>> • TOHRU • <<
Prente akong naupo sa isa sa mga bench habang naghihintay sa senyas ng mga officer na papasukin kami sa Waiting Room. Sa sasakyan pa lang kanina, kinausap na 'ko ni Papa kaya ngayo'y napilitan akong sumama sa kanila kahit na paulit-ulit ako kanina sa pagtanggi.Nang lumabas na ang nauna sa 'min ay pinatuloy na kami ng guwardiya sa silid. Kaaalis pa lamang ng inmate na binisita ng iba at inabisuhan kaming maghintay sandali habang tinatawag pa nila si Kuya.
Di naman nagtagal, dumating sa eksena ang isang lalaking nakasuot ng kahel na uniporme. Naupo ito sa harapan ko, habang ang isang salaming pader ay namamagitan sa 'ming dalawa.
Noong una'y hindi ako nito tinatapunan ng tingin. Palipat-lipat lamang ang kaniyang paningin sa bawat espasyo at sulok ng silid kung saan hindi ako mahahagip ng kaniyang mga mata.
"Aalis na 'ko. Isinama lang ako ni Papa rito kasi gusto ka niyang makita. Hindi mo na kailangang magpanggap na wala ako sa harapan mo." wika ko at akmang tatayo na sa upuan.
"Tohru..." tila ba may malaking bara sa kaniyang lalamunan nang tawagin niya ang pangalan ko. Nabalik akong muli sa pagkakaupo.
"Wala akong kuwentang Kuya, di ba?"
noon pa lamang niya ako tiningnan ng direkta sa mata. Bakas na bakas sa ilalim ng mga mata nito ang pangingitim, senyales na ilang gabi na 'tong hindi nakakatulog. Mapapansin din ang pamamaga ng kaniyang mga mata at baka nakipagbabag siya sa kapwa niya preso.Nanatiling malamig ang pakikitungo ng paningin ko sa kaniya. Ni hindi ko maatim na magkaroon ng maayos na usapan sa pagitan namin.
"Balita ko, patuloy ka pa rin sa paggawa ng disenyo ng mga damit." kaswal na wika nito habang pinaglalaruan ang mga daliri. "Sabi pa ni Papa—"
Nagtiim ang bagang ko sa pagkakarinig ng salitang iyon mula sa kaniya, "Wala kang karapatang tawagin siya ng Papa."
"Sorry. Nadulas lang ako." tugon niya at nanatili na lamang na walang imik.
"Naghihintay ang mag-ina mo sa labas."
Napamaang siya sa narinig. Halatang-halata sa reaksiyon niya na ngayon pa lamang niya nalaman ang balita.
"Mag-ina? Meron akong mag-ina?"
"Hindi pa ba nila sinasabi sa 'yo?" ipinagkrus ko ang aking mga braso, hindi binabali ang tingin sa kaniya.
Nakakatawang hindi niya inaasahan na mayroon siyang mag-ina gayong napakarami ng mga babaeng iniuwi niya sa bahay nitong mga nagdaang panahon.
"Hindi ikaw yung tipong tumatanggap ng responsibilidad, kaya naiintindihan ko yung desisyon ni Miss Regal na ilihim sa 'yo 'yon." dagdag ko pa.
"Balak ni Miss Regal na palakihin ang bata sa poder niya, kahit pa ibig sabihin noon na walang kikilalaning ama ang bata." pagpapatuloy ko pa. "Pero hindi pa rin pumayag si Papa, dahil gusto niyang lumaki yung bata ng may kumpletong pamilya. Baka makasama mo na sila kapag nakalabas ka na. Congratulations."
"Pasensya ka na, Tohru. Ayos lang sa 'kin kahit hindi mo tanggapin yung paumanhin ko. Alam kong hindi sapat yung salitang 'yon para makabawi ako sa 'yo." pumipiyok ang tinig na pagpaumanhin nito. Napayuko na lamang siya habang sapo ang kaniyang ulo, kasabay ng pagbuhos ng nag-uunahang luha sa sahig.
"Huwag kang humingi ng sorry sa 'kin dahil wala akong pakialam sa nangyari sa 'tin noon." wika ko, pilit na pinapanatili ang malamig na ekspresyon. "Bakit ka nga ba humihingi ng tawad? Dahil nahuli ka?"
Natigilan siya at kalauna'y umiling upang itanggi ang aking sinabi. "Hindi.. Hindi totoo 'yan! Gusto kong humingi ng paumanhin kay Papa dahil—"
"Dahil alam mong mahal ka pa rin niya at mapapatawad ka niya ng gano'n-gano'n na lang? O dahil sa gusto mong gamiting rason ang responsibilidad mo sa bata para makalusot ka sa kasalanan mo?"
Tila ba naputulan siya ng dila. Makikita sa mukha niya ang labis na panlulumo.
"Gusto kong humingi ng paumanhin kay Papa dahil sa napipilitan pa siyang dumalaw dito. Kung di lang sana ako lumaking ganito..." nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin habang mahina ngunit paulit-ulit na hinahampas ang nakakuyom niyang kamao sa salaming haligi.
"Si Papa..." ako naman ang nagsalita.
"Pinapatawad ka na niya bago pa man niya marinig mismo mula sa 'yo, alam mo ba 'yon?" may bahid ng pagkadismaya ang boses ko, "Palagi siyang naghahain ng tatlong kainang plato sa hapag kahit na dalawa lang kami. Kapag nasa simbahan kaming dalawa, palagi kong naririnig yung pangalan mo habang binubulong niya yung mga dasal niya."
Naramdaman kong bahagya nang nangangatal ang labi ko. Napakagat na lamang ako sa ibabang bahagi nito para lamang hindi madala ng bugso ng damdamin.
"Ayaw kitang patawarin dahil sa mga ginawa mong pamamahiya at pangbabastos sa kaniya noon..." hindi ko na mapigilan ang pagtinis at paghina ng tinig ko na kalauna'y nagdulot din ng pagkabasag dito. "...pero hindi ako gano'n kawalang-puso para tanggalan ng ama yung pamangkin ko..."
Tuluyan na siyang napahagulgol. Maya-maya pa'y sumenyas na ang guwardiya na lipas na ang oras na ibinigay sa 'kin upang kausapin siya.
Bago pa ako tuluyang lumabas ay nag-iwan pa ako ng iilang salita sa kaniya.
"Ingatan mo ang sarili mo. Hihintayin pa namin ang pag-uwi mo, Kuya."
Umakto lamang akong parang walang nangyari. Napatayo naman sa kanilang kinauupuan sina Papa at Miss Regal nang makita akong papalabas sa Visiting Room.
After the conjugal visit that happened, I felt like my airways become freer of intangible clogging than before. Bumalik din sa alaala ko ang family portrait na itinambak ni Kuya sa bodega, ilang taon na ang nakakalipas.
Nang makauwi ako sa bahay matapos ang klase, una kong tinungo ang bodega at hinanap iyon upang linisin.
Noon ko pa lamang napansin na masiyadong malawak ang mga haligi ng bahay namin. Isa-isa, ikinabit ko sa mga iyon ang mga litrato at mga picture frame na nakita ko.
I ran out of pictures to display, but there's still one corner of the wall left.
"I knew it." I muttered to myself.
Nagkukumahog kong ibinaba ang bag ko sa couch at kinuha ang phone ko roon just to check on our GC. As always, patuloy pa rin sila sa pag-iingay doon.
This is going to be a long night for me, my printer, and my time.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Подростковая литератураDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...