Chapter 43
Muntik ko na mabitawan 'yung phone ko. Anong ginawa nang lalaking 'yun!?
"You okay?" Napatingin ako kay Lucas.
''Oo..'' Sabi ko.
Baliw na lalaking 'yun. Nakakagulat siya. Nagtext siya sa sarili niya using my number tapos ise-save niya sa phone niya para makuha ang number ko.
''Salamat, Lucas.'' Sabi ko.
''Anytime.'' Sabi niya.
Pagkauwi ni lucas ay nagpahinga na 'ko sa kama.
''Hays. Nakakapago-''
Hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng mag vibrate ang phone ko.
unknown number: whats with you too? kayo na ba
Nanliit ang mata ko sa nabasa.SIno 'to- Hala!
Bakit niya ba tinatanong? ano bang pake niya? Pinatay ko na lang at inilapag ko sa katabing table ko.
Nang magvibrate 'to ay tinignan ko ulit. Istorbo!!!
unknown number: kayo na ba? 'di kayo bagay
Napataas ang kilay ko. Ano bang pake niya?
Ako: Sino 'to?
Kunwaring reply ko. Ano nanaman bang trip niya sa buhay? 'Wag mong sabihin na hindi pa siya nakakamove-on? Hmp! Sa tingin ko oo! Bored lang siya dahil wala na siyang papakasalan. Tsk.
Unknown Number: you're bf bf
Mas lalong tumaas ang kilay ko. 'bf bf' wow.. Kapal niya! Napaupo ako sa kama at tyaka nagreply.
Ako: Excuse me!? Anong sinasabi mo!?
Mabilis naman siyang nagreply.
Unknown NUmber: you're BoyFriend BeFore
Nakagat ko ang labi ko. Seryoso? kaya pala dalawang 'bf bf' dahil 'yan ang meaning. Akala ko nadoble.
Hindi ko na siya nareplayan at natulog na lang. Kinabukasan ganun na lamang ang gulat ko sa nakita.
Si Russel at Lucas lang naman ay nasa harapan ko. May hawak si Lucas na flowers habang si Russel naman ay may hawak lang na inumin. Tamad pa 'tong nakatingin kay Lucas na parang nanghuhusga sa presensya nito. Habang si Lucas naman ay malaking ngiti ang binungad sa 'kin.
''Goodmorning!" Bati ni Lucas.
Nakatingin lang si Russel sa kanya ng matalim. Anong ginagawa nila dito? I mean. Si Russel. Anong ginagawa niya dito? Si Lucas naman ay palaging nandito kaya sanay na 'ko.
''Anong ginagawa n'yo dito?'' Agad na tanong ko.
Hindi sila sumagot na dalawa. Nagulat na lang ako ng hilahin ako ni Madam third sa isang gilid 'yung hindi kita ng dalawa.
''Bakit sila nandito?'' Tanong.
''Aba malay ko!'' Asik niya.
''Bakit mo 'ko hinila dito, Madam?''Tanong ko.
''Kasi may lakad ako. So, ang mangyayari.. Maiiwan ko kayo. Hindi. Ikaw pala,'' Sabi ni Madam.
''Bakit ako lang? Nasan si ate lina?'' Tanong ko.
''Day off ng gaga ngayon hindi ba? Ikaw muna maiiwan dito. Huwag kang mag-alala. Nandyan naman 'yung dalawang lalaki m-''
''Madam naman! Ayokong maiwan kasama 'yang mga 'yan!" Agad na kumento ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...