Chapter 11 - Two-Faced

65 3 3
                                    


>> • EAST • <<


Sinipat ko ang camera na nasa mga kamay ko at hindi nananawang tingnan ang mga video at pictures na nakuha ko mula kila Lauren noong nakaraang fashion show ng club nina Tohru. Ang cool talaga nila tingnan kahit na noong pinapanood ko sila offstage.

"Can't get enough of them?" biglaang tanong ni West habang tinutulak ako sa wheelchair. Mukhang napansin niya na hindi pa naaalis ang tingin ko sa camera mula noong nahawakan ko ito.

"Yup. You look outrageous without that outfit." pasaring ko.

"I want to remind you that we're twins. Any insult implied by one of us will be reflected back like a mirror." saad niya ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.

"You think we still have enough time to make it to Lauren's game?" pag-iiba ko sa usapan.

"Sabi niya magsisimula daw yung practice game at nine o' clock. Alas diyes pasado na."

"If it weren't for some sleepyhead, we won't be late." parinig ko pa. Wala namang dulot ang pagiging tulog-mantika niya.

"I was up all night reading Criminology books and novels." palusot niya.

"Sus."

"I'm wondering—"

"Shut up." pagputol ko sa sasabihin niya. Ayokong sumakit ang ulo ko ngayong umaga.

"Pinatapos mo sana ako."

"Fine."

"Kapag ba ang Amerikano palaging hindi nakakasunod sa oras ng usapan, 'Filipino Time' pa rin ba ang tawag?"

"Okay, you may now shut up. I'd rather argue with a bunch of guys claiming that every anime and manga that goes popular will be immediately regarded as overrated." sagot ko at itinago ang camera sa sling bag.

Napansin kong nagkukumpulan ang napakaraming tao sa gymnasium kung nasaan sina Lauren. Hindi na kataka- taka dahil Sabado ngayon at ayon daw sa coach nila ay ngayong araw lamang daw bakante ang schedule ng Carson, which means marami ang makakapanood ng laro.

But, hindi sumagi sa isipan ko na mayroong isang tao rito sa Academy ang maaasahang makikita ngayon sa gymnasium.

"Baldo." I uttered.

"Where? I mean, huwer?"

"What are you doing?"

"I'm trying to pronounce 'where' with letter 'h'. Does it bother you that it has the same pronunciation as 'were' without 'h'—"

"Isa pang banat. Isasakal ko sa'yo 'tong strap ng sling bag ko." pagbabanta ko sa kaniya. He swiftly zipped his mouth even though he's aware that's an empty threat.

"You should also pronounce your 'what' earlier with huwa—"

Agad kong tinanggal sa pagkakasukbit sa balikat ko ang sling bag at ipinakita iyon sa kaniya. Muli naman siyang tumigil.

"I have no idea that Baldo's into basketball." wika ko.

"How did you know?" tanong niya.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon