Chapter 32
Lars POV -----
"Hindi talaga siya sumusunod sa'kin!" Papasok na ako sa kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Daddy, sumisigaw ito at galit na galit.
Imbis na pumasok ako sa kwarto ko ay idinikit ko ang tenga sa pinto ng kwarto ni Dad.
"Ismael. Gawin mo na ang pinapagawa ko. Talagang lumalabag na ang lalaking 'yun sa akin!" Asik ni papa.
"Masusunod, Don Neo." Sagot ni Ismael. Ang palaging kasama ni Dad.
Nang marinig ko ang yapak ng paa na hudyat nang bubuksan na nila ang pinto ay agad akong tumakbo sa kwarto ko. Mabuti at mabilis ako dahil hindi ako nakita ni Ismael.
Kinagat ko na lamang ang mga labi ko habang iniiisip ang sinabi ni Daddy.
Sino naman ang lumalabag na kay Dad? Hindi kaya si kuya? Ugh! Sure akong si kuya nga 'yun! Talagang hindi na napigilan ni kuya 'yung nararamdaman niya kaya pati 'yung batas ay nilabag niya? Tama ako! 'Yun nga 'yun!
Nang kinagabihan na ay nakaupo ako sa living room. Napatingin ako sa kadadating lang na si Kuya. Nakangiti ito habang papalapit sa'kin.
"Kuya?" Tanong ko.
"What?" Sagot niya habang nakahawak sa phone niya.
"Why are you smiling?" Tanong ko.
"Thankyou for bringing jisel at the concert." Aniya lang sa akin tyaka tumayo.
Kaya pala masayang-masaya siya dahil magkasama sila ni Jisel kanina? Ugh! I almost forgot! Ako nga pala ang nagplano na pagsamahin sila!
Ba't ko ba nakalimutan 'yun!? Tsk.
"Kuya? Are you and jisel—"
"Yes." Mabilis na sagot nito sa'kin.
Magsasalita pa sana ako pero tumunog ang phone ko.
Ace: I'm with jisel. And this is the best feeling ever!
Nanlaki ang mata ko sa text na 'yun ni Ace sa'kin. May picture pa ng mga pulang rosas sa kama.
Bakit sila magkasama ni Jisel!? At bakit ano 'tong pulang rosas na 'to!?
"Sino 'yan?" Nagulat ako ng magsalita si kuya.
Hala! Hindi pa pala siya nakakaakyat.
"Uh, Wala 'to kuya," Ani ko. Hindi ko pwedeng sabihin o ipakita sa kanya 'to kasi baka magalit siya.
"Tss. Sino 'yan sabi?" Ani ni kuya.
"Wala nga kuya!" Asik ko. Pero nagulat ako ng kuhain niya sa'kin ang phone ko.
Nanlaki din ang mata niya ng basahin ang text. Nagtype din si kuya pero 'di ko alam kung ano.
"That fucking ace.." Mahinang Ani ni kuya. Nang may tumunog ulit sa phone ko ay siya din ang nagbasa tapos bigla siyang lumabas at binigay sa'kin ang phone ko.
Binasa ko kung ano ang nasa text, nagreply si kuya kung nasan sila at tinext naman ni Ace 'yun.
Agad akong tumakbo kay kuya.
"Kuya wait! Malay mo hindi si ace 'yang nag text!" Asik ko pero kinunutan niya lang ako ng noo.
"Tyaka kuya gabing-gabi na paano naman sila magkakasama ni Jisel!?" Asik ko.
"I don't care! Ace likes jisel. Hindi ako magtataka kung gawin niya 'yan." Ani ni kuya 'tapos sumakay sa kotse.
Napairap na lang ako at sumakay din sa kotse.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...