Chapter 20
Hndi ako nakagalaw sa ginawa niya. I don't know what to do.
"Are you okay?" He ask.
"Yes, Ace.." Ani ko.
"What a scene.." Rinig kong bulong ni Sir Russel.
"Wow, ano 'yan, ha?" Napatingin kami kay Kit.
Thanks to him. Inagaw niya ang atensyon ng iba sa amin.
"Is there a something between on you too?" Tanong ni Lars.
"W-wala.." Sagot ko. Nakita ko ang pag walk-out ni Arah.
"Okay, then.. Let's go.." Sabi ni Lars tyaka hinawakan ang kamay ko at hinila.
"Ano 'yun?" Tanong niya sa akin nang nasa room na kami. Wala si Arah at Dixie. Kami lang dalawa. Kamusta kaya si Dixie? is she okay? Hindi ko pa siya nakikita.
"Ano?" Tanong ko.
"Ace hugged you. Why?" Tanong niya ulit.
"Kahit ako hindi ko din alam kung bakit niya ginawa 'yun.." Ani ko.
Ano ba 'yun? Bakit ba niyakap niya 'ko?
"Does he like you?" Tanong ni Lars. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko naman din kasi alam ang isasagot ko.
"I think he likes you, friend. Grabi. Ang ganda mo, ha. Sa'yo na ang korona." Sabi ni Lars at umarteng may korono siya at inilipat sa akin.
Hindi ko mapagilang tanungin ulit ang aking sarili. Bakit niya ginawa 'yun? Bakit niya ako niyakap? Bakit?
TYLER KANE SANTIAGO POV
"What happened?" Nagising ako sa lakas ng boses ni Kit. Itong bakla na talaga 'to, napaka-istrobo sa tulog ko.
Tumayo ako at tinignan kung ano i'yon. It's Dixie. Breathing heavily.
"Anong nangyari?" Tanong ni Josh.
"M-may..humabol..s-sakin...s-si..j-jisel.." Aniya na hirap na hirap magsalita.
"Anong nangyari kay Jisel? nasan siya?" Tanong naman ng maingay na si Lars.
"She's—"
"Kasama mo siya!? Anong nangyari!?" Tanong ulit ni Lars.
"Let her speak!" Sabi ko. Ingay niya talaga kahit kailan.
"N-naiwan s-siy—"
"I'll find him, dito lang kayo." Agad na sabi ni Russel.
"Sasama ako!" Sabi ni Ace.
"Hindi na, Ace. Ako na." Sabi naman ni Russel.
"I'll go too. Kailangan mahanap siya delikado." Sabi naman ni Ace.
Oh, this scene is nice. Mukhang may mag-aaway pa dahil sa isang babae ha.
"Kuya Russel! Sige na, pumunta kana.. Baka kung ano na ang nangyari kay Jisel!" Singit ni Lars. Dali-daling tumakbo si Russel.
"I hope she's safe.." Rinig kong bulong ni Ace. Nakaupo na kami sa mga upuan namin. Malakas ang ulan, sana ay ligtas 'yung dalawa.
"Do you like her?" Tanong ko. Para kasi siyang tanga na kanina pa silip at dasal ng dasal sa bintana.
"Sa tingin mo ba mag-aalala ako ng ganito kung 'di ko siya gusto?" Aniya.
"Oh, ba't galit?" Tanong ko.
Ito naman hindi mabiro, eh. Si Russel, mukha ring may gusto sa Jisel na 'yun. Mukhang may masisirang pagkakaibigan ha.
"Hoy! Gumising ka! May tao sa labas!" Nagising ako sa boses ng babaeng ayokong marinig.
What a morning alarm.
"Ano?"
"May tao sa labas, bingi?" Aniya.
Tumayo ako at pumunta sa labas, may nakita akong guard na dalawa. Bumaba ako sa bus at hinarap sila. Wala pa pala si Russel.
