
Lumingon siya sa akin at mas lalo akong kinabahan sa awra niya. Talagang kakabahan ka.
"Sabihin mo sa akin kung ano ang i'yong pangalan.." Aniya sa akin.
"J-jisel Samaniego po, Don Neo." Sabi ko.
"Ang iyong mga magulang ay nasaan?"
"Ulila na po ako, Don Neo."
"Ulila.." Bulong niya.
"Ikaw lamang ay isang ulila paanong nangyari..." Bulong niya.
"P-po?" Tanong ko. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.
"Ang anak ko ay isang prinsipe." Seryoso niyang sabi sa’kin.
"P-po?" Tanong ko ulit.
"Prinsipe ang anak ko. Isa siyang prinsipe. Alam kung hindi mo alam i'yon kaya ako na ang nagsabi sa’yo."
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...