Chapter 37
"Nakakaawa talaga si jisel... i didn't know it was her birthday!"
"Tsk. Bakit kasi nakipag-date ka pa! Hindi mo na lang siya sinamahan!"
"Wow! Madam third! Umalis ka nga din eh!"
"Huwag na tayong magsisihan parehas lang tayo,"
"Tagal naman niyang magising, tsk"
Nagising ako ng marinig ang ingay. Kilala ko na kung kanino nanggagaling ang mga salitang 'yun.
Pagkamulat ng mata ko agad kung nakita si Madam third at ate lina na kapwa nakatingin sa akin. Nang makita nila akong dumilat agad silang may kinuhang dalawa.
Ngayon lang pumroseso sakin ang lahat. Ang kwartong tinutuluyan ko ay punong-puno ng mga birthday designs na may lobo na letter.
HBD JISEL!
'Yun ang nakalagay. Nagulat pa ako nang pinaputok ni madam third 'yung habang may suot sila na birthday hat na princess ang design. Lumapit silang dalawa sa'kin na may malaking ngiti. Si Madam third ay may hawak na cake.
Agad akong napangiti sa ginawa nila. I'm suprised.....
"Happy birthday to you! Happy birthday to you...happy birhday happy birthday! happy birthday to you..." kanta nila.
"Happy Birthday, jisel..." Ani ate lina.
"Salamat, ate lina." Sagot ko.
"Happy birthday loka, Make a wish!" sabi ni madam third.
"Salamat sa inyo. Nag-effort pa kayo.." Sabi ko.
"Nah. It's okay. I'm sorry pala jisel na hindi ka namin nasamahan." Sabi ni Madam third.
"Hindi mo rin naman kasi sinabi sa amin na birthday mo!" Si ate lina.
"Kaya nga. 'Di ko nga sinabi papaano niyo nalaman?"
Hindi ko na matandaan ang nangyari kagabi. Hindi ko na nga din alam kung paano ako nakauwi.
"Ala-una na wala ka pa kaya i find your GPS. At a'yun nakita kita sa karaoke, Umiinom!" Ani ni Madam third.
"Ganun ba.. salamat kung ganun." Ani ko.
"Make a wish." Sabi ni Madam Third.
"Gusto kung makausap ang kapatid mo, madam." Hindi wish ang sinabi ko. Ang kagustuhan ko.
"Huh? Bakit?" Tanong ni Madam Third.
"Baka alam niya kung nasan si Russel." Sabi ko.
Alam kung iniiwasan ako ni Tyler kaya nga nanghingi na ako sa kapatid niya ng tulong.
Kunwari magkikita sila ni Madam Third pero ako naman talaga.
"Yan papunta na daw." Sabi ni Madam Third.
Kitam. Nang si Madam Third ang nagyaya pumayag agad.
"Mauna na 'ko," Sabi ko sa kanila.
Agad kung sinilip ang loob ng resto. Glad. Nandun na si tyler.
"Tyler..." kita ko ang gulat sa kanya ng makita ako.
"What are you doing here?" Tanong niya.
"Gusto kitang maka-usap," Sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...