>> • EAST • <<
"Are you sure you're okay coming with us?"
I grimaced from outside the car door and nodded. Nauna nang lumabas sina Lauren upang tulungan akong bumaba.
"I appreciate your efforts to help me." saad ko sa kanila.
"No worries. We always got you." sagot ni Lauren at luminga-linga sa paligid. "And also your twin brother."
"Bakit nga pala hindi sumama si Wendy?" tanong pa niya.
"Baka raw hindi siya makapagtimpi at kung ano ang magawa niya kapag sumama siya sa 'tin. Binisita niya rin si West." sagot ko.
"Ako na muna ang bahala rito sa sasakyan. Kapag nagkaproblema, tawagan niyo 'ko." saad ni Tohru at isinara ang pintuan ng sasakyan.
Walang imik na naunang naglakad si Baldo patungo sa eskinita.
"What's wrong with the baldy?" biglaang tanong ni Aero.
"Maybe it's his time of the month." natatawang sagot ni Lauren. "Kidding. I invited him at our house for next week's party. He thought he's the only one that I invited, then he discovered that some of my suitors were also coming in my Mom's request."
"I don't think that would be a good idea. The party would seem be a bloodfest between gathered alpha males." Aero remarked. "Not to mention that baldy is barbaric towards anyone whom he sees rival. I wonder if your house would turn into a crime scene."
"I'm hoping you won't jinx it. I really hope so." she nonchalantly replied. "Plus, I don't think Baldo's that hostile."
Aero shrugged his shoulders and followed Baldo.
Sinundan ko sina Aero na nauna nang dumiretso sa eskinita. Nagawi ang tingin ng mga residente roon sa 'min habang binabagtas namin ang pinakadulong bahagi nito.
Maraming bata sa gilid ang may dalang kani-kaniyang kariton habang nagkakalkal sa basurahan. May mga nadaanan din kaming matatanda na nakatanaw sa 'min. Sinubukan kong iwasan ang tingin ng mga ito at sumulyap sa langit, pero ang tanging bumungad lamang sa 'kin ay ang halos magkabuhol-buhol nang mga kable ng kuryente na halos hindi na matukoy kung saan nakakabit.
Nang makalabas kami sa barung-barong ay tumambad sa 'min ang tulay na gawa sa pinagbigkis-bigkis na kawayan. Napakaraming liko-liko kung saan ito'y nakakabit sa mga bahay sa ibabaw ng kulay lumot na laot. Masiyadong malakas ang ihip ng hangin at maririnig ito sa lagitik ng mga lonang nakasabit sa isang bahay na nadaanan namin.
Huminto kami sa harap ng isang barung-barong. Punong-puno ito ng panapal na tarpaulin na may mukha ng mga pulitiko.
"Ako na." pagpiprisinta ni Aero at kumatok sa pintuan. Ilang katok pa bago ito binuksan ng nakatira roon.
Hinarap kami ng isang babaeng may kalong na bata. Rumehistro ang gulat sa mukha nito nang maaninag ako.
"Anong ginagawa mo rito?! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito matapos niyong ipakulong yung asawa ko!" nagpupuyos sa galit siyang sumugod sa 'kin ngunit agad siyang naharang ni Aero.
"Aero..." tawag ko sa kaniya at sumenyas ng iling.
Nag-aalangan man, umusod siya papalayo sa babae. Halos mawalan ito ng balanse nang biglang gumalaw ang kalong nitong bata.
"Gusto kong magtestimonya ang asawa mo para mai-urong ang kaso sa kapatid ko." seryosong wika ko.
She scoffed at me as if I'm cracking a stupid joke. "Mainam kang bata ka. At bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi mo ba alam na dahil sa inyo, ilang araw nang walang kinakain ang mga anak namin?"
Wag kang mananakit, Esther.
Wag kang mananakit, Esther.
Wag kang mananakit, Esther.
"Hindi mangyayari 'to kung hindi sinimulan ng asawa mo." sumbat ko pabalik. "Wala kayong karapatang umaktong kayo ang biktima dahil ang kakambal ko ang tunay na —"
"Wala akong pakialam kahit mabulok pa sa kulungan 'yang hayop mong kakambal! Maganda nga 'yon! Patas na sila, di ba?" pagsapaw niya sa pagsasalita ko. "Lumayas-layas kayo sa harapan ko bago magdilim ang paningin ko—"
Isang matunog na sampal ang dumapo sa mukha ng babae. Noon ko lang namalayan na nasa harapan ko na si Lauren.
"Lauren—"
"Nakakahiya ka. Naririnig pa naman ng anak mo 'yang mga lumalabas sa bunganga mo." matiim ang tinig na sambit nito.
Bumaba ang bata sa pagkakahawak sa kaniyang ina at sinugod si Lauren ngunit mabilis itong nahablot ni Aero. Pilit itong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito at sumubok na kagatin ito ngunit nahawakan ni Aero ang panga niya.
Akmang sasabunutan na ng babae si Lauren nang napigil ni Baldo mula sa likuran ang kamay nito.
"Bitiwan mo 'ko! Arghhhhhhh!"
Hindi nagtagal, natawag ang atensyon ng iba pang mga residente kasama ang kumpol ng mga humahangos na tanod. Dahil doon, pare-pareho kaming natawag sa barangay hall.
Nangingiyak na ang babae kasama ang kaniyang anak na kanina pa kami sinasamaan ng tingin.
Kahit anong pagkausap ang gawin sa kaniya, isang bagay lamang ang paulit-ulit niyang sinasabi.
"Nanghohold-up ang asawa ko, inaamin ko na... pero hindi siya kailanman humipo ng droga! Kahit sumpain niyo pa ako at ang pamilya ko, hindi niya magagawa 'yon!"
"Kung kaya niyang manghold-up, hindi malabong kaya niya ring gawin 'yon." saad pa ni Aero.
He's right. We wouldn't know how deep a desire can run in a heart. Maybe the woman's telling the truth— the "truth" that she believes is the truth.
"Kaya lang nagagawa ng asawa ko 'yung gano'ng bagay ay dahil gusto niyang maitawid yung pamilya niya. Kahit na mas malaking pera ang ibibigay sa kaniya ng droga, palagi siyang tumatanggi!" katuwiran pa niya.
This is getting us nowhere.
"Ano nang balak mo, East?" tanong ni Lauren.
"Kailangan nating marinig yung side ng asawa niya bago tayo magdecide kung magsasampa pa ba kami ng dagdag na kaso sa asawa niya." I retorted as I sunk in my wheelchair. "If we act without thinking, we might only involved innocent people."
"You think they're innocent?" sabat naman ni Baldo.
"Anyone is innocent until proven guilty—" I halted for a moment upon realizing what I just said. "— that's what my twin brother used to tell me whenever he's... he's... reading Law and Criminology books."
Lauren's arm welcomed me as I'm about to tear up.
What if we hit the dead-end and won't be able to find the truth about what really happened? What if West will spend the rest of his time there instead of studying to be an exemplary police?
Thinking about him, deep inside, I'm wishing he's fine out there. How I wish, but the thought of justice not being enough to erase the nightmares that are going to haunt him because this happened left me unsettled.
"Hush down, East.." Lauren whispered softly. "You know your brother, and you know how tough he is."
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...