>> • LAUREN • <<
"So, you came. You didn't let us down, Miss Lauren." nakangiting wika ng school administrator at inihaya ang kaniyang kamay sa couch na nasa katapat ng kaniyang desk.
Nang makaupo'y inilapag ko sa aking hita ang mga required na papeles na hiningi nila bilang parte ng admission. The scent of the air conditioner welcomes its self upon my nose and I must say that unlike any other scents, this one's aromatic.
"Shall we get to business?" tanong pa niya. Tumango na lamang ako habang inililibot ang aking paningin sa paligid.
Tumikhim siya, "Okay, since you accepted the offer to be one of our resident athletes in this university. Your full time scholarship is now guaranteed and granted."
It's not like I came for the scholarship. So far, I haven't experienced concerns with financial situations. The sole reason why I came was because this is one of the universities out there that provides opportunity for Women's Basketball.
This takes me back at that time when Wendy asked me about my plans while we're preparing for the graduation.
"Lauren! Anong kukuhanin mong course sa college?"
"Hindi ko pa alam. I haven't given it much thought yet."
"Ano ka ba naman? Bukas, ga-graduate na tayo. Tapos wala ka pa ring plano?" nakapamaywang siyang humarap sa 'kin nang matapos niyang isabit sa gilid ng kaniyang higaan ang susuutin niyang toga.
"Maraming courses sa college. Sa dami nila, hindi ko alam kung alin yung talagang suited para sa 'kin." ibinagsak ko na lamang ang aking sarili sa higaan at tumingala sa kisame.
"E' di mag-Business Ad na lang tayo!" sabik niyang saad.
"Hindi ko alam, Wendy. Lately, puro walang kasiguruhan ang mga desisyon ko. Like, sa tuwing titimbangin ko 'yung mga choices na mayroon ako pati na rin yung consequences, parang halos lahat sila hindi ko nakikitang umaayon sa gusto kong mangyari."
Napabuntong-hininga na lamang siya at naupo sa harapan ng piano sa may pintuan. Walang anu-ano'y tila ba may sariling isipan ang kaniyang mga daliri na bahagyang naglalaro-laro sa bawat tipahan. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakikinig sa melodyang nililikha niya, sa kabila ng kawalan ng ideya sa musika.
Hindi ko gaanong maulinigan ang kaniyang mga sinasabi, ngunit nang bahagyang humina hanggang sa huminto ang kaniyang daliri, humarap siya sa 'kin nang magkakrus ang braso.
"Kung palagi na lang na magiging sigurado ang mga desisyon natin, lalo lang tayong magpapakampante hanggang sa dulo ng buhay natin. Hindi tayo masasaktan, hindi tayo masisiyahan, at higit sa lahat, wala rin tayong matututunan." saad niya.
"Nakakatakot lang kasi, na kapag mali yung pinili kong desisyon, habangbuhay ko siyang pagsisisihan."
"Ano namang nakakatakot sa pagsisisi?" aniya at sumandal sa piano na lumikha ng malakas na tunog. "Dahil ba sa araw-araw na bumabalik yung pakiramdam ng panghihinayang sa mga bagay na nasayang?"
Hindi na ako nakasagot. Ang tanging namagitan sa aming dalawa ay ang tunog ng mga kuliglig sa labas pati ang malakas na ihip ng hangin na nagpapalutang sa mga kurtina ng kaniyang bintana.
"Well, it's still your decision. I'm just hoping that you'll be able to decide before time gets ahead of you." dagdag niya pa.
Nabalik lamang ako sa aking sarili nang bumukas ang pinto sa opisina ng school administrator. Iniluwa noon ang isang matangkad na babae.
Her tantalizing smile was the first thing that piqued my attention, but it was sooner distracted by her wavy, bouncing, red hair locks. The sounds of her heels clicking towards the marble floor resonated throughout the floor.
Her physique seems to be built average, but her aura screams the same such as that of a dominant lion.
Without saying anything, inilapag niya sa desk ang isang makapal na clearbook at tinalikuran ang administrator. Natigilan ako nang mapansin kong nagnakaw ito ng sulyap sa akin kasabay ng malakas na paghawi niya sa kaniyang buhok bago umalis.
"Para talagang walang pinag-aralan ang batang 'yon. Pagpasensyahan mo na." saad ng administrator na natigilan din sa pagsasalita kanina. "Ilang beses na siyang nasabihan tungkol sa ugali niya. Ilang beses na ring ipinatawag ang magulang niya rito, pero mukhang wala talagang epekto."
"No, no, it doesn't really concern me that much." nahihiyang wika ko at ini-abot ang mga papeles sa administrator.
"For the sake of your own orientation, here's the memorandum containing the benefits of full time scholarship in this university." Siya naman ang nag-abot ng papel sa akin. Binasa ko naman iyon.
The benefits include potential admission and further promotions to National League's Rookie Drafts that are being held off-season, exclusion to tuition and miscellanous fees, incentives such as awards at the end of curriculum year, and profound recognition as alumna. Some of the benefits stated will take effect if the commitment to the objective of the scholarship remains constant until the graduating year.
Sinilip ko naman ang administrator at kita ko kung paanong magtaas-baba ang landas ng kaniyang mga tingin. Maya-maya pa'y sabik siyang bumaling sa akin.
"My daughter talks alot about you, Miss Lauren. Sa t'wing magsasalo kami sa kainan, ikaw lagi yung laman ng mga kuwento niya." wika nito.
Eh? Gaano katagal bang lumutang ang isip ko at parang sobrang layo naman ng topic na nadatnan ko nang makabalik ako?
"I-Is that so? I feel pleased that someone has taken a liking unto me." napatawa na lamang ako ng hilaw.
"The truth is, she's in your former team at Astra. Hindi gaanong madaldal si Honey, pero kapag usapang basketball, hindi siya nauubusan ng kuwento. That's why I decided to check on your records. Turns out you're related to Lorenzo Vergara, once known with the title, "The Catalyst"." tumayo siya at ini-alok sa 'kin ang kaniyang kamay.
Sinubukan ko namang abutin iyon kasabay ng pakikipagkamay.
"Polar Lights University is looking forward to thriving your potential."
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang usapan. Sa paglilibot ko sa PLU habang dala ang isang maliit na mapa, natanaw ko ang bukas na school gymnasium sa di-kalayuan.
It really brings back memories...
Hearing the registration of squeaking noises coming from the clashing footsoles and the gymnasium floor pulls me to a zone of nostalgia. Though incomprehensible, I can't help but to reminisce about the voices overcoming each other during practice and official game sessions back in Astra.
I bit my lower lip. I can't afford to tear up here especially when there's a lot of students around. They might think that I'm losing my mind.
I'm studying here, but I haven't decided which course will I take. Like two years ago, I still think of my future as a clean, blank, sheet of paper without marks of erasures and uncertain drawn lines.
Despite all of that uncertainties, there's one option that never made me skeptic hence, it's the only cleared path.
I never see myself anywhere else... anywhere but standing in the basketball court.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...
