Chapter 45
Kahit na hating gabi na ay sumama ako kay Russel. Nag-aalala ako sa kanya.
Malakas ang kalabog ng dibdib ko nang nasa harap na kami ng Bautista Hospital.
Mabilis na pumasok kami sa loob kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.
Namiss ko na si Lars. Matagal kaming hindi nagkita tapos ito pa 'yung mangyayari.
''What happened to her!?'' May bahid na galit ang boses ni Russel sa mga guards ni Lars.
''Sir Russel..binaril po si Lars..'' Ganun na lamang ang lakas ng kaba ko sa narinig.
''Binaril!?''
''Yes po, sir.. Kaya po nasa OR siya.'' Sabi ni ate aida.
Nagulat ako ng suntukin ni Russel ang guwardiya ni Lars.
''Tangina! Anong klaseng guwardiya kayo!? Tatlo tatlo na kayo bakit hindi niyo man lang nailigtas 'yung kapatid ko!?'' Galit na sabi ni Russel sa mga guwardiya.
''Sir russel. Halata pong plinano ang lahat. Malinis ang gawa. May gustong pumatay kay Ma'am lars,'' Napatingin kami dun sa butler na sinuntok ni Russel.
''What the fuck you mean?'' Russel ask.
''Nakakasigurado po akong pinagplanuhan na patayin ang kapatid n'yo Sir Russel. Napakalinis po ng gawa.Hindi man lang sila nag-iwan ng kung anong bagay para matrace kung sino sila.''
''Saan ba nangyari 'to? Bakit wala kayo!?'' Sigaw ni Russel.
''Papunta na po si Ma'am Lars sa parking lot para umuwi pero po ang sabi niya sa 'min ay nakalimutan siya kaya bumalik siya sa loob. Sinabi ko na po na samahan namin siya pero hindi siya pumayag. Madilim po 'yung daan ng parking lot kung saan siya dadaan pabalik kaya dun siya binaril.''
''Wala pong CCTV o ilaw sa lugar na 'yon Sir. Kaya malabo pong makita namin.'' Ani ng isa pang guard ni Lars.
''Nang marinig po namin 'yung tunog ng baril ay mabilis po kaming pumunta pero huli na po dahil nakatakbo na po ang Van nilang walang plaka.'' Sabi ni Butler.
''And who the fuck is the person behind this shit?'' Tanong ni Russel.
''Wala po kaming alam..'' Sabi nila.
Oh my god, lars.. I hope you're okay..
Lord.. I pray that you will guide and give lars energy.. Sino kaya ang nasa likod ng lahat ng 'to? SObrangg bait ni Lars. Hindi ko alam kung bakit biglang nangyayari 'to.
''Kinakabahan ako..'' Bulong ni ate aida nasa tabi ko siya.
Nakaupo si Russel sa upuan na kapag may hinihintay ka sa loob ng hospital. Panay siya kalabit sa phone niya.
''Hija, jisel? Kamusta na kayo ni Sir Russel? Kayo na ba ulit?'' Napalunok ako sa biglaang sabi ni Manang.
Kapwa kami naka tayo ni Ate aida at Manang. Pati ang mga guards.
''Hindi po..'' Sabi ko.
''Hala!? Naging kayo!?'' Mahina at guat na gulat na sabi ni ate aida habang salitan ang tingin sa amin ni Russel.
''Hindi ba sinabi ko na sa 'yo?' Ani ni Manang.
''Akala ko po nagbibiro kayo manang.'' Sabi ni ate aida.
Napatigil kami sa pag-uusap dahil may kausap si Russel sa phone niya.
''Huwag na huwag kayong titigil sa pagimbestiga.'' Sabi niya sa cellphone.
Napatingin kaming lahat sa doktor ng lumabas ito galing OR. Dali-daling lumapit si Russel sa doctor.
Lord please...sana po ay ayos lang siya..
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...