>> • BALDO • <<
"Pang-ilang beses na kitang sinabihan, Barron. Huwag mo na ulit susubukang bunutin yung dextrose na nakakabit sa 'yo, ha?"Nagdilat ako ng mata at pupungas-pungas na inilibot ang aking paningin sa paligid. Everything is white from the ceiling and the tile floors. The beeping sound of the machine that I thought I'll never hear again is back. This reminds me of a certain memory.
Bumaling ako sa mga kamay ko at napansing mas lumiit iyon kumpara sa karaniwan. Napansin ko rin na napakaraming nakakabit na aparato sa braso ko.
Napangiwi ako nang maramdaman kong may humawak sa pisngi ko kasabay ng sapilitang pagpuwersa nito na ikiling ang ulo ko sa isang direksyon.
"Gusto ko pang mabuhay ka, Barron, anak. Aanhin ko na lang yung mga paintbrush, canvas, at mga pintura na nasa bahay kung wala ka?" tanong pa niya.
"Itapon mo na lang kung gusto mo." sagot ko at lumingon sa malayo, "Hindi na rin naman ako magtatagal. Puwede mo ring ibenta, para may pangtustos ka sa sarili mo."
Nagitla ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Gusto kong hatakin ang t*ng*n*ng dilang 'to para hindi na makaimik, pero hindi ko kontrolado ang sarili ko. I'm not even thinking about throwing them, yet why did I said those?
Naiiling na lamang siyang ngumiti sa 'kin, "Iniisip mo pa rin ba yung sinabi ng tatay mo sa'yo?"
"Hindi ko siya tatay."
"Barron, saan mo nalalaman 'yang mga lumalabas sa bibig mo?"
"Sa kaniya rin naman nanggaling 'yon." diretsahang sagot ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero para bang alam ko na kung ano ang eksaktong mga salita na itatanong niya.
"Huwag kang maniwala sa mga sinasabi niya sa 'yo. Nakakapagbitiw lang siya ng masasakit na salita dahil pagod siya." pang-aalo pa nito at pinisil ang kamay ko.
"Bakit ipinagpipilitan mo palagi sa kaniya yung sarili mo, Mama?"
Wala akong narinig na mga salita sa kaniya. Noon ko pa lamang siya binalingan. Nakayuko lamang siya at pinipigilan ang sarili mula sa pagkakakuyom ng kaniyang mga kamay sa kaniyang baro.
I already knew the answer.
I'm a selfish bastard that thinks nothing of his self. My mom never thought that this make-believe family was for her sake. All of it was for me.
"Nagugutom ka na siguro. Ano bang gusto mong kainin? Ibibili kita." pag-iiba niya sa usapan.
"Wala akong ganang kumain."
"Barron naman, hindi ka na makakalabas sa hospital na 'to kapag hindi ka nagpalakas—"
"Sa tingin mo ba kapag kumain ako gagaling na ako agad? Hindi gano'n kasimple yung leukemia, Mama. Kung pagkain lang ang gamot do'n, e 'di sana walang namamatay ng gano'n yung rason di ba?"
The beeping sound mediated in the silence that winded up between us. I can hear her trying to prevent herself from sniffing too loud.
"Gusto ko munang mapag-isa."
Hinalikan niya ako sa pisngi at bahagyang inayos ang gusot sa suot kong hospital gown, "Sige, lalabas muna si Mama ha? Kapag may kailangan ka, tawagan mo 'ko."
Pagkasabi noon ay tuluyan na siyang umalis. Bumalik ako sa pagkakahiga kahit na kumikirot na ang ulo ko dahil sa labis na tulog at tumingin sa mga iginuhit kong larawan na nakadikit sa dingding.
Hindi abo ang kulay ng buong mundo, kaya sinubukan kong gumamit ng iba't-ibang matitingkad na pangkulay. Madalas na nirerepresenta ng abo ang makulimlim na bahagi ng mga ipinintang obra upang linawin kung anong ekspresyon ang ipinahahayag ng may likha. Ngunit ang kahulugan ng bawat kulay ay tao lang din ang nagtakda.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...