>> • LAUREN • <<
"As of today, mayro'n tayong limang bagong recruits. Siguro naman ay na-orient na rin kayo last, last week tungkol sa magiging isa sa mga priority ninyo rito sa university."I am reminded of some familiar faces that I presume that I've seen before. They act differently when they're on other teams compared to now that we're on the same side of the fence. Yung iba sa kanila, kinakausap ako at sinasabing kilala nila ako at nakalaro ko raw sila. Nahihiya na lamang akong sumang-ayon kahit na hindi talaga ako sigurado kung ano-ano ang mga pangalan nila.
Umaalingawngaw sa buong court ang matinis na boses ng di umano'y bagong coach daw namin. Masiyado siyang maraming sinabi kanina tungkol sa mission, vision at objectives ng team pero kahit isa wala akong natandaan.
Pabalik-balik lamang siya sa paglalakad sa harapan namin. Sa tingin ko, singkwenta anyos pa lamang siya. Umaalon-alon ang buhok niyang pilak na pilit ikinubli gamit ang blonde na hair dye na lagpas sa balikat. Bahagya ring tumatalbog ang nakalawlaw nitong pisngi buhat na rin ng katandaan. Halata sa balat nito na gumagamit ito ng concealer ngunit may ibang bahagi ng kaniyang mukha at leeg na hindi natakpan ng ayos kaya kitang-kita ang malaking pagkakaiba ng kompleksyon ng kaniyang balat.
Nakasuot siya ng pink na polo at blue na jogging pants bilang pang-ibaba. Branded din ang suot niyang Nike Zoom Shift na sneakers.
Naalala kong sinubukan kong maghanap ng gano'n dati, ang kaso, pinagbawalan ako ni Mom na mangolekta ng napakaraming sapatos dahil hindi naman daw gano'n karami ang paa ko.
Still, I'm secretly eyeing for new brands since I know qualities are always improved for every new release. Napatingin ako sa paanan ng mga katabi ko at nakitang branded din ang kanila. Mayroong mga nakasuot ng Under Armour, Adidas at iba pa.
Nalipat naman ang tingin ko sa suot kong customized na sapatos na galing pa sa Astra. It's quite ironic that I wore this in a university other than AU.
Astra University was just a few blocks away from the Academy. It has the same name, but the founders and sponsors chose to prioritize college rather than to supervise lower grade levels that's why it's been divided into two units.
Their players are exceptional. Nakita ko na kung paano maglaro ang mga college students sa university na 'yon. But they're not competent enough to join the season since they're just conducting it as a subject activity. They're lacking equipments, facilities and players doesn't commit to it. That's why I went to Polar Lights.
"Ikaw."
Nabalik ako sa katawang lupa ko nang ituro ako ni Coach. Tiningnan ko lamang siya nang may halong pagkalito.
"Ako po?" itinuro ko ang sarili ko.
"Oo, ikaw. Nakikinig ka ba?" pagsusungit pa nito sa 'kin.
"Opo." naiilang na sagot ko. Masiyadong matalim ang mga titig niya kaya kahit sino siguro'y mahihirapang tapatan ang mga itinatapon niyang tingin.
"I saw you in one of the matches last year." aniya.
Oh, she must be talking about the match that I lost last year. Every year naman akong natatalo kaya hindi ko alam kung anong match ang tinutukoy niya.
"You've got potential. To think that you covered for your team as the captain is an amazing feat." komento niya.
"Eh?"
"But, it doesn't mean that you'll be pampered and will be treated as a VIP. No, no, no." dagdag niya at sinabayan ng pag-iling. "Everything is back to zero. Kailangan ninyong paghirapan ang lahat ng validation na kailangan ninyo para matanggap kayo sa official team."
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...