Chapter 17
Sa bus magkatabi kami ni Lars, nakapatong ang ulo niya sa'kin habang ang ulo ko naman ay nakapatong sa bintana.
Malakas padin ang ulan, may kasama pa itong pagkulog kaya nakakatakot. Tinry ko nang pumikit at sa wakas ay inantok na 'ko.
2:38 AM na ang oras sa phone ko. Wala na ang ulan, nagising ako nang may maramdamang bumaba sa bus, pagkatingin ko sa labas ay lumabas si Dixie.
Tumayo ako upang sundan siya, delikado sa labas sabi ni Russel baka mapaano siya kaya kailangan ko siyang sundan at pabalikin dito.
"Dixie, saan ka pupunta? Delikado raw ang maglakad lakad dito," Ani ko nang mapansing malayo-layo na kami sa bus. Puro malalaking puno ang nasa tabi namin, may mga damo rin, pero matataas na.
Iritadong lumingon sa akin si dexie na nakataas ang kilay. "Anong pake mo—Why are you wearing that?" Tanong niya nakatingin sa suot kong hoodie ni Russel.
"Uh, ito. Pinahiram sa akin ni Sir Russel," Sabi ko.
"Sir?" Tanong niya.
"Amo ko po siya, maid po nila ako, kaibigan ko si lar—"
"Alam mo bang nakakainis ka?" Tanong niya sa'kin, nananatiling masama ang tingin sa akin.
"Akin niya dapat 'yan papahiramin kaso umepal ka, papansin ka 'no?" Aniya sa akin.
"H-ha? Pwede ko naman ibigay na lang 'to sa'yo," Sabi ko.
"Duh! Are you crazy? Seriously!? Ipapasuot mo sa'kin ang sinuot mo na?" Tumawa siya ng kaunti. "Ayokong suotin ang nasuot mo na, basura ka, baka bumaho pa ako," Aniya.
At sa huling pagkakataon nakarinig nanaman ako nang pang-iinsulto. Ngayon na lang naulit.
"Pabida ka lagi, e. Umalis ka na nga dito!" Asik niya.
"Hindi kita pwedeng iwan mag-isa dito, dixie, delikado. Baka may mangyaring masama sa'yo." Sabi ko.
"Wow! Feeling may care 'no? Back off, hindi bagay sa'yo." Sabi niya sa akin.
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi n'ya. Palagi na lang siyang galit sa'kin wala naman akong ginagawa.
Nagpatuloy siya sa paglakad sa madilim na lugar.
"Dixie!" Madali akong lumapit sa kanya nang matisod siya. Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siyang makatayo.
"Don't touch me!" Sigaw niya sa'kin. Gusto ko lang naman siyang tulungan bakit siya pa ang galit?
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.
"I'm fine, huwag ka ngang feeling mabait diyan!" Asik niya sa'kin.
"HELLO!"
Napatalon kami sa gulat nang may magsalitang lalaki. Marumi ang damit n'ya, taong grasa. Nakakatakot siya dahil wala siyang damit tanging short lang na sobrang ikli.
"Fúck! Ambaho mo, dun ka nga!" Asik ni Dixie.
"Hindi ako mabaho, hihihi. Gusto mo ba akong amuyin?" Lumapit siya kay Dixie.
"Ew! Lumayo ka sa'kin!" Asik ni Dixie.
"Ang arte mo!" Nagulat ako ng sinampal siya ng lalaki, napaupo si Dixie. Lumapit ako Kay Dexie at tinulungan s'yang tumayo. Tinulak ko ang lalaking grasa.
"Hi, may gusto ka sa'kin 'no? hihihihi!" Aniya sa akin at lumapit din sa akin pero tinulak ko siya.
"Tara na, dexie! Umalis na tayo!" Sabi ko.
Tumayo siya tyaka tumakbo kami. Pero nahabol pa din kami ng lalaki, hinawakan niya sa kamay si Dixie at pinipilit niyang halikan si Dixie kaya tinulak ko siya.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ko.
Sa huli nang pagtutulak ko sa kanya ako naman ngayon ang sinampal ng lalaki. Napa 'Ouch' ako sa sakit.
"Pakilamero ka, ha? Sige baby ikaw na lang, hihihihi!" Sabi niya sa'kin tyaka ako tinulak sa damuhan. Pinilit kong tumayo pero hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Dixie, tulungan mo 'ko!" Sigaw ko pero tumakbo lang siya at iniwan ako.
"Ang ganda mo pala.. baby." Sabi niya sa'kin patuloy sa pag tingin sa mukha ko, hahalikan niya na sana ako ng hampasin ko ang likod niya ng bato na maliit sapat na para mamilipit siya sa sakit. Sorry pero diserve niya 'yun.
Nang namimilipit na siya sa sakit ay tumakbo ako. Nakakainis na bumuhos pa ang malakas na ulan, patuloy ako sa pagtakbo pero nadulas ako at parang may tumusok sa paa ko na bubog.
"Ah!" Sigaw ko. Hindi ako makatayo sa sakit. Nasa gitna ako ng gubat.
"Tulong!" Sigaw ko. Nakailang sigaw na ako pero wala talaga. Nilalamig na ako. Sumasakit narin ang paa ko nagkalat na ang dugo. Niyakap ko ang aking tuhod sa lamig. Nasa gitna ako ng madilim na gubat.
Nararamdam ko nanaman ang sakit nang iwan ako ng Pamilya ko.
"Tulong!" Sumigaw ulit ako. Kailangan kong makaalis dito baka nandyan pa yung taong grasa. Nakailang sigaw na ako pero wala talaga. Napakalakas ng ulan, bakit ba ako umaasang may taong hahanap sa'kin? Alam ko naman na sa umpisa pa lang nang buhay ko pinanganak na ako para saktan at iwan.
I'm started crying, kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagkulog.
"Jisel.." Nananatili akong nakayuko habang yakap ang tuhod ko.
"Jisel.. You're feet is bleeding, let me see it," Sabi ni Russel. May kinuha siyang panyo sa bulsa niya tyaka itinali sa paa ko.
Totoo ba 'to? May taong dumating para sa akin?
"A-ayokong..imulat..ang...m-mata k-ko..b-baka nandyan p-pa.." Napapikit ako ng mariin nang kumirot ang nabubog na paa ko.
"Shh, don't cry. Wala na, wala na.. Open your eyes.."
"A-ayoko.."
"Trust me, trust me Jisel. You need to open your eyes, now." Aniya.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, luminga-linga ako sa paligid. Napabuntong-hininga ako, wala na.
I'm safe.
Because Russel is here.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...