Chapter 48
Hindi ko alam kung sino ang nagpaputok ng baril. Sinabi ko lang ang linyang 'yun para matakot sila. At effective nga, pareho silang namutla.
Halos malagas na ang buhok na ng agad akong hilain ng nagngangalang Rella.
"Tignan n'yo kung sino 'yon! Kumilos kayo!" Sigaw ni Lucia.
"Rella, bantayan mo 'yan, naiintindihan mo?" Anang ni Lucia sa anak niya.
"Of course, yes! Gusto ko na nga siyang patayin, e!" Asik niya.
"Bitawan mo 'ko!" Sigaw ko sa kanya. Hawak niya ang buhok ko.
"Ansasama n'yo!" Sigaw ko sa kanya.
Napatingin kaming tatlo sa pinto nang pumasok ang isa nilang tauhan.
"Napasok po tayo ni Prinsipe Mattheo, Young Maiden." Ganun na lamang ang ngiti ko ng marinig sa lalaki 'yon.
"Matatapos na din ang kasamaan n'yo!" Sigaw ko sa kanila.
" Sabi ko magbantay kayo hindi ba!? Go! Kill him!" Sigaw ni Lucia.
"Hindi n'yo parin ba ititigil ang kademonyohan n'yo!?" Asik ko.
"When you're dead!" Sigaw ni Rella. Sasampalin niya na sana ako pero hinarang ko ang kamay ko.
Pati ang kabilang kamay niya ay sasampal na rin pero katulad ng ginawa ko kanina ay pinigilan ko ulit siya. Dun ko basta itinapon ang kamay niya tyaka siya binigyan ng sampal.
"Oh my god! Did you just slap me!?" Hindi makapaniwala niyang sabi.
"Oo! Gusto mo pa ng isa?" Hamon ko pa.
Sasambunutan niya na sana ako ng pumagitna si Lucia.
"Damn! Rella! Stop fighting! Walang magagawa ang away n'yo! Go! Itago mo siya sa basement!" Sigaw ni Lucia.
"Dalhin n'yo siya basement! Ngayon na!" Sigaw ni Lucia.
Rinig na rinig pa din ang putukan. Sana ay ayos lang sila..
Sinalag ko ang mga kamay ng mga lalaking hahawakan na sana ako bago pa ako makatakbo sa pinto ay nahawakan ni Lucia ang buhok ko tyaka ako sinampal.
Nag-init ang pisngi ko sa sakit. Bwisit! Kung hindi lang ako hawak ng mga tauhan nila bibigyan ko din siya ng sampal. Mag-asawa pa!
"Huwag mo nang subukang tumakas. Kung gusto mong ngayon pa lang ay patayin na kita." Sabi ni Lucia.
"Alam mo dapat ang pangalan mo ay hindi Lucia. Dapat Luci. Para ka kasing si Lucifer, Demonyo!" Sigaw ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. She was about to grab my hair when suddenly we heard a sound of police.
"Faster! Ipunta n'yo na siya dun!" Sigaw niya sa mga lalaki.
Agad naman akong napaaray sa sakit ng kaladkarin nila ako pababa sa hagdan kung nasan ang basement.
Isang kwarto sa ibabang bahay na parang bodega na.
"Itali n'yo!" Sigaw ng Lalaki sa mga kasamahan niya.
"Please! Patakasin niyo na 'ko! Huwag kayong mag-alala hinding hindi ko kayo isusumbong sa pulis!" Sigaw ko sa mga lalaki.
Saglit lang silang tumingin sa 'kin. Tyaka ginawa na ang pagtali sa 'kin.
"Patakasin n'yo na 'ko! Please!" Sigaw ko.
"Nagmamakaawa ako! Paki-usap!" Sigaw ko ulit.
Halos mawalan ako ng hininga ng ipukpok sa 'kin ng lalaki ang baril niya sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...