Chapter 17 - Fade to Ashes

37 2 0
                                    


>> • LAUREN • <<


Pinilit kong gumising ng maaga para lamang hindi maiwan. Nagprisinta kasi si West na sinabihan na niya ang kanilang family driver na ihahatid kami sa venue ng photoshoot.

I made sure that I'll look presentable, a little bit. That's because I don't really think I need to be too formal since si Tohru naman ang pakay ng COSMOS Clothing Co.

I wore a sleeved cerulean-colored floral dress that's not too long and not too short. I let my hair go loose for today since it's always tied up. Sinuot ko rin sa aking leeg ang pendant na matagal ko ring hindi nagamit at nanatiling nakatabi sa cabinet ng matagal.

Sa entrance ng kumpanya ay naabutan na namin ang ilan sa mga miyembro ng Sewing Club. Una kong hinanap sa kanila si Tohru sa pag-a-akalang kasama siya ng mga ito, knowing na may van din ang club nila.

While waiting for him, we've decided to exchange pleasantries along the way. The chatter didn't last for too long dahil sa tinawag na sila ng mga staffs. Ang ilan naman sa kanila'y dinala kami sa Waiting Room habang naghahanda na ang lahat.

"Nacontact mo na ba siya?" tanong ko kay East.

"He's not picking up. Looks like his phone's turned off." wika niya at sinubukan ulit na i-dial ang numero.

"Is Tohru going to be okay? Magsisimula na yung photoshoot then interview na pagkatapos. Kapag hindi pa siya dumating ngayon, baka wala na siyang abutan!" nagpa-panic na usal ni Wendy habang nagpapabalik-balik sa paglalakad, kagat-kagat ang kuko.

"You need to calm down." pagpapakalma ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya natitinag.

"Maybe he wants to have his own entrance. You know, like most show protagonists do. It's really weird when they do that, like, may meeting pa ba silang dinaluhan bago makarating sa mismong— Aww!" napahawak na lamang si West sa kaniyang anit na muntik nang punitin ni Wendy.

"Being pessimistic won't help." turan ko, ngunit maski ako'y hindi rin mapigilan ang nararamdamang kaba.

It's unusual for Tohru to turn off his phone unless the battery's drained. And if he does, he usually opens it immediately after recovering to at least ten percent.

Maya-maya pa'y biglang bumukas ang pinto. Tila ba nabunutan kami ng tinik at dali-daling lumapit doon sa pag-a-akalang siya na iyon.

Tila ba napagbagsakan kaming lahat ng langit at lupa nang ang tumambad sa amin ay isang staff na pinapatawag na kami sa set. Muling bumulusok sa aking kalooban ang kaba.

Sa sandaling nagsimula na sila sa pagkuha ng mga litrato sa set ay hindi ko magawang mag-focus sa panonood sa kanila. Paniguradong ganoon din ang nararamdaman nila Wendy, na kanina pa walang imik sa kabila ng kabi-kabilang pagkisap ng mga camera.

"Okay, nice shots! Proceed sa preparation ng interview." senyas ng director habang sinisilip ang kuha ng mga cameraman. Nakisilip na rin kami at binati ng 'congratulations' ang mga members ng Sewing Club.

"Mukhang hindi na namin mahihintay si Tohru, sorry." bungad ni Mia sa akin, ang kanilang Club Auditor.

"That's okay." I forced myself to plaster an awkward smile. "What's important is that everything goes well without a hitch."

Ano man ang ginagawa ni Tohru ngayon, o kung nasaan man siya, I'm  sure that he'll be the most exhilarated among us all. Of course, he wouldn't want to miss every single one of these moments.

Hindi nagtagal ay agad namang napalitan ng panibagong background ang set at abala ang mga staff sa pagsasalansan ng upuan.

"We're so delighted for giving us an opportunity to make it here. For all of us, it's like a dream come true." panimula ng President ng kanilang club.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon