RusJi? o AceSel? jk.
Chapter 11
NERD.
"Hindi ka na ba talaga babalik sa bahay? My sister, wants you back." Sabi ni Russel. Nasa harap na kami ng cofee shop ni Madam,Third.
"Hindi ko alam.." Sabi ko.
Dapat lang ay hindi na ako bumalik sa kanila dahil may trabaho ako, ayokong dumagdag sa gastusin nila gayong hindi naman nila ako pamilya. Kung babalik man ako bilang isang kasambahay.
"Just call me if you wanted to." Aniya.
"Wala akong cellphone, sorry.." Sabi ko. Hindi rin ako marunong gumamit nun, dahil simula't-sapul ay wala ako non.
"I know so I bought you one," Sabi niya t'yaka siya may kinuha sa kanyang kotse na paper bag.
"This is for you so you have contact us if you wanted to go back." Sabi niya.
"Akin na ito?" Tanong ko.
"Ibinigay ko 'di ba?" Sarkastiko niyang tanong.
Ang sungit kahit kailan.
"Salamat, Si—Russel pala. Salamat Russel," Sabi ko.
"I'm going home," Sabi niya tyaka siya umalis.
"OMG!" Halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot si Madam third at sumigaw.
"Madam, huwag po kayong nangugulat!" Asik ko.
"Anong chika? Binasted mo si Ace?" Tanong niya.
I blinked twice. Binasted?
"Anong sinasabi n'yo?" Tanong ko.
"Hay, buhay! Ang ganda mo kaso anga-anga ka!" Sabi ni Madam third tyaka hinila ako papasok at pinaupo sa isa sa mga upuan.
"Bakit si Russel na lang ang kasama mo? 'Yun ang ibig-sabihin ko! God! Ang tanga!" Pinaypayan niya ang sarili.
"Ah, may emergency ata si Ace kaya siya biglang umalis," Sabi ko.
"So, kayo ang naiwan dalawa?"
"Ganun na nga—"
"OH MY GOD! LUBOG ANG ACESEL! AHON ANG RUSJI!" Napapikit ako sa tili niya.
Grabi, ano bang mga sinasabi n'ya? ACESEL? RUSJI? Ahon? lubog?
"Anong Acesel? Rusji?" Tanong ko.
"God! Ang tanga! Russel and Jisel. If you combine it it's Rusji. While Ace and Jicel is Acecel." Sabi niya.
My mouth formed an 'O' 'Yun pala 'yun. Kung ano-ano ang sinasabi niya. Ang daming alam.
"Sino ba kasi ang pipiliin mo? Si Ace o Si Russel? Sa bagay, hindi ka makakapili dahil pareha gwapo." Kibit-balikat na sabi ni Madam.
"Mali ang iniisip mo, wala namang—"
"Ayaw ko ng makinig sa'yo bahala ka!" Sabi ni Madam.
"Madam, pwede bang turuan mo 'ko dito? Binigay 'to sa'kin ni Sir Russel." Sabi ko.
"Kabog ka pala, iPhone 11 Pro Max, nakakababa." Sabi ni Madam Third.
Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya.
Tinuruan niya ako kung paano buksan. Tumawag, Magtext at Kung ano-ano pa.
Medyo mahirap lang intindihan ang iba. May IG ba 'yun? Twitter? At Facebook siyang paulit-ulit na sinasabi.
"Ok, now you will add you're relatives or friends contact here—Oh! Meron ng isa," Sabi ni Madam.
"Sino?" Tanong ko. May isang numero daw na nakasave.
"Si Russel," Matabang na sabi niya.
"Wait lang, ha?" Sabi ni Madam third tyaka nagtipa sa CP na binigay ni Russel.
Nabasa ko pa ang huling pinindot ni Madam Third.
Delete Message.
Kinabukasan, nagising ako ng tumunog ang CP ko. Wew.
Agad ko itong binuksan.
You received a new message.
Kita ko sa harap kaya binuksan ko 'to.
Nanlaki ang mata ko sa nakita.
From: Baby Russel My Loves.
Are you crazy or what?
Hala! Anong? Bakit ganito ang pangalan ni Russel? Hindi ko alam palitan kaya mamaya ko na lang ipapaayos kay Sir Third. Malamang si Sir Third ang naglagay nun.
Nagreply ako sa sinabi niya. Aga-aga, baliw agad? 'Di pwedeng goodmorning? haha.
Anong ibig mong sabihin? Russel?
Reply ko. Ano ba kasi ang ibig-sabihin nitong lalaking ito? Naalimpungatan ata.
"One Choco latte." Agad Kong inasikaso ang nag-order.
"MADAM!!!!" Napatalon ako sa gulat ng may sumigaw.
"LINA! GAGA!" Nagsalubong si madam at ang babaeng sumigaw. Nagyakap pa sila kaso bigla siyang binatukan ni Madam.
"Gaga ka! Ano wala ka nang balik bumalik, huh!?" Sabi ni Madam Third.
"Madam naman kasi! Alam mo ba na maganda ako at mas maganda ka?" Sabi ng babae.
"Plastik mo gaga!" Sabi ni madam.
"Oh? Sino naman 'tong babaeng 'to?" Umangat ang kilay ng babae ng tumingin siya sa akin.
"Ah, siya muna ang pinalit ko sa'yo kasi layas kang gaga ka!"
"Oh my god! Madam? Huwag mo sabihing pinagpalit mo na 'ko sa sabihin na na'ting magandang babae na 'to! Madam! Pinagpapalit mo na ako—" Natigil siya sa pagsalita ng batukan siya ni Madam.
"Iwness ka! Kadira ka!" Sabi ni Madam.
Maganda ang babaeng nasa harap ko. Ang laki ng hinaharap at labas na labas na ito, grabi.
Nahiya ang dib-dib ko.
"Ah, Jisel. Ito pala si Lina, kasamahan ko dito sa shop, 'yung nagbakasyon." Sabi ni Madam.
Siya na pala 'yun. So, pwede na 'kong umalis dito?
"So, paano na madam? Dalawa na kami dito? Afford mo? Afford mo?" Sabi ni Lina.
Afford ata na masahudan.
"Hindi nga e! Kaya kailangan may umalis.." Sabi ni Madam at salitan ang tingin sa amin ni Lina.
Sabay silang tumingin sa akin. So, ako nga ang aalis?
Mukhang kailangan ko na nga, kailangan kong bumalik kila Lars.
Bilang maid.
ulit.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...