Sampung katok.
Akala ko'y hindi lalagpas sa tatlo ang maririnig ko kung kaya't hindi ko ito binuksan. Ngunit sa sampung malalakas na katok na iyon, kilala ko na agad kung sino ang nasa labas.
"Sa wakas, lumabas ka rin sa lungga mo. Hanggang kailan mo balak magpaka-depress diyan?"
Napasimangot na lang ako sa sinabi niya. Parang hindi kami magkaibigan kung makapagsalita.
"Ang bongga ng ayos natin, ah? Saang burol ka naman pupunta?" wika ko habang nakatitig sa suot niyang itim na shades, itim na coat, itim na rubber shoes, itim na shirt at finally, maong na pants.
Ihinambalos niya sa akin ang hawak niyang payong. "I don't want to hear that from someone who looks like she's just risen up from her grave."
Iritable siyang pumasok sa dorm ko at binuksan ang ilaw sa loob. Kahit nakatalikod siya, alam kong hindi maganda ang reaksiyon na mababakas sa kaniyang mukha.
"Lauren! Ang laki-laki mo na, burara ka pa rin. Ganoon na lang ba ang epekto sa'yo ng issue ngayon?" patuloy lamang siya sa pagtatalak na hindi ko na pinakinggan.
Kahit na nagtatalak siya'y sinasabayan niya ito ng pagliligpit sa mga kalat na hindi ko naman siya inutusang ligpitin.
"Hindi naman ako nagkukulong dahil sa nangyari last, last week." sabat ko.
"Yeah, right. As if namang maniniwala ako kapag dine-deny mo." aniya at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Bumuntong-hininga na lamang ako sa kaniyang mga sermon. Kapag kasi nakikinig ako sa kanya, either tinatamaan ako ng konsensiya o ng pagka-irita.
"Bakit mo ba ako pinipilit lumabas ngayon, Wendy? Wala ako sa mood." tanong ko at pinagkrus ang aking mga braso habang pinapanood siyang magligpit.
Pwede na talaga siyang mag-asawa sa lagay na iyan.
"Hindi kita puwedeng hayaan dito na magkulong at ibalot ang sarili mo sa kumot na para bang isa kang lumpia." masungit na sagot niya.
Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido at tiningnan ako nang nakakunot ang noo.
"Don't tell me, hindi ka pa rin nakaka-move on?" tanong niya. "For Pete's sake, Lauren! May next season pa!"
Itinaas ko ang dalawa kong kamay at alam kong naiintindihan na niya ang meaning noon.
She's just telling me about it indirectly since it will ruin my mood more if she got it straight out of her mouth.
"Walang mangyayari sa akin kung palagi ko na lang iisipin na mayroon pang next time." sagot ko.
"Hay." tumayo na siya at pinagpagan ang kaniyang kamay. "Ayan, hindi na siya mukhang dorm ng serial killer."
"Hey, whose dorm do you think you're calling a serial killer's?"
"Yours." saad niya."Bakit hindi mo subukang mag-aral ng gawaing bahay? Kung umasta ka kasi para kang may katulong."
"I just don't feel like doing general cleaning today-"
"That's the exact same thing you said yesterday. Tinatamad kang magsipag pero sinisipag kang maging tamad."
I just rolled my eyes. I don't understand her metaphors at all.
"So? Bakit pinipilit mo ulit akong lumabas?" pag-iiba ko sa usapan.
"Night phase ngayon ng School Festival, ah? Wala kang balak um-attend?" tanong niya.
"Tingnan mo 'ko." tugon ko.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
أدب المراهقينDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...