"Pwedeng mamaya na po, may hinihintay pa po kasi kami." Rinig kong sabi ni Ace sa guard.
"Anong meron?" Tanong ko kay Justin.
"Wala, dre. Matulog ka na lang." Pabalang na sabi ni Justin sa'kin.
Wow, attitude.
"Sir, bawal po kasi kayo magtagal. Kailangan n'yo na pong umalis. Magsasarado po ang centregate, bukas ang bukas dito, kailangan lang po talaga. Kung gusto n'yo po bumalik kayo bukas."
Wala kaming nagawa kung 'di ang bumyahe pauwi. No choice. Bawal kami magtagal, babalik na lang kami to find them. Hope they fine.
"Papatayin tayo ni Russel nito." Sabi ni Josh.
"Papatayin ka pa mukha ka na ngang bangkay." Sabi ko.
"Ikaw patayin ko gusto mo?" Aniya sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin. Siya nga kasi ang mukhang bangay tapos magsasabi pa siya ng papatayin. Pero sa totoo lang, baka nga talaga. Baka nga patayin kami ni Russel sa pag-iwan sa kanya.
Si Russel pa naman ay sobrang galit lagi. HB lagi kaya ayaw namin kinakausap nang matagal 'yun e.
Pinunasan ko ang buhok ko ng towel, kakatapos ko lang maligo. Humiga na ako sa kama ko, katabi ko si Russel na ngayo'y busy sa kanyang loptop.
Apaka workaholic talaga nito, e.
"Dre, may gusto ka ba sa babaeng kaibigan ni Lars?" Tanong ni Justin kay Ace.
"Why are you asking?" Tanong ni Ace.
"Wala lang, pagkasalubong yakap agad e, 'no? Lakas mambakod." Sabi ni Josh.
"I'm just worried at her," Simpleng sagot ni Ace.
"Pwede ka namang mag-alala ng hindi yumayakap." Napatingin kami kay Russel nang magsalita siya, nananatili parin itong nakatingin sa kanyang loptop.
Btw, may point ang sinabi n'ya ha.
"So, what? Bawal bang yakapin siya?" Ani ni Ace.
"Yes, she's not even yours." Sabi ko.
"Oh, then I will make her mine," Sabi niya. Napatingin ako sa reaction ni Russel. Umarko Ang kilay ni Russel at nag 'tss'
Mukhang may gyera sa pagitan ni Ace at Russel ha. Lakas ng kamandag ng jisel na 'yun, ah.
NERD.
"Girl, kamusta? ayos ka lang ba?" Tanong sa'kin ni kit nasa kwarto ulit siya.
"Ayos lang ako, salamat." Sabi ko. Binigay niya sa'kin ang mga panggamot sa paa 'ko. Wala pa din si Arah at Dixie.
Where are they?
"Tinamaan ata si ace sa'yo, girl." Sabi ni Kit tyaka tumawa.
"Haba naman kasi ng hair ni ateng, oh," Sabi naman ni Lars. Hindi ko na lang sila pinansin. Umarko ang ngiti sa akin nang pumasok si dixie at arah. Lumapit sa akin si dixie.
"Can i talk to you?" Tanong niya.
"Oo naman," Sabi ko.
Lumabas muna kami sa hotel tyaka pumunta sa magandang view dito sa tagaytag. Gabi na rin at malakas ang simoy ng hangin. This is refreshing..
"Is your wound, okay?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya.
"Okay na.." Sabi ko.
"Jisel, I'm sorry for leaving you. I know its all my fault so i'm very sorry.." Sabi niya.
"H-hindi mo naman kasalanan., huwag kang magsorry." Sabi ko.
"Iniwan kita dun, I'm sorry, Jisel. I'm sorry. I know Russel likes you so here i am giving up.." Aniya tyaka tumingin sa view. Napatingin ako sa kanya. Anong sinsabi niya?
Russel likes me?
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...