Chapter 53
Matagal akong tumitig kay Ate lina.
"T-totoo?" Tanong ko.
"Galit ka ba?" Tanong niya.
Napatayo ako sa pagkakaupo, hinawakan ko ang bibig ko. Nakakagulat! Paano?!
"P-paano?" Tanong ko.
"O, ano meron?" Hindi ko na nagawa pang lingunin si Madam third. Natulala na ako kay Ate Lina.
"Hoy? Ano meron? Bat gulat na gulat ka jan?" Tanong sa 'kin ni Madam third.
Nananatili ang atensyon ko kay Ate Lina. Papaano..
"Patola!" Nagulat ako ng sumigaw si Ate lina. Hinawakan pa niya ang tyan niya sa kakatawa.
"A-anong patola?" Tanong ko.
"Epik mukha mo! Hindi si Russel ama nito! Binibiro lang kita! Lt mukha mo! Hahahahaha!" Malakas na tumawa si Ate Lina.
Itinaas ko ang kilay sa kanya.
"Gaga ka, ah. Buti buntis ka, kung hindi nasampal ka na ni Jisel." Sabi ni Madam third.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko totoo. Kinabahan ako, dun.
"Palagi n'yo na lang ako niloloko, pati ikaw din Madam." Sabi ko.
"Ay? Kelan kita niloko?" Asik niya.
"Nung akala ko wala na si Russel! Umiyak ka pa nga!" Asik ko.
Nagulat ang mukha niya sa sinabi ko. Kapwa nanlaki ang mata niya, pagkatapos hinawakan ang bibig na parang gulat na gulat.
"Hala? Kulang-kulang ka." Sabi niya.
Ngumisi si Ate Lina.
"Hindi ba't umiyak ka, nun?!" Asik ko.
"Umiyak ako nun dahil sa kadiri!" Asik niya.
"A-anong kadiri?" Tanong ko.
"E, ito naman kasi si Lina! Nang nalaman na buntis siya ay umiyak sa 'kin! Pagkatapos dumating ang ermats niya! Alam mo 'yung nakakadiri?! Sinabi ng ermats niya na ikaw ba ang ama ng batang nasinapupunan ng anak ko?!" Ginaya niya pa ang tono ng babae.
"Nakakadiri! Nakakaloka! Ew! Ako tatay?! My god! Ansabi pa ng ina niya pakasalan ko daw siya! Ay jusko! Pwede pang sakalin ko siya 'wag lang pakasalan!" Asik niya.
Malakas na tumawa si Ate Lina. So, 'yun pala ang ibig-sabihin ng pag-iyak niya?!
Akala ko umiiyak siya dahil wala na si Russel! Hindi pala! All this time...
"Ate lina, sino ba ang ama niyan?" Tanong ko.
"Uh? Wala na e. Nawala na." Aniya.
"Si Tyler. Si Tyler ang ama." Nagulat ako ng sabihin 'yon ni Madam Third.
Nanlaki ang mata ko. "Totoo ba?" Tanong ko.
"Tss. Siya ang nakabuntis sa 'kin pero hindi siya ama ng anak ko! Basta! Hindi siya! Ayoko!" Asik ni ate lina.
"May problema ba kayo ni Tyler?" Tanong ko.
"Sumama kasi sa GF niya si Tyler. Kaya ang ate mo broken hearted! Haha!" Sabi ni Madam Third.
Naaalala ko na may girlfriend nga pala si Tyler, I saw them kissing. Paano nangyari na nabuntis ni Tyler si Ate lina?
"Sinabi mo na ba na siya ang Ama?" Tanong ko.
"Ayaw niyang ipaalam, gusto niyang itago. Tsk." Asik ni Madam Third.
"B-bakit?" Tanong ko.
Hindi ba parang ansakit nun? Ang mataguan ng anak?
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...