05

1K 54 2
                                    

Chapter 5

Naupo ako sa mga bench sa park malapit sa kanila, gabi na rin at kaunti na lang ang tao. Ang katabi ko na lang ay ang bag ko.

Bakit palagi na lang akong malas? Nasan na ba kasi ang tunay kong magulang?

"Are you okay?" Napatingin ako sa nangmamay-ari ng boses na 'yun.

Si Sir, Ace. 'Yung nagligtas sa akin. Si The Silent One. Umupo siya sa tabi ko.

"S-sir, Ace? B-bakit po kayo n-nandito?" Tanong ko.

"I just want to apologize for what my friend did to you," Aniya.

"Naniniwala po kayo?" Tanong ko.

"Yes, iba ang naiisip non kapag nalalasing kaya pasensiya," Aniya.

"Buti kapa.." Sabi ko. Ang kaibigan niya kasi'y hindi.

"Saan ka na ngayon? Wala ka bang pamilya?" Tanong niya.

I suddenly feel the awkwardness. Bakit nakikipag-usap siya sa'kin? Sobrang guwapo niya tapos tatabi lang siya sa'kin, parang hindi maganda tignan.

"By the way, I'm Blue Ace," Aniya at inalok ang kamay sa akin.

Hindi ba talaga siya nakakaramdam na ayaw ko siyang kausap? Nag-alok pa siya ng kamay.

"You don't really wanna talk to me, huh?" Aniya.

"Hindi naman po, Sir.. Naiilang lang po ako na ang isang katulad nyo ay lumalapit sa'kin.." Sabi ko.

"So, what? You're beautiful? What's the problem?" Tanong niya.

Agad na nag-init ang aking pisngi. This is my first time called by men a beautiful!

"H-hindi po ba malabo ang m-mata n-nyo?" Sabi ko.

Umismid siya. "Hindi naman." Aniya.

Hindi ko mapigilang ngumiti, bulag ata e. Ako daw maganda? Bola.

"Wala na akong pamilya, umalis na po sila. Iniwan ako dahil hindi daw nila ako totoong anak.." Sabi ko.

Nakakainis, pati ang salamin ko iniwan na'rin ako.

"Ampon lang pala ako, 17 years akong walang alam.. Ampon lang pala.." My tears suddenly fall.

Bakit ako iniwan ng mga magulang ko? Makita ko pa kaya sila?

"Edi wala ka nang matitirhan?" Tanong n'ya.

Tumango ako.

"Ipapasok kita sa café shop ng isa kong kaibigan," Aniya at ngumiti sa akin.

Mas lalong nadidipina ang kanyang dimple. Napakagwapo niya.

"Talaga po? Salamat po.." Sabi ko.

"Here his café," Binaba niya ako sa maliit na café shop malayo layo sa Mansion ng mga De Villa.

"Let's go inside," Aniya.

Buti na lang at mabait ang taong ito. Tinutulungan nya ako.

"Third?" Tawag ni Sir Ace sa shop. Walang mga tao o customer.

"Uy, Ace, Bakit naparito ka? Na-miss mo 'ko no?" Napatingin kami sa pumasok na lalaki sa pinto. Hindi pala lalaki, beki.

Nakasuot ito ng apron at tila pawis na pawis.

"Hindi ba naghahanap ka ng tao para dito sa shop mo?" Sabi ni Sir Ace.

"Oo eh, Wala nga akong mahanap." Sabi ng Third.

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon