Chapter 24 - Facing the Music

30 2 0
                                    


>> • LAUREN • <<


Hindi ko alam kung bakit ako nadamay dito. Ang pagkakaalala ko'y kumakain lang ako ng payapa sa cafeteria kasama sila Tohru, tapos may mga dumating na mga delikwente at nagkaroon ng kaguluhan.

Mag-i-isang oras na kaming nakakulong sa detention dahil serious offense daw ang ginawa namin. Hindi ko alam kung anong serious sa ginawa ko maliban sa tumayo at panoorin sila Wendy na awatin ang mga nag-aaway sa cafeteria, although I'm the one who suggested that we should do something.

Naiinip na ako sa puwesto ko kaya naisipan kong maglakad-lakad sa buong silid. Ang iba nama'y abala sa kani-kanilang ginagawa.

Pinasadahan ko ng aking hintuturo ang lamesa at nakita ang isang dyaryo na nakalagay doon. Mukhang bagong issue lamang ito dahil sariwa pa ang amoy nito mula sa publishing house.

Agad ko itong kinuha ngunit mayroong maliit na papel na nahulog mula sa pagkakasuksok dito. Pinulot ko ito at tiningnan.

Nakasaad doon ang listahan ng mga upcoming events and activities na nakalaan para sa buwan ng Enero.

I can feel the swirl of excitement and nervousness flowing inside me as I happened to caught that special events I'm waiting for too long.

The opening of tenth season is just a month away. Before that, they will be holding the annual Intramurals as part of preparation for it. I need to make sure that I'm prepared for any challenge that will come on those days.

Not only that, marami rin silang mga bagong mga programs na inilagay na sa tingin ko'y mula sa proposal ng ibang clubs. Muli, magiging abala na naman ang buong Academy sa mga iyon bago ang exam week.

Nakadukmo lamang si Wendy sa desk. Si West nama'y panay ang pagtatanong ng kung ano-ano kay Tohru. Ang mga alipores ng lalaking antukin ay nasa isang sulok, nakaluhod at nakayukod ang mga ulo sa sahig habang walang humpay na humihingi ng tawad sa kanilang Boss. Hindi sila pinapansin ng lalaking antukin bagkus ay lumapit ito kay East na abala sa pagsasagot ng mga activities.

"Hey, can you recommend me some more mangas?" tanong pa nito sa kaniya.

Napahinto sa pagsusulat sa East at hinarap ito. "I thought you're not interested."

"At first.. But then, I recognized that the one you let me borrow in the library is a good one. The characters hasn't left my mind ever since.." paliwanag nito at pasimpleng naupo sa tabi ni East, nakapangalumbaba at pinanonood itong magsulat.

"You can search up on the Internet. There are a lot of recommendations out there that might suit your taste." sagot ni East.

Napamaang na lamang ang lalaki. "Oh.. but I trust your advice more.."

"Well then." pumunit ng isang maliit na piraso ng papel si East at mabilis na nagsulat doon. Ilang sandali pa'y inabot niya ito sa lalaking antukin. "You can read those. That's a list of shoujo mangas. Don't blame me if it didn't give you satisfaction. I told you beforehand that there might be differences in our preferences."

It must be my imagination, but I noticed that the guy beamed a smile upon looking at the paper. Something strange is happening here.

Hindi pa rin umalis ang lalaki at nagpatuloy sa panonood kay East.

"Uhh, may kailangan ka pa ba?" naiilang na tanong ni East sa kaniya. It's pretty normal even though East grew up along with West and their male cousins, she's not used to being stared at.

"Nothing..." wika nito at lumayo ng bahagya sa kaniya. That's nice if he knows how to read along the lines.

"Boss, parang awa mo na! Sorry na! Ayaw lang namin na isipin ng iba na naduduwag tayo kaya ayaw nating makipaglaban." pangangatuwiran ng isa sa kanila.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon