36

779 49 11
                                    

Chapter 36


Ilang beses ko nang hiniling kay god na sana hindi na matapos ang gabi na 'yun pero narealize ko na hindi lang pala sa amin ang mundo. Nang makauwi ako agad akong pinaulanan ng tanong ni Madam Third at Ate lina. Ngunit sabi ko ay pagod ako kaya pinagpahinga na nila ako.

Sobrang saya ng araw ko. This is one of the most memorable thing that happened in my life. Akala noon kapag nag ka bf ka ay harang lang 'yun o istorbo. But then mali ako. Maganda din pala ang magkaroon dun. Dahil bukod sa my kaibigan kana, may tagaproteka ka pa.

Nang mga sandaling 'yun nakalimutan ko na ang buhay ko ay malungkot. Hindi pumasok sa utak ko 'yung mga problema dahil sa sobrang kasiyahan 'ko. Pero ngayon ay naaalala ko nanaman.

Anong klaseng magulang ba ang mag-iiwan sa anak niya. Ano kayang dahilan ng mga magulang ko kung bakit nila ako iniwan? Hays. Dala na rin ng pagod sa nangyari kanina ay agad akong nakatulog.

Kinabukasan ay agad na sumilay ang ngiti sa aking labi. Nakangiting inabot sa'kin ni Russel ang red flowers na bigay niya.

It's his 3rd day doing this such things. "Nag-abala ka nanaman," Ani ko.

"Hindi na 'ko magtatagal. I'm just here to bring these flowers and your lunch. So eat please," Aniya sa akin.

Kita ko ang iritan ni Madam at Ate lina.

"Kami ba walang lunch jan!?" Ani ni Madam Third.

"Uh? May resto ka 'di ba?" Sarkastikong ani ni Russel kay Madam third.

Nadismaya naman ang reaction ni Madam third.

"Eat your lunch, I'm gonna go now," Aniya sa'kin at hinalikan ang noo ko.

"Salamat, russel." Sabi ko.





That's the last time we talked. 'Yan na ang huli.


"Hoy! Ano na!? Kanina ka pa diyan!" Napatalon ako sa paggulat sa'kin ni Madam Third.

"Madam naman, nakakagulat ka." Asik ko.

"Alam mo, Jisel! Walang mangyayari kung hindi mo siya pupuntahan!" Asik ni Ate lina.

Pabuntong hininga kung tinignan ang tambak na message ko kay Russel. Isang linggo na rin simula nung magdate kami, tapos nun ay mailap na siya kung magpakita sakin. Dalawang araw nung nagdate kami ay nagpakita siya sa'kin pero saglit lang. Pero ngayon ay hindi na.

Nang mga nakaraang araw ay naguusap pa kami through chat and calls pero ngayon ay hindi na. Nakailang message na ako sa kanya pero wala pang reply. Nag-aalala na nga ako.

Tinext ko na nga si Lars kung nasan ang kuya niya ang sabi niya lang ay busy ito sa trabaho. Kaya dun na lamang ang kinakapitan kung dahilan niya.

"Hindi ko alam kung nasan siya, paano ko pupuntahan, Ate lina?" An ko.

"Maybe on his work? or in their house?" Aniya.

Ayokong pumunta sa kanya baka kasi makaabala ako sa trabaho niya. Siguro hihintayin ko na lang siya.

Kahit matagal...



Dalawang linggo ko nang hindi nakikita ang presensiya ni Russel. Hindi ko na alam kung buhay pa ba siya o nahinga pa ba siya.. Even a call or a reply ay WALA.

Mukhang nakalimutan niya na ata ako. Hays.

Pinalig ko ang ulo ko at tinanggal ang mga dahilan na pumapasok sa isip ko. Narinig ko ang sinabi niya noon. Sabi niya na mahal niya ako kaya alam kung hindi siya ganun...

That Nerd Is A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon