Chapter 32 - Haze and Dawn II

35 2 0
                                    


>> • LAUREN • <<


Pagkatapos ng halos tatlong oras na panonood ng shortfilms ay naisipan na naming lumabas sa classroom dahil maya-maya lamang ay i-a-announce na ang mga nanalo ngayong araw.

"I'm really worried about Wendy's rankings on pre-voting." bungad ni East nang makasalubong namin ito sa hallway kasama sina Tohru.

"Hindi naman one-hundred percent sa criteria yung audience's impact diba?" tanong ko.

"Yes, pero hindi rin tayo dapat magpakampante na maayos overall ang ibibigay na marka ng mga judges. Mayroon kasi talagang mga judges na hindi gaanong nakukuha yung punto ng mga shortfilm kasi iba yung pananaw nila sa bagay-bagay." sagot ni East.

"All you can do is trust her.." sabat naman ni Aero na may hawak na isang manga sa kamay at binabasa ito habang naglalakad. "If you don't, no one will.."

"You're right. This is no time to be sulking whether she'll win or not. Let's hope that it will reach the hearts of the judges." pagsang-ayon ni Tohru.

"Oh." naalarma akong bigla at kinapa-kapa sa bulsa ng blazer ko ang phone ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makapa ko ito roon.

"Hindi pa tapos yung livestream. Bumalik na sa Main Hall yung setting." ani West at itinuro ang electronic billboard na nagpapakita rin ng livestream sa park.

"Pine-present ng mga participant yung gawa nila, oh." dagdag pa ni East. "Kaso ang labo."

"Tara sa Main Hall, baka mas makita natin ng maayos yung mga painting nila. Mukhang nandoon na rin yung mga participants sa ibang category." saad ni West.

We rushed to the Main Hall and fortunately, the crowd wasn't yet swarming around the entrance. Dali-dali kaming naghanap ng puwesto sa pinakaunang row upang makita ng mas malinaw ang mga obra.

So far, nasa limampu pa lamang ang nakakapag-present. Mayroon pang hindi natatapos at aligagang ipinagpapatuloy ang kanilang gawa habang tarantang sumusulyap-sulyap sa mga nagpapasa na.

Natuon ang tingin ng madla sa bandang dulo nang sabay na lumikha ng tunog ang upuan nina Baldo at Robin. Sabay silang natapos at kasalukuyang naglalakad patungo sa pila.

"Go, Bro!" mahinang bulalas ni Tohru nang dumaan sa harapan namin si Baldo. "Alam kong kasali ka kaya kami nandito!"

Napalingon naman sa 'min si Baldo, ngunit nang magawi ang paningin niya sa 'kin ay tila ba nagbago ang reaksyon nito mula sa pagkakakunot ng noo hanggang sa pagkabalisa.

What's wrong with him?

Taranta nitong itinabing sa mukha ang likuran ng canvas na para bang ayaw niya kaming makita. Lalo akong nagtaka nang marinig kong humahagikhik si Aero sa hindi malamang dahilan. Nakatingin ito kay Baldo at para bang may kung ano itong binabalak.

"Hey, Aero, are you okay?" tanong ko sa kaniya. "You're starting to look like some sort of a supervillain."

"It's nothing. Don't mind me.." bumalik sa normal ang kaniyang reaksyon habang pinipigilan ang sarili na tumawa. "I just remembered something."

Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang ginagawa niya at bumalik sa panonood. Unti-unti nang umiiksi ang pila at palapit na rin ng palapit sina Baldo sa harap ng mga hurado.

Napansin kong sinusubukang kausapin ni Robin si Baldo, ngunit hindi siya nito pinapansin at nagpatuloy lamang sa pagsasawalang-kibo. Hindi pa rin natitigil si Robin at tinuloy ang pagdakdak kahit na hindi siya pinakikinggan ng kausap.

Nang dumating na ang hudyat para ipakita ang kanilang gawa, buong pagmamalaki na ibinandera ni Robin ang kaniyang gawa. I don't know how should I interpret it since I lack knowledge and precept about abstract painting.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon