AN/ Thank you @Chubbyaaa @SABBYPL @niceepeachyy_25
Chapter 26
"This is exciting.." Rinig kong bulong ni Dixie.
Kinuha niya ang mic na hawak ni Kit.
Maganda ba ang boses niya?
"GO PARE!" Malakas na cheer ni Josh at Justin.
"May challenge dapat.." Bulong sa akin ni Kit na katabi ko.
Mahaba ang lamesa. Sa kanang linya ng lamesa ay si Tyler, Josh, Justin at Dixie, Arah. Sa kaliwang linya ay si Kit, Lars, Ace, Ako at Si Sir Russel at Ma'am Kate.
Katabi ko sa kanan ko si Sir Russel sa dulo siya, sa tabi ko naman si Kit.
"Anong challenge?" Tanong ko sa kanya sa pabulong rin.
"Bawal main-love.." Ngumiti siya sa akin tyaka tumuon ang atensyon kay Sir Russel.
Sana nga. Sana nga kaya kung hindi ma-fall. Sana nga.
San darating ang mga salita na nanggagaling sa aming dalawa..
Kung lumisan ka, huwag naman sana.. ika'y kumapit na nang 'di makawala.
Sa paglapat ng aming mga mata agad na kumabog nang malakas ang aking puso, lalo pa nang mag-umpisa na siya kumanta.
Ang kinanta pa niya ang Mundo ng IV of spades na siya din ang nagturo sa’kin kung kaninong kanta at Banda ang tumugtog nun.
Ang boses niya ay talagang nakakalaglag panga. Hindi ko alam na may talento pala si Sir Russel na ganito.
Napakagaling niya..
Aking sinta.. Ikaw na ang tahanan at mundo.. Sa pagbalik mananatiling nasa piling mo mundo'y magiging ikaw...
Hindi ko na kaya pang pigilan 'to. Hulog na hulog na.
Ako kaya kailan niya magiging mundo? May pag-asa pa Kaya?
"Stop your feelings to him, habang maaga pa..."
Muli kung naalala ang mga sinabi sa’kin kanina ni Ma'am kate. Hindi sinabi sa akin ni Ma'am Kate ang dahilan pero alam ko kung ano 'yun.
Kasi isang katulong lang ako. Kaya hindi talaga pwede.
"Excuse lang," Tumayo na ako sa upuan ko tyaka pumunta sa dulo nang garden kung saan hindi nila ako makikita.
UH! ANO BA 'TO!?
Kung pwede lang sumigaw ay nagawa ko na. Bakit Kasi siya pa ang nagustuhan ko!? Bakit ang boss mo pa jisel!? Huh!? Bakit!?
Napahawak na lang ako sa aking sintido. Bakit biglang sumakit Ang ulo ko. Tsk.
Ay, pag-ibig.
"Jisel.." Napatingin ako sa likod ko nang may magsalita.
"Ace." Sabi ko.
Nagtago na nga 'ko nakita pa niya ako.
"Are you okay?" Tanong niya.
Tumango ako. Okay naman ako. Itong puso ko lang ang hindi.
"Anong problema? Bakit ka umalis?"
"W-wala lang. Gusto ko lang." Sabi ko.
"Hindi ka aalis kung walang dahilan." Sabi niya sa akin.
"Wala naman talaga," Sabi ko.
WALA NAMAN!
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...