Chapter 15
"Seryoso!? Ano ka mag-aabroad!?" Asik ni Tyler kay Lars.
Papunta na kami sa sinasabi nilang hang-out with their friends. Sa tagaytay daw, isang retreat ang nirentahan nila, sa totoo lang ayokong sumama, pinilit ako ng pinilit ni Lars.
Ngayon ay nasa Van kami, sa likod ay si Russel at Tyler, sa harapan nila ay kami ni Lars, habang si Ace ay nasa shot gun seat and also the driver.
Napapikit ako sa lakas ng tugtog, nilakasan 'to ni Ace.
"What the fuck! Dude! Ano bang nasa isip mo!? Ang lakas!" Reklamo ni Tyler. Pinahinaan na din ni Ace.
"It's better to hear a loud music than hear you and her argument," Ani ni Ace.
Si Ace talaga. Inirapan siya ni Lars, tumingin ako sa likod. Nakita kung tulog si Russel habang may airpods sa kanyang tenga. Nanlaki ang mata ko at agad na inalis ang tingin ng dumilat Ito at tignan ako.
Bakit ba kasi ako tumitingin sa kanya?
"OH MY! ANG GANDA DITO!" Sigaw ni Lars nang makababa kami.
Na-amaze ako sa magandang views. This place is what I wanted always. There is always a peace. Ang ganda ganda. Kahit gabi na ay talagang aninag pa rin ang ganda.
"Do you like the view?" Napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita.
"Sobra, Sir Ace," Ani ko. Nakatingin sa view.
"I told you to remove the 'sir' I'm just 20." He said.
I smiled. Mas matanda siya sa'kin pero hindi halata dahil parang parehas lang kami.
"Let's go at the hotel," Halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot sa harap namin si Russel na nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang hoodie. Nilagpasan niya kami ni Sir Ace.
"Let's go?" Anyaya ni Sir Ace. Ok, Ace nga.
"Sige," Sabi ko. Pagkapasok namin sa hotel agad na may sumulpot na limang tao. Tatlong lalaki at dalawang babae.
"Tol! Antagal n'yo ha!" Ani ng isa na nakasuot ng Hawaian.
"Atleast dumating, ingay mo!" Ani ni Tyler.
"Hi, babe." Lumapit ang isang babae kay Russel, at inakbayan si Russel. Russel put his tongue on the inside of his cheek then remove the hand of the girl that just touch his biceps.
"Hoy! Lakas makabakod, ha! Btw, hi honey ace." Napatingin kami sa isa pang babae, lumapit din ito kay Ace at hinawakan ang braso niya.
"Aish! Ang lalandi n'yo, tara na mga bakla! Mag-rent na tayo ng hotel, puro kayo landi!" Sigaw ng isang lalaki. No, he's not boy. He's gay.
"Tara na babe, bango mo ha!" Ani ng isa pang girl kay Tyler.
"Iw." I heard Lars whisper on my back.
"Tara na," Sabi ni Lars at hinawakan ang kamay ko.
Kaming mga babae ay magkasama sa iisang kwarto, marami namang kama kaya ok lang na magkasama kami. Ganun din sa lalaki.
Nagpahinga na lang kami dahil gabi na rin, lahat kami ay hinahanda na ang sarili para bukas, Sabi kasi nila marami daw pupuntahan.
"Nakakainis, ha! Dapat dito ako, e! Ayoko dun!" Reklamo ng bakla. Nakaupo siya sa kama ko.
"Choosy ka pa makakakita ka nga ng pandesal palagi ayaw mo pa," Ani ng isang babae.
Lahat sila'y tumingin sa'kin.
"Wait, girl, Lars, sinetch itey?" Sabi ng bakla. Referring to me.
"She's my bestfriend, Jisel. Her name is Jisel." Sabi ni Lars. Nakangiti niya akong pinakilala.
"Aw, gandara niya ha," Sabi ng bakla. Nginitian ko siya. He look kind.
"Tsk, I am much prettier than her, can't you see it?" Sabi ng isang babae ang yumakap kay Russel. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ingay mo, 'no! Btw, I'm Kit!" Aniya sa akin.
"Nice to meet you! I'm—"
"I'm not interested, I'm going to sleep, na." Sabi ng babae tyaka pumunta sa kanyang kama dun sa dulo at nagtalukbong nang kumot.
"Pabayaan mo na 'yun, attitude 'yun, e, btw. Anong name mo?" Tanong ni Kit.
"Girl, I just mention it earlier! Bakla, makakalimutin kana!" Sabi ni Lars.
"Oh, maganda ka na niyan?" Tanong ni Kit.
"Oo, ikaw?" Tanong ni Lars.
"Oo, mas maganda ako sa'yo, ha," Sabi ni Kit.
"What? mas maganda ako ah,"
"Sambunutan na lang kayo, psh," Sabi ng babae ang lumapit kay Ace.
"E, kung ikaw sambunutan na'min?" Sabay na sabi ni Lars at Kit.
"Teka, huwag kayong mag-away.." Ani ko. Para kasing magaaway na sila.
Lahat sila ay nagtawanan sa sinabi ko. I looked at them with my face saying 'bakit kayo tumatawa?'
"Hindi siya sanay, mare!" Sabi ni Kit, tumatawa.
"Hays, Jisel talaga," Sabi ni Lars.
"Ganito talaga kami mag-usap, masanay kana. Ganito kami pero Mahal talaga namin ang isa't-isa." Sabi ng babae ang lumapit kay Ace.
"Arah, sorry pero 'di kita mahal," Sabi ni Kit.
So, her name is Arah. She's beautiful and look kind.
"Same! tanga," Sabi ni Arah.
"You guys are too noisy! Can you guys just sleep and shut your mouth!?" Asik ng babae kanina.
"Palaging 'G' sa buhay ang loka! O siya, tulog na kayo. Aalis na ako. Happy now, Dixie!?" Sigaw ni kit, tumawa muna siya at umalis na.
"Let's sleep," Sabi ni Lars.
"I'm enjoying it," Bulong ni Lars.
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Princess
RandomNERD SERIES #2 Ang isang nobody girl with her big eye glasses ay walang kaalam-alam sa kanyang nakaraan. Pilit niyang binabalikan ang mga nakaraan ngunit hindi na niya magawa dahil walang makasagot nito, ngunit habang tumatagal unti-unti siyang naka...