Owning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa kompanya niya, pinasya niyang magpanggap bilang secretary ng fiancé nito. Ito lang naman ang sikat na bilyonaryong si Elliot Jon Mallary. Misyon niyang nakawain ang puso nito at saktan sa huli ayon sa kasunduan nila ni Juliette. Gusto kasi nitong maghiganti sa pamamagitan niya at makasama ang lalaking gusto nito. Ngunit habang unti-unting nalalapit siya kay Elliot, napagtanto niyang nahulog na siya rito. Hanggang pareho silang nagkagusto sa isa't isa. At nakalimutan niyang nagpapanggap lang siya. Hanggang dumating ang araw na natuklasan nito ang totoo tungkol sa kanya. Matindi ang galit nito sa kanya at napagdesisyonan nitong alisin siya sa buhay nito. Makakahanap ba ng paraan si Rosette upang ipakita ang kanyang tunay na pagmamahal o tuluyan na bang mawawala ang kanilang pagkakataon sa pag-ibig?