>> • EAST • <<
Perfect!Pinagpagan ko ang pareho kong kamay mula sa alikabok at pinunasan ang namumuong mga butil ng pawis sa aking noo. I just finished moving all of the books and other furnitures in my room since some of it were taking too much space.
Now, all I need to do is ask anyone from our house to help me bring some of these boxes on the attic above. Dapat ay may klase ako ngayon, but my professor told me that he's not going to make it today. Dadalhin na lang daw niya ang mga hand-outs na kailangan kong sagutan bukas.
I'm at the same university with Jamila and West, but I'm the only one being homeschooled since Lola insisted that I should. According to her, it's a slightly better option to choose than going to university itself because I might have a hard time studying there due to my condition. I tried arguing with her that I need to experience college life with the university as my learning environment for the reason that the experience could come in handy someday, after I graduate in Education.
But she's more persistent than I am, so I lost. I have no choice since siya ang nagpapaaral sa 'ming magpipinsan. That's why I'm stuck here at home.
Aside from being pestered by boredom, another causal why I decided to fix my room is that I have a personal visitor coming.
Lumabas ako sa kuwarto habang nakapatong sa aking hita ang ilang patong ng mga kahon. Kumatok ako sa katabing pinto at naabutan ang pinsan kong si Claudia na may hawak na blower.
"East! Ano ba 'yang mga dala mo? Daig mo pa maglalayas, ah?" sunod-sunod niyang litanya at itinapat sa kaniyang buhok ang blower.
"Papatulong sana ako sa 'yo na magbuhat nito papuntang attic." paliwanag ko.
"Sissy, you do realize what you're requesting, right?" she said as she gestured her hands from her head to toe. Pinasadahan niya rin ang kaniyang labi na halos hindi na matukoy kung anong shade ng pulang lipstick ang nakalagay sa sobrang kapulahan.
"Malakas ka naman, eh!" saad ko at sinubukang sundutin ang braso nito ngunit agad niya rin itong iniwas sa akin. Pinandilatan niya ako ng mata at tinampal ang aking daliri.
"Sige na~" I asked her in a pleasing tone.
Napalitan ng pagkabusangot ang kaniyang mukha, "Teka, tawagin ko na lang sila West. Nasa'n ba yung kakambal mo?"
"May pasok siya."
Napakamot siya ng ulo at pumunta sa mga sumunod pang kuwarto.
"Storm! Lumabas ka d'yan! Tulungan mo si East magbuhat dito. Babayaran na lang kita."
"Magkano?" dali-daling sumulpot ang ulo ni Storm sa pintuan ng sarili nitong kuwarto.
"Basta. Tulungan mo—"
"East! Apo! May naghahanap sa 'yo rito sa ibaba!" rinig kong tawag ni Lola.
"Sino raw?" tanong ko pabalik.
"Aero, ikaw pala hijo! Pasok ka."
"Sandali lang kamo, Lola! Itataas ko lang 'to!"
Nabigla naman ako nang biglang buhatin ni Claudia ang mga kahon at tila ba nagpaparinig pa, "Tara na, sissy! Tutulungan na kitang magbuhat ng mga 'yan kasi mukhang nabibigatan ka na!"
Buong lakas nitong binuhat ang dalawang kahon, halos lumitaw na ang mga muscles nito sa braso.
"Ako na magbubuhat, sayang yung bayad." pagprisinta pa ni Storm ngunit tinabig lamang siya ni Claudia.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...