>> • LAUREN • <<
"Nakita niyo na ba siya?" tanong ko nang magkita-kita kami sa park ng Academy. Napag-usapan namin kaninang break kung saan siya puwedeng hanapin."Negative."
"Maybe if we shout 'ayawan na', baka bigla siyang lumitaw."
"We're not playing hide and seek, West. Masama ang loob ni Wendy." saway sa kaniya ni East.
Ginugol namin ang oras ng uwian sa paghahanap sa kaniya. Nahalughog na namin halos lahat ng mga lugar na pinagtataguan niya sa campus kapag masama ang loob niya.
"Maybe she's locking herself in her dorm." pagbabaka-sakali ko.
"She's not like you, Lauren. She'd prefer on going on places where she thinks no one can find her." paliwanag ni West.
"Chineck ko na rin kanina roon. Naka-lock yung dorm niya then noong sinubukan kong buksan gamit yung spare key niya na hiniram ko sa'yo, walang tao roon." dagdag ni Tohru.
"Kung sa labas siya ng Academy nagpunta, mahihirapan tayong hanapin siya."
"Okay po, bye." ibinaba naman ni East ang phone niya at tumingin sa amin. "Wala raw siya sa kanila, sabi ng papa niya."
Napabuntong-hininga na lamang ako at naupo sa bench. If only we've analyzed the situation further, then maybe things wouldn't come to this.
"We know na may mali rin si Wendy sa ginawa niyang approach doon sa mga talent scouts, pero mali rin naman na ikalat pa yung video at ipakita sa iba yung mga usapan na dapat ginagawa in private." I pondered.
"Yeah, right. Nasanay lang tayo sa ugali ni Wendy kaya hindi na mukhang big deal sa 'tin kung may laitin man siya o sungitan sa campus. Come to think of it, there are pros and cons sa attitude niya. Dahil sa prangka siya, nagagawa niyang i-express yung lahat ng gusto niyang sabihin." Tohru evaluated.
"Pero dahil sa prangka siya, may mga taong ayaw sa kaniya dahil sa gusto lang ng mga 'to na umakto siya ng naaayon sa gusto nilang makita." saad ko.
Nag-dial sa kaniyang phone si West at nang makarinig ng ilang ring ay lumapit kami sa kaniya. The receiver picked up the call but West didn't place his phone near his ear, instead he just held it.
"Oh, hey Wendy-" naputol ang linya ang sa kabilang side. Mukhang binabaan siya nito.
Umiling na lang sa amin si West. Napabuga na lamang ako ng hangin.
"Got it." nakangising wika ni West sa amin at ihinarap sa amin ang kaniyang phone.
"Got what?" tanong ni Tohru.
"Her location."
Napatayo ako sa aking kinauupuan. "Paano mo nakuha?"
"I dialed her number sa isa kong phone," sagot niya. "Kung tinawagan ko siya sa isang phone ko na may sim no. na nakaregister sa kaniya, malamang hindi siya sasagot."
"You should have distorted your voice a little when she picked up." suhestiyon ni East.
"Nope. I suck at mimicry and voice distortion. Isa pa, baka i-report niya sa mga pulis bigla yung number, presuming that a stalker's been calling her." katuwiran ni West. "I opened a tracking software on my phone before setting up a call."
"Anong sabi sa location?" tanong ko.
"Astra Academy." basa ni Tohru sa label na nakalagay sa phone ni West.
"We're looking for the accurate location." East demanded.
"Arts Club's abandoned building."
We're too clueless to assume that she's possibly lurking in that place, given that it's Baldo's territory.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Roman pour AdolescentsDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...