04

1K 47 1
                                    

Chapter 4

"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Maluha akong tumango. Muntik na akong mamatay kung walang sumagip sa'kin.

Marunong 'yan, pabayaan n'yo lang.

Agad kong hinanap ang nangmamay-ari ng boses na 'yun. Grabi ang ugali ng Russel na 'yun kahit kailan!

"Hija! Ayos ka lang ba?" Sabi ni Manang na may dalang tuwalya.

"Opo, ayos lang po ako Manang.." Sabi ko.

"Sir, salamat po." Sabi ko sa the silent one. Hindi ko naman alam ang pangalan niya.

Nakita kong wala na si Sir.Russel at ang manyak na brown hair.

"Maraming Salamat, Sir, Ace, sa pagsagip sa kanya," Sabi ni Manang.

So, his name is Ace.

"Thankyou po ulit, Sir Ace," Sabi ko. Hinila na ako ni Manang.

"Hija? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Manang sa akin nang nasa loob na kami, sa tapat ng bathroom.

"Ayos lang po ako, Manang.." Sabi ko.

"Ano ba ang nangyari sa'yo, hija?"

"Hinila po ako kasi nung kaibigan ni Sir Russel, 'yung brown po ang buhok." Sabi ko.

"Si next. Hija, sa susunod ay umiwas ka sa lalaking 'yun, ha? Hija? Kukuhaan na lang kita ng damit mo, hintayin mo ako dito." Sabi ni Manang.

"Manang, huwag na po. Ako na lang po," Sabi ko.

"Sige, tapos magpalit kana rin hija, baka magkasakit ka," Sabi ni Manang.

"Salamat po, Manang." Sabi ko. Mas lalo kong nami-miss ang Lola ko.

Pinupunasan ko ang ulo ko habang papunta sa kwartong tinutulugan ko. Isasarado ko na sana ang pinto ng hawakan ng- Siya nanaman!

"S-sir.." Kinakabahan kong tanong.

"I'm sorry," Aniya. Nawala ang kaba ko.

"Ok lang po, s-sir. Hindi na po dapat kayo pumunta dito, S-sir.." Sabi ko.

"I'm sorry, what's your name?"

"Jisel."

"I'm sorry, Jisel.." Nag-uumpisa nanaman akong kabahan ng tulakin niya ang pinto pabukas at pumasok dun. Narinig ko ang paglock niya sa pinto.

"S-sir, a-ano pong g-ginagawa n'yo?" May halong kaba na sa aking tono.

Palapit siya ng palapit sa akin, napapikit ako ng maramdaman kong wala na akong maatrasan pa.

"You're ugly, but I like your body.." Bumulong siya sa akin.

"S-sir, s-sisigaw po ako! Mali po ang ginagawa n'yo.." Ang mga boses ko'y natatakot na.

I never experienced this before.

Nanlaki ang aking mata ng hipuin niya ako.

"TULONG!" Lakas loob akong sumigaw, ngunit hinawakan n'ya ang bibig ko.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na hinahawakan ang legs ko.

"TULONG! TULONG!" Sigaw ko.

"Shut your mouth!" Asik niya.

"TULONG! MAY MANYAK!" Sigaw ko.

Tulong. Kailangan ko ng tulong. Ilalapat na sana niya ang labi sa akin ng bayagan ko siya.

He deserve that! Tumakbo ako at binuksan ang pinto. Sa wakas ay nakalabas ako.

"Manang!" Umiiyak kong tinawag si Manang.

"Hija? Anong nangyayari sa'yo!?" Bakit hindi kapa—"

"Manang! Muntik na akong rape-in ng kaibigan ni Sir Russel!" Ani ko.

"A-ano!?"

"Manang.." Niyakap ako ni Manang.

Natatakot ako. Natatakot ako. Takot na takot ako...

"Manang! Nandyan na siya!" Tumakbo ng masagasa ko si Sir Russel.

"Why are you running?" Tanong niya.

"Sir, 'y-yung kaibigan nyo po ay rapist!" Nang sumigaw ako ng rapist agad na napukaw ang atensyon ng bisita niya sa amin.

"What are you saying?" Aniya.

"Siya! Rapist 'yan!" Tinuro ko ang lalaking brown hair named Next.

"Anong sinasabi mo? Are you crazy!?" Maang-maangan n'yang sabi ng rapist.

"Manyak ka!" Sabi ko. "Muntik muna akong rapin! Rapist!" Sigaw ko.

Hala, ano 'yun?

Kaibigan ni Russ, rapist?

Nako, umuwi na tayo may rapist!

Rinig kong sabi ng iba.

"Russ, Uuwi na kami, natatakot ang girlfriend ko." Sabi ng dalawang lalaki.

"May rapist kang kaibigan, dude? Wtf. Uuwi na kami, happy birthday na lang, let's go!" Sabi pa ng iba.

Nag-uumpisa nang mag-uwian ang iba.

"What the fuck is this, Next!?" Si Sir,Russel. Walang tigil ang mga mata ko sa pagluha. Niyakap ako ni Manang.

"Dre!? Don't tell me you're believing on that nerd!? She's so ugly! Bakit ko naman aanuhin 'yan!" Sigaw niya.

Napakasinungaling niya.

"Sinungaling! Rapist!" Sigaw ko.

"Don't ruin my birthday, please," Bulong ni Sir Russel sa'kin.

Nagsi-uwian na ang iba dahil natakot. Dapat talaga silang matakot dahil may rapist silang kasama dito.

"Fuck! You ruin my birthday!" Sigaw niya sa akin.

"Umalis kana! Huwag ka nang babalik!" Sigaw niya.

"What happen? Jisel?" Tanong ni Lars.

"Huwag kang mag-imagine. Stop that craziness of yours! Get out!" Sigaw niya.

Masama kong tinignan si Russel. Hindi man lang ba niya ipapakulong ang lalaking rapist!? Kanina pa siya!

"Hindi ko intensyon na sirain ang kaarawan mo, Sir Russel," I cried so much.

"You did ruin it!"

"Muntik na akong ma-rape ng kaibigan mo! Wala ka bang gagawin!? Porke't ba ganito ang itsura ko ay ok lang!? Puro pisikal lang ang tinitignan n'yo!?" Hindi ko mapigilang sigawan siya.

He's getting on my nerves.

Ang sama sama niya.

"Aalis ako! Huwag kang mag-alala! Aalis ako, pero sana naman matuto kang rumespeto! May babaeng naargabyado!" Asik ko tyaka umalis.

Mga walang kwentang tao. Mga hayop!

Panay ako punas ng aking luha palabas ng gate nila lars. Hindi ko na kaya ang ugali ng kuya niya.

Muntik na akong ma-rape! Ang salamin ko'y nasira kanina ng malaglag ako. Sayang 'yun, yun na nga lang ang karamay ko. Bakit pati 'yun?

"Jisel!" Narinig ko ang sigaw ni Lars. Lumingon ako.

"I'm sorry, jisel. I'm sorry.." Aniya.

"Wala kang kasalanan, ihingi mo na lang ako ng sorry sa kuya mo. Sinira ko ang kaarawan n'ya. Pasensiya at salamat sa saglit na pagkupkop nyo sa'kin, huh?" Ani ko at niyakap si Lars.

Saan nanaman kaya ako nito?

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon