Chapter 38 - Buttonhole Stitches

1 2 0
                                    

>> • TOHRU • <<

I've never seen a mountain this near. During car rides from the memory of my younger self, all I can see way back is the silhouette of the mountains in indigo as the clouds danced around it from afar.

"Nandito na tayo, sir."

Hindi na ako umimik at sumunod sa lalaking nagtuturo sa 'min ng daan. Matarik ang daan at kahit iyong mga walang hika ay maninikip ang dibdib sa kapal ng nagliliparang alikabok tuwing humahangin.

I'm trying to get my grip together and not glaze at the majestic river running down several feet deeper from where we stood.

"Kuya, ano 'yong nandoon?" tanong ko at itinuro ang isang sirang kubo sa katapat na pisngi ng bundok sa di-kalayuan. Ang bahaging 'yon ay napapaligiran pa rin ng makakapal na puno at hitik na hitik sa sukal.

"Ay, ang linaw naman ng mata mo. 'Yong mga nauna rito, hindi napansin 'yung kubo na 'yon dahil nakakubli sa mga puno." lumapit ito sa 'kin at tinapik ako sa balikat kasabay ng pagturo sa kubo. "D'yan nag-a-aral 'yung mga bata rati. Tinatawid nila 'yang ilog sa ibaba." sinundan ng paningin ko ang ilog na tinuturo ng kaniyang daliri.

"Makikita mo sila noon, pasan-pasan 'yung mga net na dala nila. Minsan kahit malakas yung agos tumutuloy sila. Makulit 'yong anak ko, mapilit. Papasok daw siya kahit ang lakas ng bagyo, hindi na siya nakauwi." mahinang anas nito.

"Pasensya na po." ang nasambit ko na lang. Wala akong nakaimbak na salita para ipakitang sa kaniya na nakikisimpatya ako kung hindi iyon lamang.

"Ayos lang. Matagal na rin 'yong nangyari." ngumiti ito sa 'kin na para bang hindi nito nabanggit ang nangyari sa kaniyang anak. I feel bad.

"Madalas naiistorya yung lugar na 'to sa balita. May dumarating na mga reporter, minsan may kaunti silang inaabot pantawid ng kalam ng sikmura. Tinatanong din nila kung ano nangyari sa paaralan." saad nito habang patuloy kami sa paglalakad. "D'yan, nagkuta rin d'yan yung mga gerilya. Binomba nila 'yung lugar no'ng di pumayag 'yong maestro na itago sila ro'n kahit ilang araw lang. Natunugan nila kasi no'n yung mga sundalo ng gobyerno."

"Ano pong nangyari sa maestro?"

"Pinugot nila yung ulo." tugon niya. Kung iimagine-in ko ang sinabi ni Kuya ay parang gusto kong huminto sa isang tabi para pakalmahin ang bumabaligtad kong sikmura.

Magtatanong pa sana 'ko ngunit nahinto ako nang marating ang kabilang bahagi ng bundok sa pagliko. Ni hindi ako sigurado kung matatawag pa ba 'yong bundok ngayong kulang na lang ay mapulbos na ito.

"Mula no'ng lumayas 'yong mga gerilya, kung ano-anong proyekto na 'yung sinisimulan nila. Mayro'ng balak magpatayo ng planta ng kuryente ro'n, tapos mayro'n ding nangongontrata para kumuha ng panambak na lupa. Mayro'ng artista mula Maynila na magpapatayo ng mansyon dahil daw mainit yung bukal ng tubig sa paanan ng kabilang bundok." paliwanag niya at namulot ng mga patpat.

"Maraming nagsilayas na mga residente rito para manirahan sa lungsod. Minsan, kapag nadadaanan ko 'yung mga pawid na tinirhan nila na nakasara at wala nang tao, hindi ko maiwasang malungkot. Yung mga dati kong kasa-kasama sa pagsasaka at pag-aararo, nangangaunti na."

Matapos ang ilang oras ng paglalakad ay nakarating din kami sa kubong hinahanap ko. Nagpasya ang mga kasama ko na mamahinga muna saglit sa lilim kasama ang pamilya ni Jamila.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon