Chapter 26 - Intramurals II

33 2 0
                                    


>> • LAUREN • <<


"Okay, that wraps up the game for the last day."

Lumapit sa isa't-isa ang mga players at nakipagkamay sa mga staffs at kapwa players as sign of sportsmanship. Nagsalubong naman kami ni Vice Captain Michelle at nakipagkamay din sa kaniya.

"That's a pretty good game. Although you sucked at the last quarter. Heh." pambubuska niya.

"Hey! It's just that your players are our teammates so your team are already guaranteed with a win. Stop acting high and mighty!" wika ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.

"And here I thought you'll finally defeat us one-on-one. We got our hopes too high." dagdag pa niya at tumawa.

That's right. Their team became the Champions for Women's Edition Basketball. Well, at least Grade 11 are first runner-ups.

I hate how she rubs their victory at my face. It can't be helped that her teammates are too good. Also, my team's doing well in the past few days. They already got the gist of basketball.

Nagpaiwan ako sa gymnasium upang tumulong sa paglilinis, lalo na't naghamon sa akin si Vice Captain Michelle na kailangan ko raw maglinis kapag natalo ang team namin. Today is the last day of Intramurals so everyone's starting to wrap up.

There are events that remain undone, but I'm sure they'll catch up later for the closing remarks. Kumuha ako ng walis at nagsimula nang sinupin ang mga kalat na nasa bleachers. Siniguro kong lahat ng sulok ay malilinis.

Dahil marami-rami naman ang katulong ko sa gym, mabilis kaming nakatapos. Nauna nang magpaalam ang mga ito nang matapos upang i-enjoy ang natitirang oras bago magtapos ang araw.

Kinuha ko sa bag ang susi sa Gym at ikinandado ang pintuan nito—

Ack!

Wala akong makita!

Walang anu-ano'y may kung anong tumabing sa mata ko. Pilit ko iyong tinanggal ngunit masiyado itong mahigpit.

Naramdaman ko na lamang na may humawak sa mga braso ko at pilit itong iginapos. Sinubukan kong magpumiglas at gumawa ng ingay ngunit naramdaman ko na may madikit na bagay silang itinapal sa labi ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko lamang ay may bumubuhat sa akin at dinadala ako na para bang isang sako ng bigas.

Tanging impit na ingay lamang ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko magawang makasigaw.

Ilang sandali pa'y inilapag nila ako sa kung saan. Marahas nilang tinanggal ang tapal sa bibig ko, maging ang bagay na ginamit nila sa paggapos sa akin.

Sinubukan kong tanggalin ang piring ngunit masiyadong mahigpit ang kapit nito. Mukhang ilang buhol ang ginawa nila para hindi ito matanggal.

Akmang sisigaw na ako ngunit nahinto nang maramdaman kong may kung anong marahas na gumagalaw sa harapan ko. Dahan-dahan kong kinapa iyon.

Lamesa?

"Welcome to the Blind Date Booth! Sa mga estudyante na nandito, either inilista ninyo ang sarili ninyo para maka-score sa mga crush ninyo, or may naglista sa inyo para mapunta sa booth na ito. Kahit na gano'n, gusto ko lang ipaalala na katuwaan lang 'to kaya dapat i-enjoy natin ang moment!" wika ng isang boses. Sa tingin ko'y nasa wala siya rito dahil nag-e-echo lamang ang boses niya sa mga speaker.

Well, wala naman na akong gagawin for the rest of the day kaya wala naman sigurong masama kung makikisakay na lang ako sa trip ng booth na 'to. I'm suspecting that I was set up by one of my friends here, but I can't exactly tell who could it be.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon