Chapter 40 - The Tenth Season

24 2 0
                                    


>> • LAUREN • <<


The extremity of anxiousness that grumbles inside me can't be compared to anything to the utmost degree. I'm trying to maintain my composure as I'm sitting at one of the benches here in the players' waiting room.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama ko na tutok sa pakikinig sa lahat ng tips at reminders na sinasabi ni Coach habang iginuguhit ang game plan sa whiteboard.

Hindi naman nakatodo ang aircon pero pakiramdam ko'y nasa loob ako nito mismo. I zipped my jacket tightly but I felt like the shivers are still there.

"Lauren, nakikinig ka ba?" bulong sa 'kin ni Vice Captain Michelle. Tumango na lamang ako.

Nakapaskil sa tabi ng game plan ang match-ups para sa preliminaries. May iilang school ang seeded na kung kaya't kung makakalaro pa lamang sila sa later rounds.

Sa kasalukuyan, kasama kami sa first conference, at kapag natalo namin ang iba pang mga kalahok sa conference na ito ay makakalaban din namin ang mga contenders na nasa ibang conference.

We're already at Day 3 at nararamdaman ko pa rin ang bahagyang pangangalay ng tuhod ko buhat ng sunod-sunod na match. Siniguro ko namang nakapahinga ako ng maayos pero dahil sa wala kaming break sa mga laro ngayong linggo, mukhang lalala pa ang ngalay nito.

Some of the teams were good enough to give us a run for our money. Sa tatlong laro namin ay wala pa naman kaming naipapatalo. Hinihiling ko sa loob-loob ko na sana hindi rin kami mahirapan ngayong araw.

"That's all. Tandaan ninyo, i-enjoy niyo lamang ang lahat ng laro. Be a sport and don't let the opposing players' derisive behavior get in your nerves." ihinampas ni Coach Sandoval ang whiteboard eraser sa mesa na nasa harapan niya. "And one more thing, let's bring home the bacon because once again, nakataya ang reputasyon ng Academy dito."

"Yes, Coach!" we replied in chorus.

"Well then, let's give them a good game." saad ni Coach.

Tumayo naman ako kahit na kumportable ako sa pagkakaupo ko kanina. Tumikhim ako upang kuhanin ang kanilang atensyon.

"Alam niyo na yung drill." wika ko.

Yumuko naman sila at nagsimula nang manalangin. Probably, the other teams were doing the same. I wonder if it's favoritism when the others are given the result they've wanted when almost all of the teams here were praying for the same favor.

I shooked my head at the thought. I shouldn't be thinking of things that can be a factor in bringing down the team's spirit.

Nang matapos na ang pagdarasal ay agad silang nagsitayo upang lumapit sa 'kin at bumuo ng bilog. Inihaya ng bawat isa ang kanilang mga kamay at pinagpatong-patong ang mga iyon habang nakaakbay sa balikat ng katabi ang kabila.

"Astra claims the victory, the valor, and the favor. Go, go, Astra!"

Ini-angat namin ang aming mga kamay sa ere, kasabay ng pagsigaw ng mga katagang iyon. Kapagdaka'y noon pa lamang kami lumabas sa waiting room.

I can hear the crowd going wild outside even if the players were not outside yet. Hindi ito ang unang beses ko na maglaro sa isang malaking arena ngunit hindi ko pa rin maiwasang manibago sa tuwing tatapak ako rito.

The blinding lights at the stadium hall was the first thing that greeted me upon coming out. The number of people who came to watch this game is overwhelming. I tried roaming my eyes to see if I can find Wendy and the others, but unfortunately, they are nowhere to be seen. Perhaps they're blended in the crowd.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon