35

791 42 1
                                    

Chapter 35

"Can i order you?" Halos magtilian na ang dalawa kung kasama ng sabihin i'yon ni Russel. Nasa harap ko na siya ngayon habang may hawak na boquet of flowers.

"Sana all po!"

"Ayweh! Order you!"

Inirapan ko na lang sila.

"Let's date," Sabi niya.

"May trabaho pa 'ko Russel," Sabi ko.

Umaatake nanaman ang kalandian niya.

"Ay hindi! Wala. Okay lang! Sige na!" Nagulat ako ng biglang lumapit sa'kin si ate lina at madam third.

Sabay nilang tinanggal ang apron ko.

"Wait lang, russel. Maghintay ka lang!" Sigaw ni Madam Third kay Russel.

Ipinasok nila ako sa kwarto ko 'tapos may binigay silang paper bag sa 'kin.

"Ano 'to?"

"Loka. Suotin mo! We'll wait for you!" Lumabas silang dalawa.

Agad kung binuksan 'yung paper bag.

Ganun na lamang ang paghanga ko sa dress. Napakaganda nito.

"Madam! Ayaw kung suotin 'to!" Sigaw ko. Parang hindi naman babagay sa'kin.

"Suotin mo na!" Sigaw niya.

"Matatanggalan ka ng trabaho niyan!" Sigaw din ni ate lina.

Ilang sandali ay nakatitig lang ako sa damit. Hindi ko ata kayang suotin 'to. Sobrang ganda halatang 'di bagay sa'kin.

"Ano na jisel? Nahinga ka pa ba diyan?" Tanong ni Ate Lina.

"Bilis na jisel! You're date is waiting!" Sigaw niya.

Agad kung naisip si Russel na nandun at naghihintay. Kahit labag sa loob ko ay sinuot ko ito. Above the knee ang haba nang kulay peach na dress.

"Tapos na," Sabi ko.

Pumasok silang dalawa na may malaking ngiti.

"Shet! Bagay sa'yo!" Galak na sabi ni Ate Lina.

"You're beautiful!" Sabi ni Madam Third.

Inayos pa nila ang buhok ko at tinanggal ang salamin ko. Nung una tumanggi ako pero talagang makulit sila. Kaya wala akong nagawa kung 'di ang tanggalin.

"Grabe. You're the most beautiful i've seen in person!" Sabi ni ate lina.

Awkward akong ngumiti. Noon pa hindi talaga ako sanay sa papuri.

"Go. Labas na. You're oppa is waiting.." kinikilig na sabi ni Madam Third.

Sabay kaming lumabas na tatlo. Parang tanga silang dalawa dahil panay sila hirit na 'sana all'.

Lumabas na kami. Kita ko ang pagtiim ng bagang ni Russel bago ako bigyan ng malaking ngiti.

"Here's your date,"

"Ingatan ha,"

Ani ni madam third at ate lina.

"Sure," Sabi ni russel bago hawakan ang kamay ko.

Pinagbuksan niya 'ko ng sasakyan. Nang nasa sasakyan na 'ko agad niya akong pinaulanan ng papuri.

"You're so beautiful.." Aniya.

"I can't believe this girl is mine. Swerte ko," Nagmamayabang na sabi nito tyaka hinalikan ang likod ng palad ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon