>> • LAUREN • <<
September mornings surely provide that tingling breeze whenever I go outside. I can hear my dormmates saying "Ber Months na, kaya lalamig na naman."Well, it's not really a good thing nor a bad thing for me. It's just that feeling coldness decreases my own productivity.
Wearing my varsity jacket doesn't do the trick of giving me warmth so I topped it with another black jacket and made sure that it's zipped tightly up to the collar.
Huminga muna ako ng malalim at pinagmasdan ang gymnasium. Mayroon pa akong tatlumpung minuto upang magwarm-up. Hindi ako sigurado kung lilitaw ba sila sa eksaktong oras ngunit maganda na ang maaga kaysa ako pa ang hintayin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng gym at tumambad sa akin ang madilim na court. Agad kong binuksan ang mga ilaw roon at naupo sa isa sa mga bleachers upang ayusin ang sarili ko.
Tinanggal ko ang suot kong sapatos at pinalitan iyon ng sneakers na dala ko. Pinusod ko rin ang aking buhok dahil makakasagabal ito sa akin sa paglalaro.
The squeaking sounds of my sneakers as it touches the court makes me more motivated to warm myself up.
"Here comes the early birds."
Natigilan ako sa pagwa-warm-up nang makita mula sa sulok ng aking mga mata sina Wendy. Halata sa mukha ng mga ito na pinilit nilang gumising ng maaga. That's obvious because they kept on yawning alternately while stretching their arms.
"Ikaw palang ang nandito?!" napatakip ako ng tainga nang magsimula nang magbunganga si Wendy. "Kung may nililigawan man ang mga lalaking iyon, mabuti pang busted-in na nila bago pa sila maturn-off dahil sa Filipino Time nilang ugali."
"At least makabayan. Tingnan mo, isinasabuhay nila yung mga kaugaliang Pilipino." tugon naman ni Tohru dahilan upang makatanggap siya ng batok.
"Anong ginagawa niyo rito? Wala ba kayong mga klase?" tanong ko sa kanila.
"Gusto kong makita na lampasuhin mo yung sahig." nakangising wika ni Wendy at pabagsak na naupo sa bleachers. Sumunod naman sa kaniya sina West at Tohru.
"Ha-ha. Funny." tugon ko. "By the way, nasaan si East?"
"May quiz daw sila kaya hindi siya makakapanood ng laro. Tatry daw niyang humabol kung may aabutan pa siya." sagot ni West.
"Okay—"
"Good morning, Ice Queen!"
Pakiramdam ko'y nasira na ang ambience ng usapan nang marinig ko na ang mga yabag at malulutong na tawanan mula sa mga lalaking kakapasok pa lamang.
Agad akong napasimangot nang magtama ang tingin namin ng naka-hair gel na buhok ni Elliot.
"Is that how you greet people? O sadyang masama lang ang nakain mo kaninang umaga?" aroganteng wika niya.
"Lauren," seryosong tawag ni Wendy kaya napalingon ako.
"Forget the match. Susungalngalin ko siya ng bola ngayon mismo." aniya at umambang tatayo ngunit mabuti na lamang ay nahawakan siya nina West at Tohru sa magkabilang braso.
"Kumalma ka nga, hindi naman ikaw yung kalaro. Saling-pusa ka talaga." sabat pa ni Tohru.
"Mukhang nanigas na sepilyo iyang buhok mo!" inis na wika ni Wendy at dinuro-duro si Elliot.
Nang mahimasmasan ay iritable siyang umupo ulit. Maya-maya'y ako naman ang hinarap ni Elliot.
"It's already 7:10. Shall we wait first for your teammates?" nakangising tanong niya.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...