Chapter 56
Lahat kami ang mata ay na kay Lars. Ilang beses akong kumirap kung totoo ba talaga..pero totoo..
Parang malusog na malusog ang pangangatawan niya at parang walang sakit..
"Oh my god! M-multo ba 'yan?"
"L-lars.."
"Tama ba 'ko ng nakikita, s-si lars.."
Rinig ko ang kumento ng mga kaibigan ko. Talagang lahat kami ay gulat na gulat. Paanong nangyari 'to..
She's alive..
''Paano ka nakatakas?!'' Sumigaw si Rella.
Nakatakas??? Ibig-sabihin tinago niya si Lars? E, sino 'yung nilibing?!
''Wala ka na don! Tapos na 'yang kasamaan mo!'' Sumigaw si Lars.
Tumawa naman si Rella.
''How!? Look at these people. They scared. Kasi nga mamamatay na sila. hahahaha.''
''Sure ka na ba diyan?'' Biglang sabi ni lars.
Ngumtiti ako ng makita si Lars. Buhay siya.. Buhay si Lars..
''Ngayon na!'' Biglang sumigaw si Lars.
Nagulat kaming lahat ng nagdatingan ang mga pulis, kasunod nun ay ang iilan sa mga tauhan ni Mom and Dad. Pero parang hindi sapat 'yung mga pulis at tauhan sa dami ng mga tauhan ni Rella.
''Wha the hell!'' Tatakbo na sana si Rella pero hinawakan ko siya pabalik 'tapos biniyan ng malakas na sampal.
Iba't-iba ang nangyayari sa 'min. May kanya-kanyang mga kalaban. Nakita ko na sila madam third ay pinagsasampal ang mga lalaki, sa kabilang banda kita ko si Tyler na pili nilalayo si Ate lina, dahil siguro baka makasama sa baby nila.
''What the?!'' Sinigawan ako ni Rella pero binalewala ko 'yon.
Ganun na lang ang takot ko ng kuhain niya ang baril na nalaglag kanina at tinutok sa 'kin.
She was about to hit me with her gun when suddenly someone kick the gun.
May sumipa nun na naging sanhi ng pagbagsak ng baril. Ngumiti ako ng makita si Tyler.
''Nice dress.'' Sabi niya sa 'kin 'tapos nginitian ako.
''Pumunta ka kay Lina, baka may lumapit dun.'' Aniya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya, nakita ko si Ate lina na nakatingin kay Tyler na parang kinakabahan.
''Ate lina!'' Tawag ko.
''Jisel!'' Niyakap ako ni ate lina.
Lumapit sa amin si mom na niyakap din ako. Napatingin ako kay Dad, lumalaban din siya sa mga tao ni Rella.
''Are you okay?'' Tanong ni mom sa 'kin
"O-okay lang po.'' Sabi ko.
Napatingin ako kay Rella nang makita siyang tumatakbo. Mabilis akong pumunta sa kanya.
Narinig ko pa ang pagtawag sa 'kin ni Mom at Ate Lina pero hindi ko na sila nilingon. Hindi ko hahayaang makatakas ang mamamatay tao na 'to!
''Huwag ka nang tumakas!'' Sigaw ko at hinablot ang buhok niya.
''Get away with me!'' Tinulak niya 'ko pero hindi ako bumagsak. Tinakbo ko siya ulit.
''Walang hiya kang peke ka!'' Sigaw ko 'tapos sinampal siya.
Agad niya din akong sinampal. Nag-init ang pisngi ko sa sampal niya.
Sinambunutan ko siya hanggang sa napahiga kami sa sahig. Ramadan ko din na sinambunutan niya ang buhok ko.
I'm not a good fighter, pero para sa babaeng 'to baka.
''Your dress was so ugly! Duh!'' Sigaw niya sa 'kin nang makatayo siya.
Naalala ko nga na nakadress pa pala ako.
''Dress lang ang pangit sa 'kin, hindi katulad sa 'yo! Pangit ka na nga, pangit pa 'yang ugali mo!'' Sigaw ko.
''How dare you...'' Nag-usok ang ilong niya sa sinabi ko.
Susugudin niya na sana ako para sampalin nang may humawak sa kamay niya nito.
''Not my girl," Napatingin ako sa boses na 'yon.
''R-russel..'' Sabi ko.
''Bitawan mo 'ko, mattheo!'' Sigaw ni Rella.
''Surge,'' Tinawag ni Russel ang isang pulis.
''Pusasan niyo na 'to.'' Sabi niya dun sa pulis. Lumapit ang pulis 'tapos pinusasan si Rella na nagrereklamo pa sa mga pulis.
Tumingin ako kay Russel. ''Buhay si Lars..'' Sabi ko.
Ngumiti siya sa 'kin pagkatapos ay niyakap ako.
''Yeah, i know.'' Sabi niya.
''P-pero sino 'yung nasa k-kabaong?'' Tanong ko.
''It was my siste-''
''AHH!'' Napatingin kami sa sumigaw.
Nanlaki ang mata ko ng makita si Dad na nasa sahig na, tinulak siya ng isang tauhan ni Rella.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaki na bumunot ng baril. Walang nakakapansin sa kanila dahil sa ang iba patuloy pa rin sa paglalaban.
Tatakbo na sana ako dun pero hinawakan ni Russel ang braso ko 'tapos siya ang tumakbo dun.
Sinipa niya ang lalaki na tumulak kay Dad at tinulungan si Dad na tumayo.
Ngumiti ako ng makita na maayos si Dad, pero ganun na lang ang gulat ko ng may pumalo sa likod ni Russel.
Mabilis na lumapit si Tyler at pinaulanan ng suntok ang lalaki.
''Kuya!'' Sumigaw si Lars.
Naluluha kung tinignan si Russel.
''Russel..'' Naiiyak kung sabi.
Mas lalo akong lumuha ng sumuka siya ng dugo.
''R-russel..'' Kinakabahan na nasabi ko.
''S-sa bulsa ko.'' Napatingin ako sa bulsa niya sa sinabi niya.
''A-anong meron sa bulsa mo? B-bakit?! M-masakit ba ang l-likod mo?!" Kinakabahan na tanong ko.
Hindi pa rin matigil ang luha ko. Kinakabahan ako...
''K-kuhanin mo sa bulsa.''
Naiiyak kung kinuha ang sinasabi niya sa bulsa. Hindi ko pa nailalagay ang kamay ko sa bulsa niya ay tumayo nagsalita siya.
''A-ako na pala.'' Sabi niya.
Pinunasan ko ang luha ko. Kinakabahan ako.. sobra.. nag-aalala rin..
Meron siyang dinukot sa bulsa niya. Tumayo siya para itayo ako 'tapos tyaka siya lumuhod.
Umawang ang labi ko ng may ilabas siya sa bulsa.
I-it was a ring..
''A-anong g-ginagawa-''
''Princess Jacinta Kroswell, will you marry me?''
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...