>> • LAUREN • <<
The dawn hasn't even risen yet but I'm already on my way out of my dorm. Nangangatog man sa lamig, sinikap kong ibalot ang sarili ko sa patung-patong na jacket.It's not that I'm overreacting or anything. Sadyang mas lamigin lang ako compared sa iba. Paglabas ko sa dorm ay naabutan ko na rin ang kumpulan ng estudyante sa hallway na hinihintay ang kanilang mga kasama.
Today is the day of the fieldtrip. Astra Academy annually organizes lots of outdoor activities to the point that we barely attend classes. They always say that highschool years are about enjoying youth.
Inilagay ko ang kamay sa bulsa ng pantalon ko at kinapa roon ang isang nakatuping papel. Nang makapa ko na ito ay agad ko itong hinugot at binuksan.
Nakalagay rito ang seat locations na in-assign ng class president sa 'min. Noong una'y labag sa loob nila ang paglalagay nito ngunit sa huli'y pumayag na rin sila dahil sinabi ng president na maaari silang pumili ng katabi at seat position na kanilang pipiliin.
Nagpasa ng permission letter sina Wendy, Tohru, at East para makasama namin sila sa bus kahit na supposedly by section ang division ng mga estudyante. Pumayag naman ang adviser na isama namin sila tutal kaunti lang naman ang bilang ng mga mag-aaral sa klase namin.
Hindi nagtagal ay tumunog ang mga broadcast speakers na nakalagay sa magkakaibang lokasyon sa buong Academy at sinasabihan ang mga estudyante na oras na para pumila.
Naabutan ko sina Wendy na nakatayo sa may gilid ng Bus No. 6, kung saan naka-assign ang section namin. Nang magsimula nang mag-roll call ang mga teacher ay agad kaming pumirmi.
"Base sa printed seat plan, dito kami uupo ni Lauren." wika ni Wendy habang hawak ang kopya niya ng seat plan. Pinili niya ang mga upuan sa bandang gitna dahil daw gusto niya.
Nasa likuran naman namin sina West at Baldo. Nauna sa amin si West na pumili ng puwesto pero hindi ko alam bakit doon niya piniling maupo sa tabi ni Baldo na naunang pumili bago siya.
Wala namang nagawa si Baldo dahil kahit umangal siya ay hindi makikinig ang class president at sasabihan lamang siya na hindi naman buong fieldtrip ay kasama niya si West. Aangal pa ulit siya ngunit sinabi na lang ng class president na lumipat na lamang ng bus si Baldo kung gusto niya.
Sumunod na lang kami dahil sa ayaw din naming maghiwa-hiwalay sa puwesto kahit na kami-kami rin ang magiging magkakasama sa paggagala sa mga lugar na pupuntahan namin.
Meanwhile, sila East at Tohru naman ay nasa harapan namin. Si Tohru na ang nagprisinta na magkasama sila ni East sa puwesto at wala namang umangal doon.
Madilim pa sa labas nang magsimula ang biyahe. Gaya ng inaasahan, nasa kani-kaniyang mundo ang lahat. Ang iba'y kumumuha ng mga pictures na ina-upload nila sa kanilang social media accounts. Mayroon namang nagbabawi ng tulog habang umaandar ang sasakyan. Ang iba nama'y nakikinig lamang sa mga sinasabi ng kasama naming tour guide sa bus habang ang iba'y doon nakatutok sa maliit na telebisyon na nasa harapan.
Ilang oras pa ang lumipas at nakarating din kami sa unang destinasyon. Tirik na rin ang araw nang makarating kami sa Gratia Strawberry Farm.
Opportunities like this are indeed remarkable. There are still drops of dew to the dangling, reddish strawberries. Mahahalata sa anyo ng mga ito na doble-dobleng pag-iingat ang ginawa ng mga trabahador para lamang maging refined ang mga bunga mula sa mga maliliit na drainage na nakakabit sa bawat hilera ng mga halaman.
The temperature inside the greenhouse suits us just fine. Mabuti na lamang at tinanggal ko ang mga jacket ko at isinilid ito sa bag bago bumaba. Unang destinasyon pa lamang ngunit marami na kaming nakuhang litrato, lalo na si East na nagbaon ng maraming memory card at power bank.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...