>> • LAUREN • <<
"Why are you crying, East?" tanong ko nang maabutan ko itong humihikbi sa Archives' Section. Naroroon din silang lahat, maging si Wendy. Nagtama ang tingin namin ngunit agad din namin itong binawi. Doon pa lamang sa kilos na iyon, alam kong iba na ang tingin niya sa akin."Ayaw niyang sabihin." saad ni Tohru na patuloy lamang sa paghagod sa likuran nito.
"Did your twin brother played a prank on you?" tanong ni Aero at kinuwelyuhan si West.
"Wala akong kinalaman sa pag-iyak n'yan. Hindi ko pa nga siya nakakausap mula kahapon." aniya, dahilan para bitawan ito ni Aero.
"Ano ba 'ko sa inyo?"
Natahimik ang lahat nang sa wakas ay magsalita na rin si East. Nabalot ng pagtataka ang reaksyon naming lahat.
"What do you mean, East?" tanong pa ng kakambal niya.
"Display lang ba 'ko sa barkadang 'to?" pagpapatuloy niya.
Why did she became like this all of a sudden?
"Barkada tayo. Pero bakit parang may dibisyon?" tanong pa niya. "I heard Wendy and Lauren yesterday, and I can't believe the both of you are willing to lose the friendship that we had for years."
Nanatili namang walang ideya ang mga lalaki sa mga pinagsasasabi ni East kaya't napatingin lamang silang tatlo sa amin ni Wendy.
"Totoo ba yung sinabi ni East?" tanong ni West. Wala ni isa sa amin ni Wendy ang nakasagot.
"Alam ninyo, naiinggit ako sa inyong lahat. Kahit na magkakabarkada tayo, nando'n pa rin yung katotohanan na may ka-close kayong tao rito na mas malapit sa inyo kaysa sa ibang parte ng grupo."
Patuloy lamang siya sa paghatak sa tissue roll na hawak at patuloy na pinapahiran ang mukhang namumugto.
"Si Lauren, malapit kay Wendy. Si Tohru, malapit kay West. Si Aero, malapit kay Lauren. Ako? Sinong malapit sa 'kin? Kayong lahat. Pero malapit ba ako sa inyo? Kung nasa isang barko tayong lahat, siyempre una niyong pipiliin yung pinakamalapit na mga kaibigan ninyo sa inyo."
Somehow, I feel bad for her. But I feel more bad that I just realized it now that she brought it up.
"Noong naggala kayo sa Night Phase Festival, hindi niyo ako sinama. Noong tinulungan ninyo si Tohru at ang papa niya, sinabi ko na gusto kong tumulong, pero tumanggi kayo. Sabihin niyo naman sana kung nagiging pabigat lang ako sa inyo, maiintindihan ko naman, tutal iyon lang naman magagawa ko." pagpapatuloy niya.
"That's not true, East—"
"I don't need lies right now, Aero." pagpapahinto sa kaniya nito. Napansin kong nahihirapan na rin siyang huminga dahil hindi pa rin humuhupa ang kaniyang luha.
"Alam ko naman na pinakikisamahan niyo na lang ako. Ikaw, West. Alam kong hindi mo lang masabi na hindi mo maatim na kahit saan ka magpunta kailangan mo 'kong isama." anas niya sa pagitan ng paninikip ng kaniyang hininga.
"That's enough, East. Hindi ka na makahinga." ang isinagot ni West. "Don't decide what I think about you."
"Lauren, Wendy, alam kong nahihiya lang kayo magsabi na ayaw niyo sa 'kin. Ramdam ko 'yon, kahit hindi ninyo banggitin. Pero mas makakatulong kung sana sinabi ninyo para hindi ako umaasa na kaibigan talaga ang turing ninyo sa 'kin."
"What you've been saying is not true, East. We're telling you that our feelings towards you are genuine—"
"Genuinely fake. Is there a time when the two of you tried sharing your problems on me? No. You've been keeping it on just the both of you." pagdudugsong niya sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Novela JuvenilDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...