Chapter 21 - Seized and Subsided

32 2 0
                                    


>> • LAUREN • <<

"Hindi ko alam kung ano na lang ang mangyayari sa 'min ng Papa ko kung hindi kayo dumating." wika ni Tohru at dumungaw sa bintana.

Napag-isipan naming bisitahin siya after ng school hours sa hospital. Kasalukuyan pa rin siyang nagpapagaling ngunit unti-unti na rin nitong makapagsalita muli. Sinabi ng doktor na baka matagal pa bago tuluyang makabalik si Tohru sa kaniyang normal na kondisyon.

Nasa labas ang Papa niya na umalis kasama ang kaniyang mga ka-trabaho kaniyang salon upang bigyan kami ng privacy. May kalalaan din ang natamo nitong mga sugat at kada araw ay nakakarecover na rin ito. Tuwing dumadalaw kami sa kanila ay palagi namin siyang naaabutan na nagbabantay kay Tohru.

Afterall, siya na lamang ang mayroon si Tohru sa kanilang pamilya. Tohru's mother passed away giving birth to him. Years passed, Tohru's father discovered to himself that he's gay and tried telling his kids, believing that it's better to tell them early.

The reason why he's not with Tohru all these time is because Anthony banished him when he found out that their father is gay. Anthony felt humiliated ever since he was a kid when other kids teased him for that. And so, he strived to get wealthy and soon disowned his father.

Hindi nagtagal, nagsimulang paghinalaan si Tohru na baka kagaya rin ito ng tatay nila mula noong nakita niya itong gumuguhit ng mga disenyo ng mga bestida at iba pang uri ng mga damit na nakikita niya sa mga magazine. Ever since, he started beating him up to whip him on shape while he's still a kid.

Speaking of Anthony, kasalukuyan itong nakakulong matapos makitaan ng ebidensiya ng pang-aabuso kila Tohru at sa iba pang mga babae. Tohru's father must've been feeling relief knowing that he can now watch over his son without the harm.

"After the troubles that I caused all of you. I don't think I can come back—"

"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa amin noon?"

Natigilan naman si Tohru sa tanong ko. He plastered a dry, awkward smile on his lips.

"May sari-sarili tayong buhay. Hindi ko puwedeng i-asa na lang sa inyo lahat ng solusyon sa problema ko. Sobrang laki na ng utang na loob ko sa inyo." bahagya siyang napayuko.

"It's not like naniningil kami or anything. Kung kaya naming ibigay yung makakaya namin, bakit hindi?" wika ni West.

"Nakakahiya na lang kasi kapag iniisip ko na hindi ko kayang bayaran yung utang na loob na 'yon." naiilang na saad ni Tohru.

"Tropa tayo, di ba?" ani West. "Hindi ka naman iba sa amin. Wait, bakit puro ako lang ang nagko-comfort sa kaniya?"

I still recall what happened after Tohru walked out of the Archives' Section.

"Ano? Hahayaan na lang ba natin siyang gan'on dahil lang sa 'nangyari na ang hindi inaasahang mangyayari'?" panggagaya ko sa litanya ni West.


"Hindi pa tayo tapos doon sa isang giyera tapos nagsisimula ka na naman ng panibago, Lauren." naiiling na wika niya. "Sinabi kong wala na tayong magagawa para baguhin 'yon, pero wala akong sinabi na tatanga lang tayo rito."

Ipinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib. "Ano namang balak mo? Lahat ng gagawin nating pangingialam, kay Tohru pa rin ibabawi ng kapatid niya."

Natigil kami sa pag-uusap nang biglang tumunog ang phone ni Wendy. Hindi ko na sinilip kung ano man ang naging dahilan ng tunog nito, ngunit mukhang kakaiba ito base sa reaksyon niyang hindi maipaliwanag.

She slid her phone on the table.

"Tohru's father. He's asking for help." paglalahad niya.

"Tulong saan?" tanong naman ni East.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon