Chapter 7
Jisel.
Ano naman kaya ang sasabihin ng isang 'yun? Paano n'ya nalaman na nandito ako? Malamang sinabi ni Sir Ace.
"Iced Choco Latte," Agad kong inasikaso ang customer ko.
"Jisel, may awra ako. Maiwan ko na sa'yo 'tong shop ha, babalik ako laterrrrrr!" Sabi ni Madam, Third at iniwan ako.
Ako na lang tuloy mag-isa. Ala-una na, mamaya-maya ay lalabas na Ang mga tao sa kabilang building dito, isang kumpanya.
Kaya ko ba gawan lahat ng tao dito? Iniwan ba naman ako ng kasama ko.
"Here, sir," Inabot ko ang inorder niya.
"Thanks, keep the change. Miss, beautiful." Sabi ng lalaki.
Ngumiti ako.
"White Chocolate Mocha," Kagaya ng una ginawa ko ang order nya, sukli at bayad.
Nataranta ako ng pumasok na ang mga empleyado sa kabilang building. Nandito na sila. Patay, wala akong kasama.
Paano na 'to!
"One cappucino sa'kin,"
"Iced white mocha sa'kin,"
"Blue berry cake,"
"Iced Choco Milk,"
Halos mabaliw na 'ko sa sunod-sunod na sabi nila. Shocks! Wala akong katulong!
"Wait lang po," Sabi ko.
Mabilis akong kumilos.
"Pwedeng pabilis? Matatapos na lunch time na'min," Sabi ng babae.
"O-opo," Inuna ko nang ibigay ang sa kanya.
"Kami ang nauna, ah! Bakit siya agad?" Reklamo ng Isa.
"Pasensiya na, pasensiya na po." Sabi ko.
"Paki-bilis!"
"Ang bagal!"
"Shit! Mauubos na oras na'min!"
Napasapo na lang ako sa aking noo. Ang dami nila.
Agad na rinig ko ang tilian ng mga babae, mabilis akong tumingin kung ano 'yun.
Si Sir Russel. He's wearing a white shorts and Light blue long sleeve that fits him so much. Also his white sneakers.
Damn, he's hot.
I shook my head. Ang order dapat ang isipin ko.
"Wala na bang ibibilis 'yan!?" Nanlaki ang aking mata ng sumigaw ang isang customer.
"Mam, sorry ito na po..." Sabi ko.
"Need help?" He ask.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango kahit ayaw ko.
Siya ang nagbigay ng mga orders at siya rin ang nagsusulat ng mga orders at binibigay sa'kin.
"Saan 'to?" Tanong niya.
"Table 8," Sabi ko.
Tagaktak ang pawis ko ng mawala na ang maraming customer. Sabay kaming bumuntong hininga ni Russel at sabay ring umupo.
"Fuck, I'm tired," He whisper.
Ano nanaman kaya ang ginawa n'ya dito?
"S-salamat sa tulong," Sabi ko.
"I helped you, so that means you ready to talk to me?" Aniya.
Tumango ako. Papakinggan ko na siya, tinulungan niya naman ako, e.
"Sorry pala sa pagiging masungit ko kahapon, Sorry Sir Russel," Sabi ko.
Ngumiwi siya. "Buti alam mo," Bulong niya.
"Ano bang sasabihin mo sa'kin?" Tanong ko.
He sighed heavily then looked at me.
"I wanted to say sorry," Aniya.
Nananatiling nakatingin ang mga mata ko sa mata niya. Sobra ang gawa ng panginoon sa kanya. He's so handsome. Tila matutunaw ka kapag tinitigan mo s'ya.
Sorry? Siya, hihingi ng sorry?
"Tama ba ang nadinig ko? Humihinga ka ng sorry?"Tanong ko.
"I'm sincerely apologize for what I did to you," Aniya.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya.
Akala ko ba ay hindi siya naniniwala. Bakit siya nagso'sorry?
"Akala ko hindi ka naniniwala." Sabi ko.
"He's on jail, now." Aniya na nagpangiti sa'kin.
"Totoo?"
"Yeah,"
"Salamat naman," Bulong ko.
Dapat lang ay makulong 'yun!
"I'm sorry, for shouting at you, for being rude to you, I'm sorry," Sabi niya.
I suddenly feel my heart beats.
Hala, ano 'to? Walang tigil sa pagtalbog ang mga puso ko sa simpleng salita ni Sir Russel.
"Apology accepted.." Sabi ko.
"And, I just wanna say thankyou.." Aniya. His voice is husky. Mas lalong nagiging klaro sa'kin ang kanyang itsura.
His face can pass as model. His face was so international. Siya ang pinakaguwapo na nakilala ko. Tindig pa lamang niya ay makakapagpanganga na.
Especially his messy hair...He can swoon any girls at this moment. Pati 'yung mga ngipin niya...Mapuputi ito at perpekto sa pagkakahilera. He's god-like.
He's damn drop dead gorgeous.
"Hey, are you listening?" Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya.
"A-ano nga ulit 'yun?" Tanong ko.
"I thank you for saving my sister from those bullies," Aniya.
"Tinatanggap ko na ang sorry mo, Ok lang sa'kin.." Sabi ko.
"May sasabihin pa pala ako.." Aniya.
"Ano?"
"My sister...wants you to comeback to our house. Live her as long as you want, it's ok to me.." Aniya.
Hindi na siya galit?
"Sorry, pero kailangan kong kumita ng pera. Tyaka, may trabaho na 'ko 'dito," Sabi ko.
"I will say that to my sister, thanks for accepting my apology," Aniya.
"Welcome," I smiled.
Mabait din naman pala.
"Anytime na gusto mong tumira sa bahay, ok lang..." Sabi niya.
"Salamat, Sir Russel.." Sabi ko.
"Remove the sir, I'm leaving." Sabi niya.
"Russel, Happy birthday..." I shyly greet him.
"Thanks," He smiled and turned around.
Ilang minuto lamang ay agad rin siyang bumalik.
"May nakalimutan ka?" Tanong ko.
"Wala," Maikling sagot niya.
"B-bakit ka bumalik?"
"N-napansin ko kasing wala k-kang kasama dito, t-tyaka gabi na'rin kaya sasamahan kita..." Sabi niya na mas lalong nagpatalbog sa aking puso.
My heart beats so loud. Ano ba ang ibig-sabihin nito?
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...