>> • LAUREN • <<
"Naiintindihan niyo? Academy ang may responsibility sa inyong lima kung napahamak kayo ng gabing iyon. Hindi na kayo mga bata para umastang mga walang muwang sa school rules. Ayokong may mababalitaan akong mauulit na gan 'to. Warning pa lamang 'to sa ngayon, sa susunod na mahuli ko kayong umulit, ipapa-suspend ko kayo." wika ng dean.
Tumango na lamang kami nina Wendy.
Napatingala na lamang si Baldo sa kisame na para bang kinukuwestiyon ang sarili niyang presensya sa mundong ibabaw.
"Ikaw naman Baldo, masyado ka namang nawiwili sa paglabag ng school rules. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo. Palagi kitang pinagsasabihan na ayusin mo ang buhay mo dahil wala kang patutunguhan kapag pinagpatuloy mo 'yan. Noong isang araw lang, sinumbong ka ng mga kaklase mo na may binubugbog ka raw na freshman. Kahapon lang, may nagsumbong na naman na nanggulo ka raw sa cafeteria. Hay naku Baldo, sumasakit ang ulo ko sa 'yo." wika ng dean at napahilot na lamang sa kaniyang sentido.
"I don't need your fake concerns." masungit na sagot ni Baldo na tumayo na.
Napabuntong-hininga na lamang ang dean. "Oh sige, pwede na kayong lumabas. Basta tatandaan niyo yung sinasabi ko sa inyo, concern lang ako sa future niyo."
Naunang umalis si Baldo at padabog na isinara ang pinto."Ang batang 'yon, kailan kaya magtatanda?" rinig kong bulong ng dean sa sarili.
Nang makalabas kami ay agad kaming dumiretso sa cafeteria upang ikain ang stress na nakuha namin sa sermon.
"Nakakainis minsan ang pagiging adventurous mo Wendy." wika ni Tohru at isinalpak sa bunganga niya ang isang hamburger.
Hindi kame nakapasok sa halos lahat ng period dahil pinag-community service muna kaming lima pagkatapos kaming kausapin ng dean. Buong araw kong tinatago ang mukha ko sa karagdagang kahihiyan.
Kahit na tingin lamang ang nakikita ko sa ibang tao, alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila.
Naunang matapos si Baldo kanina at agad na umalis. Feeling ko'y naiirita pa rin siya sa nangyari noong school festival.
Last period na rin naman kaya naisipan na lamang naming hindi muna pumasok at mamahinga na lamang kahit hindi tama.
"Ngayon niyo pa 'ko sinisi mga hinayudas kayo," singhal ni Wendy sa amin. "Fine. I can't help but be thrilled by that time, you should thank me for at least giving color to your festival experiences."
"I don't see the point of the three of us giving you our gratitude." sagot ni West nang hindi man lang siya nililingon at patuloy lamang sa pagkain.
Balimbing.
"Hay, kailan nga ba ako napasalamatan dahil sa ginagawa ko? Baka pati ikaw Lauren, gano'n din ang iniisip mo. Spill it out." baling naman niya sa 'kin.
"Wala naman akong iniisip na kung ano ngayon. Gusto ko lang kumain ng payapa. Though ikaw yung namilit sa akin na lumabas sa dorm." wika ko at akmang susubo na ngunit bigla na lamang akong natigilan.
Paano ba naman ay biglang dumaan si Baldo sa gilid namin at may hawak na tray. Pumwesto siya sa lamesa sa bandang dulo na nasa tabi ng bintana at doon kumain.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...