Chapter 3
Nang oras na ng tulugan ay nagpahinga na 'ko, nilagyan ko na rin ng band aid ang kaninang nabubog na daliri ko.
Bumuntong hininga ako at tinignan ang mga larawan namin noon ni Lola, Mama, at Lea na iginuhit ko gamit ang kamay ko at lapis.
Nagagalak akong sila ang nag-ampon sa'kin kahit hindi maganda ang pakikitungo sa'kin ni Mama, hindi mawala ang lungkot ko na hindi siya ang tunay kong Ina.
Nasan na kaya ang Ama at Ina ko? Bakit nila ako iniwan? Alam ko na mula bata pa lamang ay nasa kanila na ako, paanong nangyari na hindi ako ang anak nila?
I sighed heavily. This is frustrating. Kinuha ko ang isang hikaw na ibinigay sa akin ni Lola.
Lola... Nami-miss na po kita. Sobra.
Kinabukasan ay nagising ako sa katok ng isang Maid.
"Ate, Lilia? Umpisa na po ba ng trabaho?" Tanong ko.
Ang alam ko'y 8AM, 7:40AM pa lang.
"Mamaya pa, ito pala ang uniform natin, pagkatapos mo ay pumunta ka sa backyard mag-almusal muna tayo bago mag-umpisa, dahil pagudan nanaman tayo mamaya." Aniya.
"Pagudan? Ano po ba ang meron?" Tanong ko.
"Ah, hindi pa ba nasasabi sa'yo? Pupunta rito ang mga kaibigan ni Sir Russel. Pala-utos ang mga kaibigan ni sir, kaya pagudan talaga," Aniya.
"Ganun po ba? Sige po, magbibihis lang ako at bababa narin,"
"Ok, sige."
I sighed as i remembered Lars brother..and his appearance.
His name is Russel. Kung tatanungin ay maraming mabibihag na mga babae ang kuya ni Lars na si Russel dahil sa guwapo ito. He's tall, skin is porcelain, messy hair and pointed nose. Dagdag pa ang matcho niyang pangangatawan.
Lahat na ata guwapo sa kanya, maliban lang sa ugali.
I would have a crush on him if he's kind...pero hindi. Grabe ang ugali, ansama!
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako nakita ko naman ang ibang maids ay nakaupo sa isang table sa backyard. 9 Maids, 2 boys. Ini-istretch nila ang kanilang mga katawan. Bakit?
"Hija, mag-almusal ka. Ito kape oh, bilisan mo dahil pagudan tayo mamaya," Si Manang.
Ganun ba talaga kagrabe mag-utos ang mga kaibigan ng isang 'yun?
"Ano ho bang meron at parang lahat po ay nag-iistretch ng kanilang katawan?" Tanong ko kay Manang.
"Birthday ni Sir Russel ngayon, hija." Sabi ni Manang.
Birthday niya pala ngayon? Kaya naman pala.
"May pa-pool party pa si Sir, kasama ang iba n'yang kaibigan kaya masyadong marami ang trabaho natin," Si Aida. Isa ring maids.
"Ready na ba kayo? Nanjan na ang mga pagkain." Ani ni Mang Ruben, ang driver nila.
Agad na silang nagsi-alisan.
"Halika na, Jisel Hija! Ayusin natin ang mga lamesa nila." Ani ni Manang.
Tagaktak ang aking pawis dahil sa napakarami kong binombang salbabida na iba't-iba ang laki. Ang mga maliliit na bola'y inilagay ko rin sa swimming pool.
Tama nga sila, pagudan nga. Sobra.
"Bilisan n'yo magtatanghali na pupunta na ang mga bisita niya!" Sigaw ni Manang.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...