Chapter 29 - Candle Wick

32 2 0
                                    


>> • EAST • <<


"Hey, East."

"East!"

"Esther Astrid!"

"East! East! East!"

"Ano?!" di ko na napigilang mairita sa maya-maya niyang pagtawag.

Mula noong nagkakilala kami sa library at nagkita sa cafeteria, hindi na niya ako tinantanan sa pagtatanong at pakikipag-usap tungkol sa mga bagay- bagay. Hindi lamang doon nagtatapos iyon dahil sa napag-alaman ko ring kaklase ko rin siya.

Hindi ko siya napapansin noon marahil ay hindi naman siya nakikihalubilo sa iba at dahil sa para bang walang nakakapansin sa presensiya niya kahit nandoon siya sa kaklase. Ngunit mula nang itanong niya ang pangalan ko sa cafeteria, pansin kong panay na ang pagtawag nito sa'kin.

I can't pay attention earlier in class because he kept on whispering and bugging me. Guaranteed, wala akong natutunan ngayong araw.

"May sasasabihin ka ba?" tanong ko.

Napakamot na lamang si Aero sa kaniyang batok. "I'm wondering if I can join you in your lunch today.."

Umusbong ang pag-a-alangan sa kalooban ko. Hindi ako sanay nang naiirita at iniisip ko na ang pagsama kina Tohru ang paraan para pansamantalang maibsan yung pagkainis ko sa kakulitan niya.

"Why would you do that?" hinilot-hilot ko ang aking sentido dahil ramdam ko na ang unti-unti nitong pagkirot.

"Maybe.. to talk to you about what I've learned in class today." nahihiyang saad nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Guess it can't be helped. Talking about what he learned in class may help me to pick up on the information that I missed in the discussion earlier.

"Fine." ipinihit ko na papatalikod ang wheelchair at ipapadausdos na sana ito sa padulas na daanan ngunit bigla na lamang niya akong pinigilan.

I groaned in frustration and faced him.

"Tutulungan na kitang bumaba.." saad nito at humawak sa handle ng wheelchair na nasa likuran ko.

Nanatili akong walang kibo sa isa't-isa hanggang sa makarating kami sa cafeteria, sa kabila ng pagkukwento niya tungkol sa mga nabasa niyang manga na ini-recommend ko.

"Here's your order," umakto si Tohru na para bang isang waiter at isa-isang ibinaba ang mga pagkain.

"For Lauren, Garlic Butter Shrimp and Rice." inilapag niya sa harap ni Lauren ang plato at tissue.

"For West, Chicken Curry and Rice with a cup of mashed potatoes." walang sabi-sabing inagaw ni West sa kamay ni Tohru ang tray.

"You shouldn't have told them my order. Tatanungin ko pa sana kayo kung afritada, menudo, mechado o kaldereta yung in-order ko." paghihimutok nito.

"Why the heck would you think that we'll guess it from the choices you've given?" tanong ni Wendy na abala sa paglalagay ng ginisang ampalaya sa ibabaw ng kanin niya.

"Wendy, pahingi." ani Tohru. Inabutan naman niya ito ng kutsara at hinayaan ito na tumikim sa ulam.

"The curry here looks exactly like those four. It lacks turmeric in order for it to be distinguished from them." kaswal na sagot nito at sumubo.

"Lauren, kumain ka rin ng gulay." Wendy demanded. Nagkunwari si Lauren na walang naririnig at patuloy lamang sa pagkain ngunit wala na siyang nagawa nang tumayo si Wendy at isinalpak sa bibig nito ang kutsarang may lamang gulay.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon