Chapter 46
Tanging hikbi ko na lamang ang naririnig ko sa madilim na kwarto kung saan nila ako kinulong. I tried to shout for help pero wala talaga.
Halos napaos na 'ko at masakit na ang lalamunan ko dahil sa pagsigaw.
The world is always cruel to me.
Ang tanging ilaw na lamang sa 'kin ay ang maliit na butas sa pinto. Sa dami dami nang nangyaring kamalasan sa buhay ko ito ang pinakanakakatakot.
Ito ang pinakanawalan na ako ng pag-asa. Ito na ata ang huli.
Niyakap ko ang tuhod ko tyaka umiyak ng umiyak.
The world is always cruel to me! Hindi niya man lang ako binigyan ng oras o araw na makasama ang mga magulang ko..
"Tulong..." Mahina at nanghihinang sabi ko. "...tulungan n'yo 'ko..."
Bakit ba kailangan kung maranasan ang lahat ng 'to!? I did not accept Russel because of this pero nangyari pa din.
I don't know what to do.. lord.. Ikaw na lang ang pag-asa ko..
Bigla ay pinanlakasan ako ng loob ng may marinig akong nagsasalita.
Tumayo ako at sumigaw. ''Tulong! Tulungan n'yo ko! maawa kayo!''
Ganun na lang ang panlulumo ko ng makita ang mga bata ni Don Neo. Akala ko ibang tao na!
''Miss ganda, ang ingay mo. Nakakarindi!'' Asik ng isa.
Nanlaki ang ngiti ko ng makitang binubuksan nila 'yung pinto.
''Papakawalan n'yo na ba 'ko!?'' Masayang tanong ko.
''Syempre hindi! Gusto mo ba kaming mawalan ng trabaho?'' Pilosopong sabi ng isa.
Agad akong nagpumilit lumabas pero nahawakan ng isa ang bisig ko.
''Miss ganda naman! Bibigay lang namin sa 'yo 'tong bag mo! Sige na pasok na!'' Halos hingalin ako sa pagpupumilit na lumabas pero katulad ng bag ko ay itinulak nila ako sa loob at agad na umalis.
''PALABASIN N'YO KO DITO! MAAWA KAYO!'' SIgaw ko pero nakaalis na sila.
Bagsak ang balikat ko pag-upo sa malamig na sahig. Tinignan ko ang bag ko. Ikaw na lang ang kasama-
'''Yung cellphone ko!'' Biglang sigaw ko at kinuha sa loob ang phone ko.
Sa sobrang saya ay ilang beses kung hinalikan ang cellphone ko. I need to call madam third. Kailangan ko ng tulong.
Naipadyak ko ang paa ko sa inis ng makitang walang signal. Tumayo ako sa pwesto ko at itinaas ang phone para humanap ng signal.
Nang nakahanap ng signal ay agad kung tinawagan si Madam third.
''Sagutin mo please..'' Ani ko habang seryoso ang tingin sa cellphone.
[Jisel? Nasan ka?]
[Madam third! Nakikiusap ako tulungan mo 'ko!] Agad na sabi ko.
[Ano!? Nasan kaba?]
[Hindi ko alam kung saan 'to! KInidnap ako ng tatay ni Russ-''
''HOY!'' Napaupo ako sa sakit ng suntukin ako sa tiyan ng lalaki. Agad niyang hinablot ang phone ko tyaka ibinato.
''Boss! Nakita ko na may katawagan ang babaeng 'to!'' SIgaw niya sa boss nila.
Halos manghina ako sa sakit. Ansakit sobra nun! Nakakaiyak sobra sa sakit.
''ANO!?'' Biglag sigaw ng boss nila tyaka lumapit sa 'kin.
Agad akong kinabahan ng lumapit ito sa 'kin.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...