23

880 44 0
                                    

Chapter 3

Palagi kung sinasabihan ang sarili ko na mali ang mga nabasa ko. Mali, mali talaga.

Wala akong gusto kay Sir Russel. Wala. Siguro'y abnormal lang ang puso ko kaya ganito pero hindi. Hindi talaga.

Kinaumagahan ay umuwi na din kami nun. Nakakatawa na nasa iisang bahay lang kami ni Sir Russel pero isang linggo ko nang hindi siya nakikita. Ni-hindi pa nga kami nagkikita simula nung umuwi na kami dito sa Mansion.

Hindi ko alam pero may bahagi sa akin ang nalulungkot. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang mabigat ang pakiramdam ko. It is just because I didn't see Russel?

Ilang beses ko namang kinumbinsi ang sarili ko na hindi, pero may bahagi sa akin ang nagsasabing tama. Basta hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

Nababaliw na ata ako.

"Tumubo kayo ng maayos, okay?" Sabi ko sa mga halaman na dinidiligan ko.

"Kailangan maganda ang tubo niya, ha?"

"Excuse me," Napatalon ako sa gulat ng may kumalabit sa akin. Humarap ako dito. Isang babae.

Based sa mukha ng babae mukha naman siyang mabait. At wait, bakit siya nandito?

"Hi! Pwede bang ituro mo sa kung nasan 'yung backyard tables and chairs nila?" Tanong niya sa akin.

"Ah, 'yun. Dito po." Sinamahan ko siya sa sinasabi niya hanggang sa makaupo na siya sa upuan.

"Thanks for teaching me. Nakakainis naman kasi si Mattheo! Sabi niya hintayin ko siya dito tapos antagal niya! Ang init pa naman dito, argh!" Aniya.

Tipid akong ngumiti. Sinong mattheo ba ang sinasabi niya?

"Mattheo! Here you come!" Napatingin ako sa likod ko nang may tinawag 'tong babae.

It's him....

Hindi ko mapigilang ngumiti ng makita ko siya. Ang bigat ng pakiramdam ko ay nawala.

"I'm sorry, kate," Nawala ang ngiti ko nang hindi man lang niya ako tapunan ng tingin at dumiretso siya sa kate. He even kissed the cheek of the girl


"I  told you I don't want to wait.  Nakakainip." Sabi ni kate.

"Sorry na." Mas lalo atang bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ang malambing niyang boses sa paghingi ng 'sorry' sa babaeng kaharap niya ngayon.

"Mauna na po ako.." Sabi ko.

"Wait! Miss!" Napalingon ako ng tawagin ako ng babae.

"Can you give me a glass of water, I'm thirsty." Aniya sa akin.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Sir Russel sa kanya.

Napakalambing talaga.

"No, I'm just thirsty." Sabi ng babae.

"Get her food here." Sabi ni Sir Russel sa akin.

"Mattheo, I'm not hungry. I told you i'm just thirsty." Sabi ng babae.

"No, it's okay"

"Mattheo talaga, ayaw akong nagugutom, haha," Sabi ng babae.

Napatingin ako kay Sir Russel. Napakalawak nang ngiti niya ngayon sa babae.

Wow, kapag sa iba ngumingiti kapag sa akin palaging seryoso. Wow..

Naiinis ko silang tinalikuran. Kumuha ako ng pagkain tyaka juice.

Nakakainis. Bakit parang napakasweet niya sa iba pero sa amin hindi?

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis pero talagang nakakainis.

Sino naman ang Kate na 'yun?

Pinunta ko na sa kanya ang juice niya na with cupcakes dahil ayaw siyang nagugutom ni Sir Russel!

Nagtatawanan silang dalawa kaya hindi man lang nila naramdaman ang presensiya ko. Kung pwede lang sana ibinalibag ko na ang tray na hawak ko para makita nilang may tao dito.

Pero hindi, umalis na lang ako. Ayoko naman umepal sa sweetness nila!

"Hija!" Napatingin ako sa gawi ni Manang. Nagluluto siya kaya pinuntahan ko siya.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Pakisabi sa ibang maids na ihanda na nila ang hapag dagdagan din nila ng plato dahil dito maggagabi si Ma'am Kate," Sabi ni manang.

"Dito siya matutulog?" Wala sa sarili kong tanong.

"Oo, hija? Bakit?" Sabi ni manang.

Mabilis akong umiling.

"Sigurado akong hindi mo pa siya kilala. Childhood friend siya ni Russel." Sabi ni Manang.

Childhood friend, huh.

"Akala ko sila, e. Sobrang sweet po nila..." Sabi ko.

"Bakit hija, nagseselos ka ba?" Mabilis akong tumingin kay Manang.

"Ako po? Hindi po! Sa kanila!? Hindi po manang, hindi po!"

"Wala naman akong sinabi na sila. Ikaw talaga hija. Huwag kang magselos. Walang namamagitan sa kanila, magkaibigan lang sila, jisel." Sabi ni Manang.

"Manang, hindi naman po ako—"

"Sige na, hija. Sabihin mo na ang sinasabi ko." Nakangiti na sabi ni Manang.

Am I jealous? No! I shouldn't feel this! Hindi ko dapat 'to maramdaman pero nararamdaman ko. Ugh! Ang gulo-gulo!

"Hija? Aminin mo nga sa akin. Ikaw ba ay may gusto kay Russel?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Manang. Nakakagulat naman si Manang bigla bigla na lang susulpot. Naghuhugas pa naman ako ng mga plato buti 'di ko nabasag.

"P-po? Ano p-pong sinasabi n'nyo?" Ani ko.

"Bakit nauutal ka, hija? Hija, aminim mo na kay lola." My heart melt when i remember someone to Manang.

Ang lola ko...

Namimiss ko na siya. Mahilig at gaya niya ang mga ginagawa ni Lola sa akin noon. Namimiss ko na si Lola. Nasan na kaya siya?

"Jisel, hija, ano? May gusto ka?"  Aniya sa nang-aasar na tono.

"Wala po, Manang.." Sabi ko.

"Wala, huh?"

"Nako mattheo! Huwag mo 'kong niloloko ha, hindi nakakatuwa!" Napatingin kami ni Manang nang lumakad sa gawi namin si Sir Russel kasama si Kate.

"I told you. I'm not joking." Ani ni Sir Russel habang nakangiti.

Hindi ko maiwasang mainis. Grabi, pati ba sa paglakad kailangan sweet sila?

"Oh, hija, ang tingin mo ha, baka may matumba." Bulong ni Lola,

"Po?"

"Ansama ng tingin mo kay Ma'am kate, halatang ika'y nagseselos, hija."

"Aminin mo na hija, gusto mo si Russel..." Sabi ni Lola bago ako iwan.

G-gusto ko nga ba siya?

"Isa sa pangunahing dahilan ng pagseselos ay dahil may gusto ko dun sa tao. Ayaw mo siyang may kasamang iba kasi nga gusto mo siya.." Napatingin ako sa isa pang maids. Si ate aida.

Napabuntong hininga ako bago humiga sa aking higaan.

Should i accept the realization? That my whole system is giving into him, giving into my boss. The fast beating of my heart...

I accept it. The jealousy, the imagination..The fast beating...

Bumuntong hinga ako bago magsalita.


"I liked him...." Wala sa sariling sambit ko.

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon