Chapter 6 - Thank You, Go Away

69 3 1
                                    


>> • LAUREN • <<

"Sorry talaga, Ate! Please hayaan mo kaming bumawi!"

"Oo nga! Sobrang unfair noong nangyari sa laban ninyo nina Kuya Elliot."

Napilitan akong bigyan sila ng isang pilit na ngiti. Sobra ang awkwardness na nararamdaman ko dahil sa maya- maya nilang paghingi ng tawad mula nang maabutan nila ako sa dorm.

"Hehe, no need. Valid naman ang reason ninyo para hindi maka-attend noong isang araw." naiilang na tugon ko.

Sinabi nila na may biglaang announcement ng quiz na dapat nilang paghandaan noong araw na iyon. Ayokong maging hadlang ang club sa pag-aaral nila.

Dahan-dahan kong kinuha sa shoe rack ang rubber shoes ko at naupo sa aking kama upang i-suot iyon.

Nakaluhod sila sa harapan ko na para bang mga batang pinapagalitan ng isang nanay at napagpasyahang paluhurin sila bilang parusa. Hawak nilang pareho ang latest issue na ini-release ng mga staff ng Ad Astra at ng Ang Estrelya, ang mga organisasyon ng mga mamamahayag at manunulat para sa Academy.

"Ayos lang ba talaga, Ate? Nakaka-guilty kasi yung ginawa namin."

And repeat. I don't think the conversation progresses. It's like we're just riding a carousel.

"Hindi niyo kailangang mag-sorry. Thankful pa nga ako na nakita ko ulit kung ano yung kaya kong gawin as a Captain." wika ko sa kanila nang hindi sila nililingon.

"Sure ka d'yan, Ate? Ililibre ka sana namin."

I let out a chuckle.

"That sounds good. Pero may lakad kasi ako ngayong araw, kaya medyo nagmamadali ako. Pasensya na talaga." saad ko pa na ikinatango naman nila.

"Sige, Ate. Next time na lang, ingat ka sa lakad mo."

Nagmamadali silang tumayo at kumaway sa akin hanggang sa paglabas sa dorm.

Those kids will make a better team with better players because of their humility.

Agad kong kinuha ang sling bag sa aking higaan at lumabas.

Nakisuyo ako kina Wendy na samahan ako ngunit bakas sa mukha nila na labag sa kanilang loob yung hinihingi kong pabor. Funny how they engaged in a competition about who made the best lie to turn down my request.

Since I'm already done with my homeworks, I've decided to pay Baldo a visit to see how's he doing.

Marahan at sunod-sunod ang aking pagbati dahil sa panay ang pagbati ng mga schoolmate ko na nakakasalubong ko sa daan palabas ng gate.

And while at it, since the Domum, Baldo's apartment, is only a few rides away from my house in Dreamgate Estate, maybe I could also drop by my home to also check on my mom kahit na kakakita ko palang sa kaniya noong isang linggo.

Halos tatlumpung minuto pa lamang ang nakalipas mula noong nakapara ako ng taxi ay mayroong nakahagip ng paningin ko sa gitna ng pagmamadali.

"Manong, dito na lang po."

Nagtataka man, sumunod pa rin si Manong at huminto sa isang sidewalk.
Dali-dali akong bumaba at nagpasalamat sa kaniya.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon